Actions

Work Header

every little step

Summary:

“Papatulong sana ako mag-review para sa mga exams?”

Baekhyun blinked at Chanyeol's question. Medyo kinabahan pa siya kanina na baka seryoso ‘yung pag-uusapan nila. Hindi na dapat siya kailangang hatakin pa at ilibre ng palamig.

"In return, tutulungan kita sa crush mo kay Sehun."

Notes:

Hello! Maraming salamat sa pagbukas ng istoryang ito! ♡

Kakaibang aliw ang ibinigay sa akin ng kuwentong ito sa nakalipas na mga linggo, umaasa akong maging ganoon rin ito sa inyo. Para sa prompter, pakiramdam kong malayo ito sa inaasan mong resulta ng iyong prompt. Ngunit, sana makapagbigay pa rin ito kahit ng konting saya para sa'yo. Para sa mga kaibigan ko na nakinig at tumulong sa akin upang matapos ito, salamat! At para kay Mod D, maraming salamat po sa pag-beta read nito. Salamat po sa pasensya at kabaitan na ibingay niyo sa akin.

Chapter 1: Step 00 - How to make someone fall for you?

Chapter Text

“Oy, Baekhyun. Bakit ngayon ka lang? Malapit na ‘yung class natin, magpapa-print ka pa."

 

Malakas na tanong ni Jongdae sa paparating na kaibigan. Kasalukuyan silang nasa computer shop na malapit sa university para magpa-print ng research paper. Jongdae's done with his, kaya inaantay na lang niya talaga si Baekhyun na dumating.

 

"Maaga d-dapat ako," Hingal na sagot ni Baekhyun na tumakbo mula sa babaan ng jeep papunta sa computer shop. Hindi talaga siya dapat mahuhuli sa usapan nila ni Jongdae, kung hindi lang puro kamalasan ‘yung nangyari sa kanya. Una, bigla silang nawalan ng tubig, kaya kinailangan pa niyang mag-igib para sa pampaligo niya. Pangalawa, hindi nag-start 'yung motor ng kuya niya. Umasa pa siyang maayos ito pero after a while, hindi pa rin, kaya napagdesisyunan na niyang mag-jeep. Ito ‘yung huling kamalasan niya nitong umaga. Hinto nang hinto ‘yung jeep na nasakyan niya, literal na usad pagong ‘yung takbo samantalang wala namang traffic.

 

Hindi talaga niya siguro araw ngayon.

 

"Oo na," Jongdae consoled his friend habang tinatapik ang likod nito. "Nakapag-almusal ka ba?"

 

Sa paglaki ng mata ni Baekhyun ay alam na ni Jongdae ang sagot. Hindi na naman nakakain ng agahan si Baekhyun dahil sa pagmamadali. "Sabi na eh. Sige, pa-print mo na ‘yung assignment mo. Bili lang kitang sandwich."

 

"Thank you, Dae. The best ka talaga." Baekhyun grinned widely. Jongdae rolled his eyes saka siya naglakad papunta sa snack store sa second floor ng building. Si Baekhyun naman ay naglakad na papunta sa counter. Agad siyang nagpa-print, at nang masigurong kumpleto na ang pages ng paper niya, dali-dali siyang lumabas para hintayin ang kaibigan. 'Di katagalan ang hinintay niya dahil bumalik kaagad si Jongdae na may dala nang sandwich para sa kaniya. Baekhyun decided na kainin na 'to on their way to the university.

 

Sa bawat subo ng tinapay, kinukwento ni Baekhyun kung ano ang nangyari sa kanya. Malakas ang pagtawa ni Jongdae sa bawat kamalasan na naranasan ni Baekhyun, paminsan nga'y tinitignan na sila ng mga nakakasabay nilang maglakad dahil sa sobrang ingay nilang dalawa.

 

"Grabe ka makatawa. Gustong-gusto mo talaga kapag may nangyayaring masama sa akin eh." Baekhyun groaned habang paakyat ng hagdan. Papalapit na sila sa room kung saan sila may class. "Karma mo kasi yan, sa pagwala ng friction pen ko."

 

Nilingon ni Baekhyun ang kaibigan at tinignan nang masama, "Luh. Parang hindi kita binili ng bago kahapon. Dalawa pa!"

 

Kaso sa paglingon niya, hindi niya namalayan na may isang baitang pa pala sa hagdan at na out of balance siya. Iniisip niya na lalapat na ang mukha niya sa sahig at napapikit na lang siya.

 

Ngunit hindi ang malamig na sahig ang naramdaman niya. Instead, all he felt was warmth all over him. Baekhyun opened his eyes immediately and he found himself face to face with Sehun.

 

Sehun caught both of his arms just in time. Perfect time din, Baekhyun thought, para pagmasdan ‘yung features ni Sehun. His full, long eyebrows that always moved depending on his emotions. His irresistible eyes and beautiful high nose. At ‘yung smile niya. Grabe . Although it's slightly uneasy, it's still a smile, and it's directed at him.

 

Sandali, at him ?

 

Baekhyun quickly came back to his senses nung narealize niyang nakatitig siya kay Sehun. Agad-agad siyang umalis sa yakap nito at tumayo nang maayos. "Thanks," matipid niyang sabi sa binata.

 

"Wala’ yun," madaling tugon ni Sehun, "pero punta lang kaming CR, Pres ah. Wala pa naman si Ma'am."

 

"Sige. Basta balik kayo agad para hindi kayo malate." Baekhyun reminded them, lumingon din siya sa kasama ni Sehun. Si Park Chanyeol. Kung si Baekhyun, merong Kim Jongdae na kasama palagi sa buhay, ganoon naman si Chanyeol kay Sehun. Ang kwento, simula palang kinder ay magkasama na sila. Nagpatuloy ito hanggang elementary, high school at ngayong college na parehas pa sila ng kinuhang course.

 

Ngumiti lang si Chanyeol sa kanya in response at nagpatuloy na ang dalawa sa pagbaba.

 

"Makapagsalita, akala mo siya hindi male-late din," Jongdae teased nang makalayo na sila.

 

"Maaga nga ‘di ba dapat ako. Sobrang malas ko lang today."

 

"Sus, malas pa ba kung sinapo ka ng crush mo-" 

 

Dalawang kamay ang biglang tumakip sa bibig ni Jongdae. "Huy! Baka marinig ka nila!"

 

"Hindi ‘yan, layo na nila," sagot ni Jongdae nang tanggalin na ni Baekhyun ang kamay niya. "Besides, kung kausapin mo siya, para kang teacher. May crush bang ganun? Baka isipin lang nun niloloko ko siya." Napabuntong hininga na lang si Baekhyun. Paminsan talaga pahamak ang bibig ng kaibigan niya. Inaya na lang niya itong maglakad na uli papuntang classroom nila.

 

Umupo sila sa usual seats nila na malapit sa harapan. A few moments later, bumalik na rin sina Sehun at Chanyeol. Palihim na sinundan ng tingin ni Baekhyun si Sehun hanggang sa makapunta ito sa kanyang upuan. Hindi nagtagal ang pagsulyap niya dahil dumating na rin ‘yung teacher nila, and she promptly started the class. However, Baekhyun's mind was occupied by something else, that being his year-long crush na si Sehun.

 

Paano nga ba ito nagsimula?

 

Noong unang araw pa lang niya sa university, narinig na agad niya ang pangalang Oh Sehun. Kalat sa buong campus na may mga gwapong freshmen daw noong taon na iyon sa Accountancy. Pero in his first year, hindi naman nakilala agad ni Baekhyun si Sehun. Ang unang dahilan ay nagkaroon ng problema noon sa kanyang enrollment papers, kaya siya napunta sa second section, at hindi sa first kung nasaan si Sehun. Also, during that time, he was super committed to his studies. Payo rin kasi sa kanya ng mga kamag-anak na importanteng maintindihan ang basics, na kapag naisapuso mo na ito, magiging easy na 'yung buong course. Kaya sa buong first year niya, hindi siya nagkaroon ng oportunidad na makilala ang binata.

 

Then after a year ay nagkakaroon ng Qualifying Exams sa Accountancy. If you pass, you can continue. If not, you're advised to shift to another course. For the first years, their faculty facilitated review sessions, at dito niya unang nakita si Sehun dahil same sila ng schedule na napuntahan. Hindi man sila magkatabi ng upuan, Baekhyun could now see how handsome he was. Naintindihan niya agad ang pagkakagulo ng mga tao at mga kaklase niya. Still, it was not the time para sa love life for him, kailangan niyang mag-focus para makapasa sa exam.

 

His efforts thankfully paid off at isa siya sa mga mapalad na nakapasa. Unfortunately, a lot of students also failed. At dahil nangalahati na ang mga estudyante, pinagsama na lang silang lahat sa iisang section.

 

And this is where things slowly changed.

 

Siyempre, malaking factor 'yung magkaklase na sila. Araw-araw silang nagkikita at may mga pagkakataon na nagkakausap, lalo na't binoto na President si Baekhyun ng class.  Dahil lagi niyang nakikita, natural lang na maraming mapansin si Baekhyun kay Sehun. He was quiet most of the time, but if may opportunity, magbibiro ito at papatawanin ang buong klase. Albeit quite playful, seryoso siya sa pag-aaral.

 

Pero hindi lang dahil dito nahulog ang loob ni Baekhyun. It all happened on one fateful day. Bilang class president, siya ang natatawag tuwing may events ang kanilang college. It was nearing Christmas at napagdesisyunan ng dean na magkaroon ng fund raising activities ang bawat section for a chosen charity. Hindi naman issue para kay Baekhyun na may extra tasks siya, it's his job and the goal was nice. However, sobrang stressful ‘yung naging huddle nilang Presidents. It's as if wala siyang kausap dahil sobrang busy daw nila sa academics, halos lahat pa ng tasks ay ipinapasa sa kanya. The martyr man that he was, he accepted all of it ng hindi man lang nagrereklamo.

 

In addition sa stress na dinanas niya, inabutan pa siya ng ulan pauwi. Hindi niya inaasahang uulan ng araw na ‘yon kaya nawala sa isip niyang dalhin ‘yung payong niya. Hindi rin niya ma-contact si Jongdae kasi wala ito sa campus. It was a day na wala silang class. Pumasok lang talaga siya para doon sa meeting and look what he got in exchange.

 

He groaned out loud at napaupo na lang sa hagdan. He really couldn’t bring himself to ask for someone's help, lalo pa't sa naranasan niya sa katatapos lang na meeting. He felt really alone and that no one would help him. He sighed, parang sumasakit na ‘yung ulo niya kaya pumikit muna siya at ipinahinga ang ulo sa tuhod. Iidlip na lang siguro muna siya, baka sakaling paggising niya tumila na ‘yung ulan at makakauwi na siya.

 

Hinayaan niya ang sarili na makapagpahinga, habang napapaligiran ng malakas na tunog ng ulan at amoy na dulot nito. A huge breeze then blew, at naramdaman ni Baekhyun ang ilang patak ng ulan na bumagsak sa kanyang braso. The rain sound and atmosphere were quite peaceful. Huminga siya nang malalim at napangiti, maybe the rain wasn't so bad after all?

 

"Pres?"

 

Baekhyun was about to whine. Makakatulog na sana siya, pati ba naman ‘yun hindi maibibigay sa kanya ngayong araw?

 

Inangat niya ang ulo at nagulat ng makita si Sehun na nakatayo sa harap niya. "Sehun? Bakit ka nandito?"

 

"May dinala akong gamit ni kuya, nakalimutan niya kaninang umaga. Ikaw?"

 

"May meeting lang para sa Christmas event," tipid na sagot ni Baekhyun. Tumango naman si Sehun. "Oo nga pala, malapit nang mag-Pasko. Ibig sabihin malapit na rin mag-Christmas break," sagot nito na may kasama pang tawa. Just imagining the mini-vacation they'll have put him already in a good mood. Pero hindi sinuklian ni Baekhyun ‘yung pagiging masaya niya, tumitig lang ito sa kanya with a still serious face on. 

 

"Uh. Tapos na ‘yung meeting? Ba't nandito ka sa hagdan?" Tanong ni Sehun para mawala ‘yung awkwardness. 

 

"Yes, done na. Hindi lang ako makauwi dahil sa ulan, pinapahinto ko muna."

 

"Sabay ka na sa akin!" Sehun exclaimed. "Dala ko ‘yung kotse ko kaya pwede kita ihatid." Baekhyun's unsure kung ano ang isasagot. Gusto na rin naman niya umuwi para makapagpahinga na, pero siyempre nahihiya siya sa kaklase. Sasagot na sana siya nang muling nagsalita si Sehun, "Nako, ayos lang Pres. Ganito, ‘di ba may SB malapit sa inyo? Isipin mo na lang sinasamahan mo ko. Ibibili ko rin kasi ng sweets sila Mama. Okay?"

 

Baekhyun really felt shy. Ang pagkakaalala rin niya ay sa ibang daan ang bahay ni Sehun. Ngunit mukhang Sehun wouldn’t take no for an answer, kaya tumayo na lang si Baekhyun sa pagkakaupo at pumayag. Napangiti naman si Sehun at inaya na si Baekhyun papunta sa parking lot. Buti na lang at sa malapit nakaparada ang sasakyan ni Sehun kaya hindi sila masyadong nabasa papunta dito. Ngunit dahil nabasa pa rin sila kahit papaano, sobrang nilamig si Baekhyun sa sasakyan, weakness pa man din niya ang lamig. Hindi naman niya ito mabanggit sa katabi niya, dahil siya na nga lang ang nakikisakay.

 

Kahit na anong pilit na itago ni Baekhyun ang panlalamig niya, napansin pa rin ni Sehun ‘yung panginginig niya. Agad nitong binuksan ang heater ng sasakyan. He also turned to the back seat, upang may kuhanin. Nang makuha ito, nagulat si Baekhyun nang inabutan siya ng jacket. "Ito, Pres, suotin mo muna. Wala pa sigurong amoy yan. Don't worry." Pabirong banggit ni Sehun. Isang mahinang 'Thank You' ang sinagot ni Baekhyun. Pagkatapos masiguradong nasuot na ni Baekhyun 'yung jacket at nakapag-seatbelt na, nagsimula nang magmaneho si Sehun. Nagpapasalamat si Baekhyun na focused sa pagmamaneho si Sehun para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi niya.

 

Tahimik lang ang naging biyahe. Siyempre, as told by Sehun, nag-drive thru muna sila ng Starbucks para makabili ng pasalubong para sa magulang niya. After a few minutes at maraming direction instruction from Baekhyun (muntik na silang maligaw, actually, dahil nagkamali ng liko si Sehun), nakarating na sila sa bahay ng mga Byun. Mabilis na tinanggal ni Baekhyun ang seatbelt niya para maibalik rin agad 'yung jacket ng kaklase. "Maraming salamat sa paghatid, saka sa jacket."

 

"Wala ‘yun! Ah, bago ka bumaba," Sehun almost shouted bago yumuko at maghalungkat sa brown bag SB take out niya. He pulled out a drink and gave it to Baekhyun. Tumanggi naman agad si Baekhyun dahil sobrang dami na ng tulong ang natanggap niya. Sehun just laughed. Kinuha niya ang kamay ni Baekhyun para pilit ipahawak ‘yung coffee. "Mukhang bad trip ka kasi ngayon," Paliwanag ni Sehun. "Kung ano man nangyari, kakayanin mo ‘yan. Ikaw pa. Fighting, Pres!"

 

Walang nagawa, tinanggap ni Baekhyun ang kape at nagpasalamat bago bumaba ng sasakyan. He waved again kay Sehun, at hinintay itong makaalis ng street nila. Baekhyun looked at his drink at ngumiti.

 

And so the rain that day invited a myriad of feelings in Baekhyun's heart to blossom.

 

 

 

 

 

 

"Mr. Byun?"

 

Hindi namalayan ni Baekhyun na tulala na siya sa gitna ng klase, kaya nagulat siya nang bigla niyang marinig na banggitin ng guro nila ang pangalan niya. He side eyed Jongdae for help. Bumulong naman itong sagutin niya lang ‘yung unang question sa board. Tumayo siya at confidently sinagot ang tanong. Tama ang kanyang sagot at nakahinga siya ng maluwag. Buti na lang hindi halata na nag zone-out siya. Nagpasalamat siya agad sa kaibigan pagkaupo niya. Huminga siya ng malalim bago kinuha ang pen at mag-take down ng notes uli.

 

Focus, Baekhyun.

 

 

 

"Okay, 3A," panimula ng guro nila pagkatapos ayusin ang kanyang teaching materials, "I know you are very well aware na after nitong second sem, magkakaroon muli ng Qualifying Exams. Marami siguro sa inyo ang nag-iisip na maaga pa para mag-review, three months pa. Pero tandaan niyo na four Accounting Subjects ang scope ng exam ngayon, and I really suggest na you all start reviewing as early as now. As usual, if you have any questions, you can freely ask kahit sino sa amin sa faculty. Isa na lang ‘tong Qualifying Exam. Isa na lang and you're another step closer sa pagiging CPA." She looked at the students in the room affectionately, "I truly hope that you all pass. I want to see all of you sa graduation, okay? That's all, class dismissed."

 

The class thanked their teacher. Paglabas ng kanilang guro, nagsimula na sa kaniya-kaniyang gawain ang mga mag-aaral. May iba na lumabas at may ilan rin na nakipagkwentuhan sa katabi nila. Mayroon ring mga estudyante na napiling matulog — tulad ni Jongdae. Inilagay niya ang bag sa desk at inayos para magsilbing unan. "Tulog lang ako bes, pinuyat ako nung assignment natin." Banggit niya kay Baekhyun bago tuluyang ibaba ang ulo sa bag. 

 

Iba naman ang balak ni Baekhyun, he just went back to his notes, aaralin niya ito uli at susubukang sagutin ‘yung sample questions sa book. As he was starting, biglang dumilim ‘yung binabasa niya. He looked up to see what was blocking the light at nakita niya si Chanyeol sa harapan niya.

 

"Hi, Baek. Pwede ka bang makausap sandali?" He politely asked. Baekhyun just raised both his eyebrows, as if silently saying na “Yes, sure. What is it?” Chanyeol awkwardly grinned. "Sa labas sana. If you don't mind?" Although lito at nagtataka, pumayag si Baekhyun. Akala niya ay sa tapat lang sila ng room mag-uusap pero mas lalo siyang nagtaka nang inaya pa siya bumaba at pumunta sa snack bar sa tapat ng building nila.

 

"Thanks?" Baekhyun suspiciously said nang inabot sa kanya ni Chanyeol ang isang cup ng sago't gulaman. Hindi pa rin niya maisip kung ano ‘yung maaaring rason kung bakit siya hinatak nito upang makipag-usap at ngayo'y ilibre ng inumin. Sobrang curious, Baekhyun opened his mouth and decided to ask first but luckily Chanyeol beat him to it. "Bale, regarding kasi 'to sa pabilin ni Ms. Reyes kanina."

 

Agad pumasok sa isip ni Baekhyun ‘yung Qualifying Exams. Taking Baekhyun’s silence as cue, nagpatuloy si Chanyeol. “Papatulong sana ako mag-review for the exams? I still have a lot of things I don’t fully understand yet. Kaya kung pwede we can have tutoring sessions for the next three months?”

 

Baekhyun blinked. Medyo kinabahan pa siya kanina na baka seryoso ‘yung pag-uusapan nila. Hindi na siya kailangang hatakin pa ni Chanyeol dito at ilibre ng palamig. Okay lang para sa kanya to help a classmate, isip niya habang umiinom ng gulaman.

 

"In return, tutulungan kita sa crush mo kay Sehun."

 

Nabilaukan si Baekhyun sa narinig at naramdaman niyang namali ng pasok ‘yung malaking sago sa lalamunan niya. He coughed violently, sinusubukang alisin ‘yung bumarang sago. 

 

“Hala, Baek? Okay ka lang?” 

 

Baekhyun could only wheeze, tinuro na lang niya yung lalamunan niya to signal na he is choking on food. 

 

“Wait, alam ko gagawin dito. Tinuro ‘to sa akin ni ate.” Binaba ni Chanyeol ang hawak niyang inumin at tumahimik habang iniisip ‘yung dapat niyang gawin. Parang hihimatayin naman na si Baekhyun dahil sa hirap sa paghinga.

 

"Ah!" Chanyeol exclaimed nang maalala na niya. He quickly stood to Baekhyun's side, and placed one arm across the smaller's chest. "Baek, sorry agad kung masaktan kita. Kailangan lang."

 

Kung hindi lang siguro nabibilaukan ngayon si Baekhyun ay magdududa siya sa sinabi ni Chanyeol. Nalaman naman niya agad kung bakit nag-apologize si Chanyeol nang maramdaman niya ‘yung malakas na palo nito sa likod niya. Sinundan ito ng tatlo pang hampas hanggang sa wakas, naluwa na niya yung sagong halos kumitil sa buhay niya.

 

Nanghina ang mga tuhod ni Baekhyun at sasalampak na siya sa semento kung hindi lang siya hawak ni Chanyeol. Dahan-dahan siyang inalalayan nito sa upuan sa gilid. Nang makaayos na ng upo si Baekhyun, nagpaalam si Chanyeol na may babalikan sa tindahan. Habang naghihintay, sinubukang pakalmahin ni Baekhyun ang sarili. Muntik na siya roon.. 

 

Mabilis bumalik si Chanyeol, hawak ang isang pamaypay at ang mga drinks nila.

 

"Ilayo mo," Another inhale, "Sa akin yan." Ayaw na muna ni Baekhyun makakita ng sago't gulaman. Baka nga hindi na niya muna ito inumin for weeks. 

 

"Kahit water?" Pag-alok ni Chanyeol at umiling si Baekhyun, hahabulin niya muna ‘yung hininga niya. Chanyeol nodded at sinimulang paypayan si Baekhyun. It wasn’t long bago bumalik uli sa normal ang paghinga ni Baekhyun. Magpapasalamat sana siya nang inunahan na naman siya ni Chanyeol.

 

“Okay ka na? So, payag ka ba sa plan ko?”

 

Instead na gratitude ang masabi niya, muntik nang mamura ni Baekhyun si Chanyeol. Ito talaga yung reason kung bakit muntik na siyang kunin ni Kamatayan. He sarcastically smiled. "Alam mo parang malapit na yung next class natin. Balik na ‘ko ha?" 

 

Kung kanina, willing pa siya na tulungan ang classmate niya, ngayon ay parang hindi na. Tumayo siya sa kinauupuan at (padabog na) naglakad pabalik sa classroom. Nagulat naman si Chanyeol sa biglang pag-alis ni Baekhyun, tumayo rin agad siya, binalik ang hiniram na pamaypay, at sinundan ang kaklase.

 

"Uy! Baek! Payag ka nga?"

 

"Pag-iisipan ko!"