Chapter 1: Prologue
Chapter Text
“Wow.”
Mahinang bulong ni Junmyeon nang masilayan ang tanawin ng siyudad mula sa kinatatayuan niya. Isang libong beses man siya mapunta rito, sigurado siya na palagi siyang mamamangha sa makikita.
Mula sa malapit hanggang sa malayo, daan-daang mga gusali ng iba’t-ibang hugis at taas ang bumabalot sa siyudad. Ngunit, hindi lamang ang pag-unlad ng lungsod sa mga makabagong edipisyo ang matatanaw, but also how well it blends with the natural environment. Maaninag pa rin ang mga bundok at kagubatan mula sa labas ng bayan.
The view truly fits the luxury of the place he's in.
Kasalukuyan siyang nasa opisina ng Chromosome Media, ang pinakatanyag na publishing company sa bansa. Kilalang-kilala ang mga magazines na inilalathala nila. Halimbawa na lamang ay ang ‘Honey’ na nagbibigay ng mga recipes at meal ideas sa mga mambabasa, at ‘Jade’ na ang focus ay fashion, beauty, and celebrity style. Nakakatiyak si Junmyeon na bawat tao sa Pilipinas ay nakabasa na ng kahit isang magasin na ginagawa nila.
"Mr. Kim?"
Lumingon kaagad si Junmyeon pagkarinig ng apelyido at isang babae na may bilugang mga mata’t pisngi ang bumati sa kanya. “Yes, that’s me.” Sagot ni Junmyeon sa dalaga na sa tingin niya ay secretary ng editor-in-chief na makakaharap niya ngayong araw. Ngumiti naman ito sa kanya at itinuro ang daan papasok, "Tara po, hinihintay na po kayo ni Sir Zhang."
Habang naglalakad ay inayos muli ni Junmyeon ang suit at tie niya, nais niyang tiyakin na makapag-iiwan siya ng magandang impression. Ito kasi ang unang pagkakataon na makikilala niya si Zhang Yixing, at nakasalalay sa kanya kung maililimbag ang mga litratong pinaghirapan niya nitong mga nakaraang linggo.
“Sir Zhang, nandito na po si Mr. Kim.” She announced pagbukas ng pinto and after receiving a nod from him ay pinaupo niya si Junmyeon sa harapan ng boss niya.
“Thanks Tzuyu,” ani ni Yixing sa sekretarya bago ito lumabas ng silid. He then turned his head to the man seating in front of him.
“Hi, Junmyeon. Nice meeting you.” Tumayo si Yixing and extended his hand to give Junmyeon a handshake. Nagagalak naman itong tinanggap ni Junmyeon at nagpalitan sila ng mga malalaking ngiti bago umupo ulit.
“Nakita ko na ‘yung pictures,” Panimula ni Yixing at kinuha ang folder kung saan nakalagay ang printed layout. “I was so amazed by how a fashion spread could tell a story. May I ask what was your inspiration for this?"
“My inspiration this time is the people around me. I suppose na ang vague at general answer ‘yun.” sagot ni Junmyeon ng may kaunting tawa. “Pero para sa mga previous designs ko, palagi ko lang sinisigurado that I am in line sa current trends. Kung ano ang sikat na patterns and colors, doon lang iikot ang mundo ko. Ngayon, I just want to do something that is close to my heart; to have something that evokes feeling, emotion, at response sa mga taong makakakita.“
Yixing nodded, habang patuloy na tinitignan ang mga litrato. “I see. Correct me if I am wrong lang, pero I somehow got a feeling na meron ka pang gustong ma-accomplish bukod doon?”
Bumaba ang tingin ni Junmyeon, iniisip kung paano sasabihin ang naging pangunahing dahilan para sa collection niya ngayon.
“Yes. I pursued this project para sana makatulong sa mga taong mahalaga sa akin.” Tugon niya sa tanong. ”I believe that it can only take one single push for people to realize things at gusto kong simulan 'yun. I just want them to remember how beautiful they were in love, at hindi pa huli ang lahat para maitama ang mga pagkakamali ng nakaraan.”
Lumipas ang ilang sandali na purong katahimikan lamang ang maririnig sa buong opisina. Nararamdaman na ni Junmyeon ang panlalamig ng kanyang mga kamay dahil sa kaba. Tumatakbo sa isip niya na mukhang hindi wasto na sabihin ang personal niyang rason para sa proyekto. Ano na ang susunod niyang gagawin kung sakaling hindi mailabas ang mga litratong kinuha nila?
Sa kanyang malalim na pag-iisip ay nagulat tuloy siya sa tunog ng pagbukas ni Yixing ng kanyang drawer. Walang imik na pinanood ni Junmyeon na kunin ni Yixing ang isang papel at fountain pen sa loob. Pinirmahan niya ito at inilagay sa folder kasama ng mga litrato. Yixing wistfully smiled before closing the folder.
“Good luck with your plan."
──── ✺ ────
"Kuya Junmyeon!"
Malakas na sigaw ang narinig ni Junmyeon pagkalabas niya ng opisina. Napatingin tuloy siya sa pinto para masiguradong nasara niya ito ng maigi at hindi na marinig ng editor-in-chief ang ginagawa na ingay ng kaibigan. Pagkatapos matiyak na kumpleto ang mga dala niya (at sarado ang pinto) ay naglakad na siya papunta kay Sehun.
"Kanina ka pa naghihintay?"
"Hindi po," sagot ni Sehun. "Halos kararating ko lang, galing ako sa isang photoshoot." Tumango naman si Junmyeon sa sinabi ng nakababata. Positibo si Junmyeon na okupado muli ang araw ni Sehun ngunit naglaan pa rin ito ng oras para kamustahin siya. Isang popular na photographer si Sehun. His works found its way in famous magazines such as Vogue, Vanity Fair, GQ, at ngayon sa Jade. He is best-known for his fashion and portrait photography styles that capture the personality and soul of its subject.
Siya rin ang tumulong kay Junmyeon na matapos ang plano niya.
"Pumayag si Kuya Xing?" Tanong ni Sehun at isang kumikinang na ngiti ang ibinigay ni Junmyeon sa kanya. Tinaas kaagad ni Sehun ang kanyang kamay upang makipag-apir nang makita ito. "Sabi ko sa'yo papayag 'yun! Ayaw mo pa maniwala."
Natawa naman si Junmyeon sa reaksyon niya at saka kinuwento ang nangyari sa pag-uusap niya kay Yixing.
"Dahil diyan, libre mo ko lunch." Biro ni Sehun habang pababa sila ng building. Dali-daling pumayag si Junmyeon sa hiling ng kasamahan. "Sige, ano bang gusto mo?"
"Parang gusto ko ng Kinilaw, 'yung Tuna Kinilaw."
Napatingala si Junmyeon sa kakaibang request ni Sehun. Itatanong na niya sana kung saan sila hahanap ng pagkaing iyon nang maalala kung sino ang may specialty nito. "Gusto mo lang puntahan si Kyungsoo!" Hiyaw niya sa loob ng elevator. "Saka parang ang lapit ng Baler, mas matagal pa 'yung byahe natin kaysa sa pagkain mo!"
──── ✺ ────
FOUR WEEKS AGO
"Sa Baler? Kailangan bang doon pa talaga?"
Nababagot na tanong ng modelo na kausap ni Junmyeon. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago sumagot, kung hindi lang niya pinsan ang kaharap ay kanina pa niya siguro ito binatukan. "Summer 'yung theme ng designs ko, Chanyeol. Kaya pumili kami ng lugar na malapit sa dagat."
"Marami namang lugar sa Pilipinas na may dagat. Siargao, Sorsogon," Ani ni Chanyeol bago magsimulang maglista ng iba't-ibang mga lugar sa bansa at pinagbigyan na muna siya ni Junmyeon. Kabisado na niya ang binata't alam niyang mapapagod rin ito sa pagsasalita. Pinanood na lamang niya si Sehun ubusin ang kanilang kinuhang pagkain.
"Saka Boracay! Bakit hindi na lang doon?!" Bulalas ni Chanyeol pagkatapos niyang maubusan ng lugar.
"Maayos na ang lahat, Chanyeol. Ang totoo, oo mo na lang ang kulang para makapagsimula na sa shoot." Pagpapaliwanag ni Junmyeon. "Sasayangin mo ba talaga lahat ng pinagpaguran ko dahil hindi mo nagustuhan ang lugar na napili ko? First time ito na mabibigyan ako ng pagkakataon na ma-feature sa isang magazine, at sa Jade pa. Kaya naman please, gawin mo na 'to para sa akin."
Pinagmasdan ni Junmyeon ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Chanyeol, na sinundan ng pagsalampak sa kinauupuan at pagtingin sa malayo. Alam na ni Junmyeon na gumana ang pagmamakaawa niya.
Humigop muna si Chanyeol sa kanyang inumin bago nagsalita muli. "Sino pala ‘yung partner ko sa shoot?"
"Huh?"
"Bakit 'huh'?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Chanyeol sa pagtataka. Kinuha niya ang sketchbook na nasa lamesa at binuklat ang laman nito. "Tama naman, for couples itong mga designs mo."
"Nawala lang sa isip ko," Pagpapalusot ni Junmyeon sa tanong ng pinsan bago kunin ang sketchbook mula sa kanya. "Gagawin mo 'yung shoot ng mag-isa."
"Ayaw kasi pumayag nung isa na makasama ka." biglang sabat ni Sehun at muntik na siyang hampasin ni Junmyeon dahil dito.
"Ano 'yun?"
"Wala, ayaw niya na daw nitong ulam. Sa'yo na lang." Junmyeon interjects and Sehun pouts as he watches his food get taken away. Palagi na lang sa ganito natatapos ang mga lunch meetings niya kapag kasama si Junmyeon. Naalala niya tuloy ang isa pang lalake na nakausap nila dalawang linggo bago ang araw na ito.
──── ✺ ────
Mabilis na inuubos ni Sehun ang Tuna Kilawin na binili nila. Ito ang unang beses na natikman niya ang pagkain at sobrang nagulat siya sa sarap. Hihilingin niya kay Junmyeon mamaya na ilibre siya ng isa pang order para maiuwi niya. Pati na rin sana ang number ng cute na may-ari ng resort ay makuha niya. Sa ngayon, tahimik muna siyang kakain habang tinititigan mag-usap si Junmyeon at ang kaibigan nito.
"Hindi naman ako artista para gawin 'to, Kuya!" Nagmamaktol na tugon ni Baekhyun nang marinig ang pakiusap ng nakatatanda. Katulad ng nakagawian ay daan-daang pasensya ang ibibigay ni Junmyeon sa kanya. "Pero sa'yo bagay 'yung mga designs. Actually, I made them with you in mind. Ikaw ang muse ko for this season."
Nagulat naman si Baekhyun sa narinig at tinignan muli ang mga disenyo na nasa harapan niya. Idinagdag rin ni Junmyeon na una niya itong proyekto para sa isang magazine, ipinaliwanag niya ito na tila ba'y linya sa pelikula na ilang beses niyang kinabisado para sa mga pagkakataon na katulad nito.
Hindi nagtagal ay pumayag na rin si Baekhyun sa kahilingan ng kaibigan. Tumayo naman si Junmyeon upang yakapin siya at ipakita ang pasasalamat sa pagtanggap ng proyekto.
"Siya ba makakasama ko sa shoot?" Tanong ni Baekhyun at tinuro si Sehun, na patuloy pa rin sa pagkain. Umiling naman si Sehun at sumagot, "Hindi po. Photographer po ako, hindi model."
"Sino?" Baekhyun unconsciously tilted his head in curiosity. "Secret muna sana sa ngayon, Baekhyun." Tugon ni Junmyeon nang makabalik na uli sa kanyang upuan.
Sumunod nito'y mukhang lumalim muli ang iniisip ni Baekhyun. Tumahimik siya ng ilang segundo, bago nag-aatubili na itanong, "Kuya, hindi ba pwedeng ako na lang mag-isa?"
Sasabihin na sana ni Junmyeon ang nakahanda niyang sagot sa tanong na ito nang makita na hindi komportable si Baekhyun. Halatang nag-aalangan sa posibilidad na makihalubilo sa mga taong katulad ng lalaking pilit niyang kinakalimutan. Ang malala pa ay baka ang taong ito pa ang makasama niya.
"Sige, dahil unang shoot mo 'to, pagbibigyan kita. Gagawin mo siyang mag-isa." Inihayag ni Junmyeon ang desisyon para sa kaibigan.
"Kuya, paanong mag-isa?" Sehun suddenly questioned. "Di ba makakasama nga niya 'yung ex—"
"It's time na para bumalik kami ng Manila. Patanong na kay Kyungsoo 'yung bill ng pagkain namin. Thank you." Nakangiting pakisuyo ni Junmyeon kay Baekhyun. Kahit na siya'y naghihinala, tumango na lang si Baekhyun at tumayo. Habang si Sehun naman ay hawak pa rin ang tagiliran niyang nakurot ni Junmyeon.
Noong nakalayo na si Baekhyun ay inilabas na ni Sehun ang hinanakit niya, "Kuya, hindi ko pa nauubos 'yung Kilawin!"
"'Yan ang napapala ng mga taong hindi mapigilan ang bibig nila." Junmyeon replied after taking a sip of his coffee. "Sa lahat naman ng pwede mong sabihin, bakit 'yun pa?"
"Pero paano nga kasi natin magagawa ang plano kung hindi naman sila magkasama?" Pagtatanong muli ni Sehun, alam niya ang buong plano ni Junmyeon at lumalabo na matupad ito.
"Huwag kang mag-alala. We'll just have to make it look like they are together." Kumunot ang noo ni Sehun sa sagot na nakuha, kaya naman ipinaliwanag ni Junmyeon ang naisip niyang alternatibong paraan. Pagkatapos ay isang malapad na ngisi ang ibinigay ni Sehun kay Junmyeon.
"Okay 'yun, Kuya! Simulan na natin 'to!"
Chapter 2: Ocean View
Chapter Text
The first picture was spread into two pages. Makikita sa litrato ang kamangha-manghang ganda ng Baler, na tiyak makakakuha sa atensyon ng bawat mambabasa. Sa magkabilang gilid ay ang dalawang tauhan na tampok sa summer collection ng sumisikat na designer na si Kim Junmyeon.
Ang lalaki sa kanan ay nakasuot ng shirt na mayroong makukulay na disenyong ipininta mismo ni Junmyeon, na sinamahan ng itim na pantalon. Samantala, nakabihis ng puting kamiseta at cotton pants ang lalaki sa kabilang dulo. Nakabukas ang ilang butones ng kanyang pang-itaas, kaya’t kapansin-pansin ang makinis na balat nito.
Mababatid rin ang umaapaw na emosyon sa kanilang dalawa. Tila ba’y tumigil ang oras, na kahit nasa tabi lang ang kaakit-akit na karagatan ay hindi nila maalis ang mga mata sa isa’t-isa.
They were enveloped in a warm and soft feeling, wari’y buong buhay nilang hinahanap ang bawat isa at sa wakas ay itinadhana na magkita sa araw na iyon.
──── ✺ ────
"Sa tingin ko talaga dapat patayin 'to," mungkahi ni Junmyeon habang walang tigil sa pagpatay-bukas ng ilaw. "Para mas natural? Saka baka hindi ito magtugma sa nakuha na nating pictures?"
"Kuya naman eh, kanina pa natin 'to pinag-uusapan," pagod na sagot ni Sehun, sabay agaw ng controls kay Junmyeon. "Mas late tayong dumating ngayon dito kaysa noon, kaya kailangan natin 'yung lighting. Isa pa, i-edit ko rin naman 'yung mga pictures. Magtiwala ka lang sa akin, okay?"
Napabuntong-hininga si Junmyeon, tumango’t hinayaan ang nakababata na ayusin ang mga gamit niya. Naisipan na lang niyang kumustahin ang pinsan na kanina pa nakaupo malapit sa dulo ng talampas. Tatawagin na sana niya ang pangalan nito, ngunit hindi niya ito tinuloy nang maaninag ang kalungkutan sa mukha ni Chanyeol na nakatingin sa malawak na dagat. Hindi mapigilan ni Junmyeon na maawa para sa kanya. Lumingon na lamang siya upang tingnan rin ang tanawin sa kinatatayuan nila.
Malapit na ang dapit-hapon ngunit malakas pa rin ang sinag ng araw na tumatanglaw sa asul na karagatan. A breeze then suddenly blew by, filled with the smell of the salty water. Nagdala ito ng sariwang hangin, pati na rin ng iba’t-ibang alaala mula sa nakalipas na mga taon.
"Kuya Junmyeon! Kuya Chanyeol! Tara na, simulan na natin!" Malakas na sigaw ni Sehun. Nagulat dito ang dalawa na malalim ang iniisip. Tumayo agad si Chanyeol sa kinauupuan at pumwesto sa harapan ng kamera. Pinanood ni Junmyeon kung paano ikinubli ng pinsan ang tunay na nararamdaman, na parang hindi siya nalunod sa mga memorya ilang segundo lang ang nakararaan.
"Kuya Chanyeol, dito ka pumwesto sa kanan." Sabi ni Sehun, at umusog ng konti si Chanyeol.
"Lakad ka pa, Kuya. Mga banda rito."
Sumunod man siya, batid sa mukha ni Chanyeol ang pagtataka. Kakaiba ang ipinapagawa ni Sehun, karaniwan ay nasa gitna ng camera ang mga modelo. Subalit ngayon, sa pwesto niya, ilang hakbang na lang ay wala na siya sa litrato.
"Very good! Tapos tagilid ka, pero dapat kita pa rin 'yung emotions ng mukha mo. Ang gusto ko 'yung gulat ka, parang ngayon ka lang nakakita ng sobrang ganda." Sunod na utos ni Sehun.
"Ng alin? Nakatingin lang ako sa bato?" Chanyeol rebutted.
"Hindi naman kasi 'yung bato ang maganda! Si Ba—"
"Sundin mo na lang 'yung gusto ng bata, Chanyeol." Sumingit na si Junmyeon sa pag-uusap nila at pinagmasdan ang pinsan na wala nang magawa kundi huminga ng malalim at sumunod sa sinabi ni Sehun. Hindi na rin naalis ang sakit na nararamdaman ni Junmyeon sa kabuuan ng photoshoot dahil patuloy niyang naaaninag ang lumbay sa mga mata ni Chanyeol.
Lalo na at alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ng kanyang pinsan.
──── ✺ ────
THREE YEARS AGO
"Kuya Junmyeon, sigurado kang safe ‘yung lugar, ah?"
"Oo naman," The said man replied. "Kilala ko nga 'yung may-ari nung resort, nasabihan ko na rin siya na dapat walang lalapit sa'yo."
"Sige. Thank you, Kuya." Tugon ni Chanyeol, dama sa boses niya ang matinding pasasalamat para sa pinsan. Ilang paalala pa ang binanggit ni Junmyeon at sinsero na nakinig si Chanyeol sa bawat bilin ng kamag-anak bago binaba ang tawag.
Pagkatapos ay tiningnan ni Chanyeol ang mga message at email niya. Nang masigurado na wala na siyang kailangan asikasuhin, pinatay na niya ang telepono at sinuksok sa pinakailalim ng kanyang bag. He let out a huge sigh of relief when he was done.
Naayos na rin niya ang lahat sa wakas. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inayos ang pagkakaupo upang maging mas komportable. Ang malumanay na musika mula sa radyo ay nakatulong din para lalo siyang maginhawahan.
The peaceful atmosphere made him recall the day he chose to take a break.
It was another busy day, full of photoshoots and interviews. However, it was definitely not a great day for his team. Umaga pa lang, napuno na sila ng mga problema. Nagpatuloy ito hanggang gabi, kung saan nagkaroon ng gusot sa iskedyul ng makakasama niyang modelo, then the whole studio was brought into chaos.
Pagod na pagod siya, idagdag pa na puno ng mga taong nagsisigawan ang paligid niya. He just felt it was too much. So much that he yearned to run away somewhere far, to a place that is nowhere near the constant blare of lights and hustle of his job.
Hindi na niya matandaan kung paano siya napunta sa desisyon na iyon. It was very sudden. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakaharap sa kanyang manager at nagtatanong kung maaari ba siyang magpahinga. Hindi isang simpleng limang-minutong break sa photoshoot, but a long one. Gulat ang naging unang reaksyon ng manager niya, ngunit ito’y sinundan ng isang malapad na ngiti at pangakong magtatanong siya kaagad sa kumpanya.
Sa kabutihang-palad, sinuportahan ito ng kanyang agency. Apparently, he was quite off recently and everyone in the company could see it. Needless to say, sa tingin din nila ay makabubuti nga kay Chanyeol ang ilang linggo ng pahinga.
Chanyeol’s mind then looks back to the months before that day and agrees to what they said.
He was completely spent.
Since he was casted by his agency five years ago, ang kanyang mga araw ay laging puno ng mga shoot at runway work. For the most part, he was so elated. It felt like he belonged there, and having those opportunities is a huge accomplishment for him. Hindi niya makakalimutan ang unang pagkakataong pumunta ang kanyang mga magulang sa isang Balenciaga boutique, para lang mapadalhan siya ng mga selfie kasama ang kanyang mga larawan sa loob ng store. It made him feel like he was doing something that made them proud.
Pero, hindi na niya maramdaman ang parehong saya kamakailan. It was often that he feels overwhelmed, emotionally drained, and unable to meet constant demands. Maraming mga araw na wala siyang lakas sa anumang bagay, maging sa mga bagay na kinagigiliwan niya noon, kasama na ang pagmomodelo.
Chanyeol took a couple of deep breaths. It does feel like taking a rest is the best thing to do, trying to push through the exhaustion may just cause him to hate his job and he doesn’t want that.
After working for years incessantly, he does deserve a little bit of rest.
He chuckled at the late realization. It was truly a relief, na nandiyan ang kanyang pinsan para tulungan siya sa pagpaplano at siguraduhing maayos ang lahat. Kaya eto siya, nakasakay sa kotse papuntang Baler.
Humuni na lamang siya sa kantang pinapatugtog sa radyo.
I still remember
The scent of the summer ocean
When I first met you
And it’ll be a strange story
For us to try to meet again
Just because of that ocean view
But let’s meet right here
I’m almost there
"Sir, nandito na po tayo."
Dahan-dahang iminulat ni Chanyeol ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ng kanyang driver, pati na ang mga ingay mula sa pagbukas ng sasakyan at gulong ng kanyang mga bagahe. Iniunat niya ang buong katawan, hindi niya napansin na nakatulog na pala siya sa byahe.
"Okay na po, Sir. Naibigay ko na po sa staff lahat ng gamit niyo," batid ng kanyang driver at ngumiti si Chanyeol dito. "Maraming salamat, Manong. Ingat po kayo pabalik ng Manila. See you in a month!" Bumaba na siya ng sasakyan at nagpaalam.
Namangha siya sa ganda ng resort. He walked into the front lobby and was met with a soaring ceiling, with wooden beams stretching across the entire length. The whole hall was filled with crisp, bright whites and blues rounded out by warm clay tones. On the other side of the room are large decks and terraces that overlook the sea.
Sa labis na pagkabighani sa nakita, hindi niya napansin ang lalaking lumapit sa kanya. Nagulat na lamang si Chanyeol nang bigla itong umubo upang makuha ang kanyang atensyon.
"Magandang hapon, Sir. Welcome to Soleil Beach House. Ako si Kyungsoo, kaibigan ni Junmyeon.” Pagbati sa kanya ng lalaki na may matipid na ngiti sa kanyang labi. Binalik naman ito ni Chanyeol at inabot ang kamay para sa isang handshake.
“Thank you for choosing our resort and I hope you enjoy your stay here." Dagdag ni Kyungsoo at nilibot muli ni Chanyeol ang paningin sa buong paligid. Ngayon pa lang ay tiyak siyang magiging masaya ang kanyang bakasyon.
"The pleasure's all mine."
They engaged in a few small talks while they were walking to Chanyeol’s room. Pagkarating ay inabot sa kanya ni Kyungsoo ang mapa ng buong resort, meal, and activity schedule para sa buong buwan. Nagpasalamat muli si Chanyeol kay Kyungsoo bago pumasok ng kanyang kwarto.
Muli siyang namangha sa disenyo ng kanyang silid. The room is tastefully decorated with a modern and colorful style with some added native touches on the furniture. Mayroon din itong private balcony at dali-dali naglakad si Chanyeol papunta rito.
Nilanghap niya ang sariwang hangin na dala ng dagat. The sea alone brings him peace and warmth. Napapaligiran pa ang resort ng mga halaman at matataas na puno ng niyog, at sa kalapitan ay isang talampas. Sigurado siyang mas kamangha-mangha ang tanawin mula roon. Lumingon siya para tingnan ang kanyang mga bagaheng kailangan niyang ayusin, at pabalik sa cliff. Pwede naman niyang asikasuhin ang mga gamit niya mamayang gabi, 'di ba?
With a grin, he dashed out of his room and went towards the cliff.
Ilang minuto lang ay malapit na siya sa tuktok. Tama siya, mas nakamamangha talaga ang tanawin mula sa talampas. Dahan-dahan siyang naglakad pataas, adoring the view, when he unexpectedly stepped onto a dried leaf that crunched under his feet.
“Jongdae naman!” Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa talampas. “Katutulog ko pa lang!”
Natigilan si Chanyeol sa kinatatayuan niya at nagmasid sa paligid, ang kanyang tanging nakikita ay mga bato at ilang halaman. Naguguluhan siya kung saan maaaring nanggaling ang boses. Dapat na ba siyang kabahan? Bakasyon lang naman ng ilang linggo ang hiniling niya, hindi panghabang-buhay na pahinga.
Hinugot niya ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya at nagtanong, “May tao ba rito?”
Sunod siyang nakarinig ng ilang kaluskos, tapos nito’y isang lalaki ang lumabas mula sa malaking bato sa kanyang kaliwa. Pansin sa mukha nito ang gulat at pagkataranta. Halata rin na kagigising lang niya dahil sa gulo ng kanyang buhok.
“Sorry po. Akala ko po kaibigan ko ‘yung dumating.”
Nagmamadali itong humingi ng tawad. Samantala, si Chanyeol ay natulala. Sa palagay niya’y inatake siya sa puso dahil sa kaba kanina at ngayon ay nasa langit na. Ito lang ang naiisip niyang dahilan kung bakit siya nakakakita ng anghel ngayon.
Tinitigan niya ng maigi ang lalaking nasa kanyang harapan. His hair's brown and looks so soft that his hands will slip right through it if he touches it. The man has droopy eyes that shone brightly, it could truly rival the sparkle of the sea before them. Lastly, his lips; which have a natural shade of pink and glossy, as well as perfectly cutely shaped.
“Guest po ba kayo sa resort?” Tanong sa kanya ng lalaki, but Chanyeol can only register the fact that he could listen to that bright voice every day. Sa ngayon ay napupuno siya ng mga emosyon na hindi niya maipaliwanag, and that something inside tells him that the guy is something special.
Napansin niyang unti-unting napuno ng pag-aalala ang mukha ng lalaki, malamang ay dahil kanina pa siya hindi umiimik. “Y-yes,” nauutal niyang sinabi.
Tumango naman siya sa tugon ni Chanyeol, “Okay po, nagtatrabaho po pala ako sa resort.”
Sinubukan ni Chanyeol na makabuo ng isang matinong sagot ngunit tila hindi gumagana ang kanyang utak sa sandaling ito at lumipas ang ilang sandali na wala muling nagsasalita sa kanilang dalawa.
“Sige po Sir,” Sambit muli ng lalaki. “Maiwan ko na po kayo rito.”
Bahagyang nataranta si Chanyeol nang magsimulang maglakad palayo ang lalakk. Dali-dali niyang hinawakan ang kamay nito. He then just blurted out the first thing that came to his mind.
“Hindi mo ba ako nakikilala?”
Nagtataka siyang tiningnan ng lalaki and Chanyeol could only mentally slapped himself. Sa lahat naman ng pwede niyang tanungin ay bakit iyon pa? Sa tingin niya’y nagmukha siyang mayabang. Kahit na matagal na siyang modelo, hindi ibig sabihin noon ay kilala siya ng lahat ng tao sa Pilipinas!
Naputol ang kanyang pagtangis nang marinig ang marikit na tawa ng kanyang kausap. “Sir naman, luma na po na banat ‘yan. Wala po ba kayong bago?”
It took Chanyeol a moment to process the boy’s reply before he burst out in laughing as well. Bukod sa tunog ng ihip ng hangin at hampas ng mga alon, napuno ng masasayang tawanan ang talampas. He glanced again at the man before him and widely smiled.
Paniguradong magkakaroon siya ng isang bakasyon na hindi niya makakalimutan.
Chapter 3: Bungee
Chapter Text
Ang sumunod na litrato ay nahahati rin sa dalawang pahina. Sa larawang ito, sila ay nasa tabing dagat. Ang liwanag ng papalubog na araw ay nagpapakinang sa karagatan. Maaari din mailarawan sa isip ng mga mambabasa ang tunog ng alon na humahampas sa puting buhangin ng dalampasigan.
Nasa magkabilang gilid ng larawan muli ang dalawang bida. Ang nakatatangkad na modelo ay nakasuot ng denim distressed shorts, na pinareha sa isang polo, which is colored in light summer colors over a white sleeveless shirt. Samantala, nakabihis ng isang loose striped na pullover at white chino pants ang kasamang lalaki. Pareho silang nakayapak, marahil ay upang maramdaman ang mainit na buhangin sa ilalim ng kanilang mga paa.
Mapapansin rin ang ilang letra na nakasulat sa buhangin, dahil habang tumatakbo ang dalawa sa baybayin ay nag-uukit sila ng mga mensahe para sa isa't-isa. Sila ay may malaking ngiti sa kanilang mga mukha, damang-dama ang saya’t pagmamahal na nararamdaman para sa isa’t-isa.
Mabuti sana kung ang mga sandaling ito ay magtatagal magpakailanman.
──── ✺ ────
Marahang inayos ni Junmyeon ang damit ni Baekhyun, isang malaking ngiti ang makikita sa kanyang mukha. He can't help but feel proud of the younger. "Ang gwapo! Sabi na, bagay sayo itong damit!" Bumungisngis naman si Baekhyun sa papuri ni Junmyeon, "Maganda kasi yung designs mo kaya umaangat 'yung kapogian ko."
Natawa si Junmyeon sa sagot niya. "Nako, nambola ka pa. Oo nga pala, ibibigay ko sa'yo 'yung mga damit. Mayroon rin pala akong nakatabi para sa mga kapatid mo." Pagkasabi niya noon ay agad niyang napansin ang pag-aalala at pagkabalisa sa mukha ni Baekhyun.
"Huwag na po, Kuya. Hindi ko naman po sinabi 'yun para—"
"Baek," Magiliw niyang tinapik si Baekhyun. "Alam ko naman 'yun. Pero, umpisa pa lang, plano ko nang iregalo talaga sa’yo 'to." Halatang nagdadalawang-isip si Baekhyun kaya't dinagdagan pa ito ni Junmyeon. "Isipin mo na lang rin na bilang pasasalamat ko ito, na pumayag ka sa pakiusap ko."
Ilang segundo ang lumipas bago nahihiyang tumango si Baekhyun. "Tara, labas na tayo. Kanina pa siguro naghihintay si Sehun. Bugnutin pa naman 'yun." Pagbibiro ni Junmyeon upang mapagaan ang pakiramdam ng nakababata. Gumana naman ito at natawa si Baekhyun. Nagpasalamat siya muli kay Junmyeon bago sila lumabas.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Junmyeon nang makalapit na sila sa photographer. "Ang tagal niyo kasi, kung ano-ano na tuloy ang nasulat ko dito." Tugon ni Sehun bago inaya si Baekhyun na simulan na ang photoshoot. Pinanood na lamang ni Junmyeon sa gilid ang dalawa. Sinabihan ni Sehun si Baekhyun na tumawa at sinunod naman ito ng modelo, rinig sa buong dalampasigan ang magiliw niyang tawa.
Nang makita ito, umaasa si Junmyeon na magkaroon muli ng pagkakataon na masayang magkasama sina Chanyeol at Baekhyun sa magandang baybayin na ito.
──── ✺ ────
THREE YEARS AGO
Malakas na ring ng telepono ang umalingawngaw sa buong kwarto. Sinundan ito ng ingay ng ilang bagay na bumagsak at ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng banyo. “Andiyan na! Sandali lang!” Sigaw ni Baekhyun na madaling nagbihis.
“Nay!” Masayang niyang bati nang makita kung sino ang tumatawag.
“Bakit ang tagal mong sumagot?”
"Nasa banyo po ako, katatapos ko lang po maligo."
"Ngayon ka pa lang naligo? Anong oras na, tanghali ka na nagising!" Tumingin si Baekhyun sa orasan, alas-siyete pa lang at mamaya pa ang simula ng trabaho niya. Pinili na lang niyang huwag sumagot sa interogasyon ng kanyang ina at inayos ang butones ng kanyang uniporme.
"Kung saan-saan ka siguro nagpupupunta kaya gabi ka na nakauwi't natulog. Baka may boyfriend ka na diyan?"
Nahinto si Baekhyun sa kanyang ginagawa at naalala ang lalaking magdadalawang linggo na niyang kasama. Hindi niya napigilan ang pag-angat ng kanyang mga labi nang maisip siya. "Wala po, Nay."
"Siguraduhin mo lang," naghihinalang tugon ng kanyang ina. "Alam mo naman na wala kang oras para makipag-relasyon. Kailangan na makatapos ka kaagad, para makapagtrabaho ka na't matulungan mo kami dito sa bahay."
Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Baekhyun sa sinabi niya. Tila ay nasa isang magandang panaginip siya nitong mga nakaraang araw at ngayon ay kailangan na niyang bumalik sa reyalidad. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Opo, Nanay. Alam ko po 'yun."
"Sige, galingan mo diyan ah. Huwag mo gagalitin si Kyungsoo. Pinagbigyan na nga tayo ng pamilya nila na makapagtrabaho ka diyan." Huling bilin ng kanyang ina bago binaba ang tawag. Pagkatapos nito ay nilapag ni Baekhyun sa kanyang cabinet ang telepono. Napatingin siya sa larawan ng kanilang pamilya na nakapatong din sa aparador.
Isang mangingisda ang kanyang ama at maybahay naman ang kanyang ina. Hindi madali ang buhay para sa kanila, kailangan nilang gawin ang lahat upang may makain. Panganay siya sa anim na magkakapatid kaya ginawa niya ang lahat upang makatulong. Sa mga araw na hindi sapat ang kinikita ng kanyang ama, kahit anong trabaho ay gagawin niya upang makapagbigay sa bahay. Kasabay nito ay nagpursigi siya upang magkaroon ng scholarship mula elementarya hanggang kolehiyo. Ang tanging layunin niya sa mga nakalipas na taon ay ang makapagtapos ng pag-aaral, maging isang matagumpay na arkitekto, at maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan na kanilang nararanasan.
Bakit niya hinayaang magulo ang matagal na niyang pangarap ng isang tao? Simula ngayon ay hindi niya papayagan ang sarili na madala pa ng mga walang kwentang emosyon.
Sinigurado ni Baekhyun na maayos ang kanyang damit at huminga ng malalim bago naglakad papunta sa restaurant.
"Kanina pa siya naghihintay sa'yo," bati sa kanya ni Kyungsoo pagkarating niya ng kusina. May kutob si Baekhyun kung sino ito pero dumungaw pa rin siya upang makasigurado. Tulad ng inaasahan, nakita niya si Chanyeol na nakaupo hindi kalayuan sa kanila. Sinilip na rin ni Baekhyun kung may ibang staff na maaaring mag-asikaso sa lalaki, ngunit mukhang siya pa lamang ang empleyado rito.
Lumingon siya kay Kyungsoo, nagbabakasakali na pwede mapakiusapan ang kaibigan na ito na lamang ang lumapit kay Chanyeol. Ngunit, napalunok si Baekhyun sa titig ni Kyungsoo. Ang mga mata niya’y nagtatanong kung bakit hindi pa siya kumikilos, at alam na ni Baekhyun na hindi siya pagbibigyan nito. Napaungol siya sa pagkadismaya bago mabilis na kinuha ang menu at padabog na lumabas ng kusina.
“Magandang umaga po, Sir.”
Tumingala si Chanyeol mula sa binabasang magasin at napangiti nang makita siya. “Good morning!”
Sinagot lamang siya ni Baekhyun ng katahimikan.
“Baek—”
“Ano pong order niyo?”
“The usual,” nagtatakang sagot ni Chanyeol at hindi na siya pinagbigyan ni Baekhyun na makapagsalita pa dahil bumalik na si Baekhyun kaagad sa loob. Pagkarating sa kusina ay binanggit na niya ang order ni Chanyeol at umupo sa gilid habang nagsimula ng magluto si Kyungsoo.
“Bakit nandito ka?” komento ni Kyungsoo pagkaraan ng ilang minutong katahimikan sa kusina. “Lagi kang nasa labas kapag nandyan si Chanyeol, magkausap kayo habang hinihintay ‘yung pagkain.”
“Hindi ko naman dapat gawin ‘yun.” Tugon niya at batid ni Baekhyun ang pagtataka ni Kyungsoo sa kanyang sagot. Nais ni Baekhyun na hindi na magtanong pa ang kaibigan dahil hindi rin niya alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman.
Mukhang naintindihan naman ito ni Kyungsoo at bumalik na lamang siya sa pagluluto. Maya-maya pa ay natapos na siya at inabot ang pagkain kay Baekhyun. Mabilis itong kinuha ni Baekhyun. Ang plano niya ay maabot ito kaagad kay Chanyeol at iwasan na buong araw ang lalaki.
Pagkalabas ng kusina, nakita niyang magkausap si Chanyeol at si Jongdae. Pakiramdam ni Baekhyun ay may pinaplano silang hindi kaaya-aya, base lamang sa ngisi sa kanilang mga mukha. Mainam talaga kung lalayuan na niya ang modelo.
"Ito na po ang pagkain niyo," matipid na sabi ni Baekhyun. Tatakbo na sana siya paalis nang biglang hinawakan ni Chanyeol ang kamay niya. "Nag-almusal ka na? Sabay na tayo?"
Sinubukan ni Baekhyun na kumawala sa kapit ni Chanyeol. Ngunit hinigpitan lang ng binata ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Hindi na lamang umimik pa si Baekhyun at tumingin sa malayo. The awkward silence made Jongdae cough and interfere. "Oo nga, bes. Pakabusog ka. Maghapon ka pa man din ngayon sa beach."
Napuno ng pagtataka ang mukha ni Baekhyun. Sa pagkakatanda niya, maghapon siyang magtatrabaho ngayon sa restaurant, bukas pa siya naka-duty na maglinis ng mga kwarto.
Saka, teka, kailan pa siya natalaga sa beach?
"Ay, hindi pa ba sinasabi sa’yo ni Kyungsoo? Tuturuan mo ngayon si Chanyeol mag-surf." Tugon ng kaibigan, nagulat si Baekhyun sa kanyang narinig at pinandilatan ang lalaki sa tabi ni Jongdae. Nagpaliwanag naman kaagad si Chanyeol, "Nakwento sa akin ni Jongdae na sanay ka raw mag-surf, kaya tinanong ko si Kyungsoo kung pwede mo ako turuan ngayong araw."
Sunod na lumingon si Baekhyun sa may kusina at nakitang nakatayo na sa may pintuan si Kyungsoo. Ngumiti ito sa kanya at binigyan siya ng isang thumbs up. Kung hindi lang siguro oras ng trabaho ay sinigawan na niya si Kyungsoo. Pipigilan niya muna ang sarili at paulit-ulit na inalala ang bilin ng ina.
Tumingin muli siya kay Chanyeol. Maaari naman niya siguro pagbigyan ito ngayong araw lang, pagkatapos ay hindi na talaga siya magpaparamdam sa lalaki. "Magkita tayo sa beach pagkatapos mong kumain," atas niya kay Chanyeol bago siya naglakad papunta sa kanyang kwarto.
Bumagsak si Baekhyun sa kanyang kama, umaga pa lang ngunit parang pagod na siya. Iniisip na rin niya ang sunod na gagawin. Siguro'y magmamakaawa siya mamaya kay Kyungsoo, luluhod pa siya sa kanya kung kailangan para lamang maiwasan na sa susunod na mga araw si Chanyeol.
Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tumayo. Nagpasya siyang magpatugtog ng musika para pakalmahin ang kanyang sarili habang naghahanap ng kanyang isusuot mamaya.
Every single night
I think of the sapphire in your eyes
And I'm a diver that swims through that ocean every day
Every time I dive I leave my heart with you
If you like it you can keep it all
"Okay ba ang suot ko?" Pilyong tanong ni Chanyeol pagdating niya sa pinag-usapang lugar. Gumawa pa siya ng ilang pose at kailangan pigilan ni Baekhyun ang sarili na matawa sa kalokohan nito. Tumalikod na lamang siya at naglakad papunta sa rental shop.
Pagkatapos nilang makakuha ng board ay agad-agad binanggit ni Baekhyun ang mga kailangan malaman ni Chanyeol. Sinimulan ni Baekhyun ang pagtuturo habang nasa dalampasigan sila. Pinakita at pinagawa niya kay Chanyeol ang tamang posisyon sa board at pagtayo rito. Pagkatapos masiguradong kabisado na ni Chanyeol ang basics, ay inaya na niya ito sa dagat.
"Paddling na 'yung kasunod?"
"Oo."
Determinadong tinignan ni Chanyeol ang kanyang board bago sumampa rito. Huminga siya ng malalim, pagkatapos ay sinimulan na ang paglangoy. Sumunod si Baekhyun sa tabi niya, nakapatong ang braso kay Chanyeol upang handa siyang makatulong sa lalaki.
Ramdam na ramdam ni Baekhyun ang init na nagmumula sa katawan ni Chanyeol dahil sa pagkakalapit nila. Sinubukan niyang hindi ipakita sa kanyang mukha ang epekto ni Chanyeol sa kanya.
"Okay na ‘yan. Mag-practice na tayo sa pag-take off," banggit ni Baekhyun nang makitang sapat na ang inabot nilang dalawa. "Panoorin mo ako, tandaan mo ‘yung itinuro ko sayo kanina." Bilin niya bago siya dumapa sa kanyang board at lumangoy. Nang makalayo na siya, inikot niya ang kanyang board at tumingin muli sa dagat. Napansin niya ang paparating na malaking alon at nagsimula na siyang magtampisaw. Nang maramdamang sapat na ang kanyang bilis, ipinatong niya ang kanyang kamay sa board, itinulak pataas ang sarili at tumayo, pinatilihing nakabaluktot ang kanyang mga binti at nakalabas ang mga braso. Mahusay niyang sinakyan ang alon patungo sa dalampasigan.
Pagkatapos ay lumangoy si Baekhyun sa kinatatayuan ni Chanyeol. Hindi niya napigilan ang masayang ngiti sa kanyang mukha. Ilang taon na rin noong huli siyang nag-surf, mula pa noong pinilit siya ni Kyungsoo na samahan siyang kumuha ng lessons. Inaamin niyang na-miss niya ang dagundong ng karagatan sa kanyang mga tainga at ang tilamsik ng tubig sa kanyang balat. It was relaxing and exhilarating at the same time.
"You're beautiful too when surfing," pagpuri ni Chanyeol at naramdaman ni Baekhyun ang pamumula ng kanyang mga pisngi. “Ikaw naman,” nahihiya niyang tugon. Bahagyang tumawa si Chanyeol bago tumango at dumapa sa kanyang board.
Lumangoy siya palayo at pinanood ni Baekhyun si Chanyeol maghintay para sa isang alon. Nang makita na mayroon nang paparating na alon, humarap siya at nagsimulang magtampisaw nang mabilis. Ginaya niya ang ginawa ni Baekhyun kanina, ngunit agad siyang bumagsak pabalik sa dagat.
Umusad si Baekhyun mula sa kinatatayuan, nag-aalala niyang tiningnan ang malawak na dagat para kay Chanyeol. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita ang ulo nito noong makaahon sa tubig, narinig din niya ang mga hagikgik ng modelo at hindi niya maiwasang mapangiti.
Sumenyas si Chanyeol na gusto niyang subukan ulit at ang tanging nagawa na lamang ni Baekhyun ay tumango.
Naghintay muli sila para sa isa pang alon. Nang dumating ito, tumalon si Chanyeol sa kanyang board at dahan-dahang bumangon. Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Baekhyun ay hinuhugutan na siya ng hininga. Tila ba ay nagliliwanag si Chanyeol - nakayuko ang mga tuhod, nakataas ang mga braso, at nakahilig ang katawan habang masayang sumasakay sa alon. Tunay na kamangha-mangha si Chanyeol.
"Nagawa ko, Baek!" Sigaw ni Chanyeol, na may pinakamalaking ngiti sa mukha, at kumikinang sa tuwa na mga mata. Muntik na silang pumailalim sa tubig nang tumalon ito upang si Baekhyun noong nakabalik siya. Binalik naman ni Baekhyun ang yakap ng mahigpit at nagtagal sila sa posisyon na iyon ng ilang sandali. Wari’y sila lang ang tao sa may dagat at para sa kanila ang sandali na ito.
“Okay ba?”
"Perfect," Baekhyun heard his own voice, strong and edged with the excitement that sent his heart hammering. Then, to himself, "absolutely perfect."
Akala ni Baekhyun ay wala ng ilalaki pa ang ngiti ni Chanyeol, ngunit parang lumaki pa ito ng marinig niya ang papuri ni Baekhyun. "Maraming salamat, Baek."
"Walang anuman," tugon ni Baekhyun. A mischievous twinkle then appeared in his eyes as he giggled, "Isa pa?" Hindi na siya naghintay pa ng sagot. Kumalas siya sa pagkakayakap, kinuha ang kanyang board, at lumangoy palayo. Narinig naman niya ang tawa ni Chanyeol habang sinusundan siya. Sa totoo lang, gagawin ni Baekhyun ang anumang hilingin ni Chanyeol basta't lagi niyang makikita ang kanyang nakapipintig na ngiti, at malambing na tawa na nagbibigay liwanag sa kanyang mundo.
Napakaganda ng hapon na iyon sa Baler. Mainit, ngunit may malakas na simoy ng hangin. May mga ulap sa kalangitan, ngunit hindi gaanong karamihan. Higit sa lahat, ang asul na dagat na magiliw silang tinanggap. Ngunit, tila may kakaiba rin sa hangin, araw, buhangin at tubig na nagpabago sa dapat sana ay isang malungkot na hapon sa isang memoryang hindi kailanman makakalimutan ni Baekhyun.
Tumingin muli si Baekhyun kay Chanyeol, at parang dinala ng alon ang mga alalahanin niya.
Mahal niya si Chanyeol, at pagbibigyan niya ang sarili sa pagkakataong ito.
Chapter 4: Closer To You
Chapter Text
Ang pangatlong litrato ay nasa may dalampasigan muli, ang pagkakaiba lamang ay sa gabi ito kinuhanan. Hindi maulap ang kalangitan kaya kitang-kita ang mga nagkalat na bituin at kabilugan ng buwan. Sa ilalim ng liwanag na ito ang dalawang bida na parehas naka-upo sa isang kumot, ang kanilang mga pagkain ay nasa paligid nila.
Mapapansin na sila ay nagpapahinga, marahil ay pagkatapos ng isang mahabang araw na puno ng aktibidad. Gayunpaman, tiyak na naging masaya at hindi malilimutan ang maghapon dahil sa kislap ng kanilang mga mata at ngiti sa mga labi.
Mababatid din ng mga mambabasa na marahil ay isang importanteng gabi iyon dahil sa kanilang mga damit. Ang lalaki sa kanan ay nakasuot ng light blue shirt na pinatungan ng isang pinstriped jacket. Sinamahan ito ng beige na suit pant na bumagay sa mahahaba niyang binti. Samantala, ang nasa kaliwa’y nakabihis ng grey na plaid shirt at black dress pants.
Malalim na ang gabi ngunit mukhang hindi makakatulog ang kahit isa sa kanila. Hindi nila mabitawan ang sandaling ito dahil sa wakas, reality is better than their dreams.
──── ✺ ────
"Kumusta na siya?"
Mahina man ang pagkakatanong ay narinig pa rin ito ni Junmyeon. Tinapos muna niya ang pagsalansan ng mga damit bago humarap kay Chanyeol. "Okay naman. Malapit na graduation nila, siya nga raw magsasalita kasi siya ang Summa Cum Laude ng batch nila."
"He deserves it," tugon ng kanyang pinsan. Matipid man ang naging sagot niya ay pansin ni Junmyeon ang saya at ginhawa sa tinig ni Chanyeol. Napangiti rin siya, hindi mapigilan ang tuwa na nararamdaman para kay Baekhyun. Maraming hirap ang dinanas ng nakababata para marating ang tagumpay na ito. Idagdag pa ang nangyari noong nakaraang taon, na kinailangan niya na huminto sa pag-aaral para sa pamilya. Nagtiyaga siya upang makabalik sa unibersidad at ngayon ang lahat ng ito ay nasuklian.
Ngunit, kumunot ang noo ni Junmyeon nang napagtanto ang dahilan sa tanong ng pinsan. Sa tanong nito, siguradong nahinuha na ni Chanyeol ang dahilan sa likod ng mga kinuha nilang larawan. Ano ang sunod niyang dapat gawin? Magpapanggap pa rin ba siya at pilit itatago ito? O aminin na ang katotohanan?
Pagkalipas ng ilang sandali ay naglabas siya ng isang malalim na buntong-hininga. Walang dahilan para maglihim pa siya kay Chanyeol. Hindi na nga niya siguro kailangan pang magpaliwanag pa dahil naisip na rin siguro ni Chanyeol ito. Tinanong na lamang niya ang bagay na bumabagabag sa kaniya nitong mga nakaraang araw. "Galit ka ba?"
"Nung nahulaan ko ‘yung ginagawa mo? Oo, pero noong una lang. Kasi naisip ko rin kung bakit, and it made sense." Nakahinga si Junmyeon ng maluwag sa narinig na sagot, kahit papaano ay nabawasan ang bigat na kanyang nararamdaman simula noong naisip niya ang plano na ito.
Alam niya na inilalagay niya ang kanyang sarili sa mga bagay na hindi naman niya dapat pinapakailaman. Subalit, sa tuwing nakikita niya ang kalagayan ng pinsan at nababalitaan ang sitwasyon ng kaibigan, alam rin niyang hindi pwedeng hayaan niya na lang ito kung may magagawa naman siya upang magkita sila.
“Thank you for cooperating,” Junmyeon uttered sincerely.
"Tingnan muna natin kung ano ang mangyayari bago ako magpasalamat pabalik,” Biro ni Chanyeol at malakas na tumawa rito si Junmyeon.
“Hihintayin ko ‘yan.”
──── ✺ ────
THREE YEARS AGO
Katulad ng bawat umaga sa nakalipas na mga araw, unang naramdaman ni Chanyeol ang mainit na sinag ng araw sa kanyang mukha. Sumunod ang amoy ng karagatan na kumikiliti sa kanyang ilong.
Kinusot ni Chanyeol ang kanyang mata’t humikab. Binuksan na rin niya ang kanyang mga mata, sinulyapan ang lalaki sa tabi niya at ngumiti. Ang sarap nga talagang gumising, lalo na kapag sinasalubong mo ang umaga na katabi ang taong mahal mo. Itinaas ni Chanyeol ang kanyang kamay at marahang hinaplos ang buhok ni Baekhyun.
Nagising dahil doon si Baekhyun, umungol siya’t yumakap palapit kay Chanyeol.
"Good morning," bati ni Chanyeol, sabay ngiti sa inaantok pa na lalaki.
"Morning," bulong pabalik ni Baekhyun.
Chanyeol moved onto his side and reached around him to pull Baekhyun even closer. Kasunod nito’y hinagod niya pataas at pababa ang kamay sa likod ni Baekhyun. "Matagal ka na bang gising?" tanong sa kanya ng kasintahan.
"Kagigising ko lang din, mag-jogging sana ako ngayon."
"Huwaaaag," Baekhyun whined. "Dito ka lang."
Mahinang tumawa si Chanyeol at hinalikan ang noo ni Baekhyun. Pagkatapos ay isinandal niya ang pisngi sa magulong buhok nito. "Okay."
"Good."
Maingat na lumayo nang kaunti si Chanyeol kay Baekhyun pagkalipas ng ilang mahabang sandali na nakahiga lamang sila. Kahit ilang linggo pa lamang sila magkakilala, kabisado na niya si Baekhyun. And it was because of these moments, where he would spend a long time looking and admiring him. Chanyeol now knew every line and curve, every mole and scar, every perfect imperfection. He’s sure that he will pull these memories when he’s back in Manila.
Baekhyun's giggle pulled him out of his thoughts. “Anong ginagawa mo?"
"Pinagmamasdan ang gwapo kong boyfriend," hinaplos ni Chanyeol ang pisngi ni Baekhyun. Yumuko siya para halikan ang ilong ng kasintahan, dahilan upang lalong bumungisngis si Baekhyun. Nang mahismasmasan ay ibinaling ni Baekhyun ang kanyang ulo, naunawaan ni Chanyeol ang gusto niya at dahan-dahang inilapat ang labi sa kanya.
Their lips met in a loving, tender kiss in the soft glow of the morning sun. In the peaceful silence, ang tanging maririnig ay ang pagpintig ng kanilang dalawang puso sa isang perpektong ritmo. Pagkaraan ng ilang segundo ay huminto na sila dahil sa hangin. Their kiss was short and sweet, leaving the two of them content.
Naputol ang kanilang mapayapang umaga dahil sa malakas na tunog ng telepono. Pinanood ni Chanyeol ang pagbabago sa mukha ng kasintahan habang inaabot ang kanyang cellphone mula sa mesa sa tabi ng kama. “Hello, Nay.” Mahinang sagot ni Baekhyun, lumingon muna siya muli kay Chanyeol at humalik sa kanyang pisngi bago tumayo at lumabas ng kwarto.
Naiwan na nalulumbay si Chanyeol sa kama. Sa tuwing tumatawag ang nanay ni Baekhyun sa kanya ay lumalayo ito kay Chanyeol. Tuwing magtatanong naman siya kung kumusta ang kanilang pag-uusap ay iniiwasan ito ni Baekhyun. Lalo na tuwing mag-aalok siya na puntahan ang pamilya ni Baekhyun, agad itong tatanggi at iibahin ang usapan. Naiintindihan niya kung gusto ni Baekhyun na sarilinin muna ang ilang bagay. Paminsan lang talaga’y nalulungkot siya na tila hindi pa siya pinagkakatiwalaan ni Baekhyun sa ilang parte ng kanyang buhay.
Sinampal ni Chanyeol ang kanyang pisngi upang tanggalin ang isip sa mga negatibong bagay. Papatunayan na lamang niya ang sarili kay Baekhyun, lalo na sa araw na ito. Ngumiti siya muli nang maisip ang mga pupuntahan nila mamaya. Tumayo na siya sa kama at binuksan ang radyo upang mapuno ng musika ang kanyang silid habang siya'y naghahanda.
My heart for you is like an artist's pencil, filled with black lead
You're like a twinkling star on a dark night
I can't take my eyes off you, you shine too much
I don't wanna take my lips off you all night
Honestly, I'll tell you what I want
“Kung ako sa’yo, dapat hindi ka naniniwala kay Jongdae.” Komento ni Kyungsoo pagkatapos banggitin muli ni Chanyeol ang kanyang plano. Jongdae gasped, “Nagtatampo ka bang nag-suggest ako ng ibang restaurant?!”
Naningkit ang mata ni Kyungsoo, "Babatukan na kita, malapit na."
Tumawa si Chanyeol habang pinapanood ang pagtatalo ng dalawa. Nagpapasalamat siya na nakilala rin niya ang mga ito. Sa kanyang pamamalagi, sila’y naging mabuting kaibigan sa kanya. Ipinaabot nila ang kanilang tulong hangga't maaari, mula sa kanyang mga personal na isyu hanggang sa kanilang lovelife. Hindi magiging ganito kasaya ang kanyang pamamalagi kung wala rin silang dalawa.
“Ay, basta! Okay na ‘yung mga lugar na napili natin. Hindi pa napupuntahan ni Baek din ‘yun kaya siguradong magugustuhan niya ‘tong araw na ‘to!” Bulalas ni Jongdae at tumango na lamang si Kyungsoo upang matapos na ang pag-uusap nila.
“Mag-iingat kayo ah. Magtanong ka kay Baekhyun kapag hindi mo na sigurado ‘yung daan,” bilin ni Kyungsoo. “Saka dahan-dahan sa pagmamaneho. Malalagot ka talaga sa akin kapag umuwing may gasgas ‘yung kotse ng Tatay ko.” Dagdag niya ng may mas seryosong tono at kabadong tumango rito si Chanyeol.
Tumingin siya sa orasan sa dingding. 9:27 AM, malapit na sa oras na napag-usapan nila. Sinuri niya muli ang kanyang damit at siniguradong wala itong gusot. Maya-maya, napansin niyang papalapit na sa kanila si Baekhyun. Sinalubong siya ni Chanyeol ng ngiti at inilahad ang kamay sa kaniya, at hinawakan ito kaagad ni Baekhyun. Nagpaalam silang dalawa kina Kyungsoo at Jongdae bago naglakad palabas.
Ayos ang lahat; mataas ang sikat ng araw, maaliwalas ang kalangitan at may malamig na simoy ng hangin. Tamang-tama para sa mga gagawin nila. Sigurado siyang magiging perpekto ang kanilang date.
Ang una nilang pinuntahan ay ang Museo De Baler. Kapansin-pansin ang detalyadong mural sa palibot ng gusali na naglalarawan sa mga makasaysayang kaganapan sa Baler. Sa loob, parehas silang namangha ni Baekhyun sa iba’t-ibang artifacts, paintings and other memorabilia na sumasalamin sa kasaysayan ng probinsya. Pagkatapos nito’y pumunta sila sa Kusina Luntian, na minungkahi ni Jongdae. Simple lang ito, hindi magarbo tulad ng ibang mga restaurant na nadaanan nila. Ngunit, sobrang nagustuhan nilang dalawa ang mga pagkain. Ang una nilang natikman ay ang Pako Salad, ito’y matamis at malasa. Sumunod ang Wapang-Wapang na Liempo, sinamahan rin ito ng pako, maalat na itlog at kamatis. Ibinagay nila ito sa suka at chili oil. Sigurado si Chanyeol na hindi niya makakalimutan ang pagkain na iyon sa sarap.
Dahil naging maganda ang simula ng kanilang araw, naisip ni Chanyeol na magtutuloy-tuloy ito sa natitirang bahagi ng hapon. Ngunit, mukhang nagkamali siya. Sobrang mali.
Ang pangatlo nilang pinuntahan ay ang Ditumabo Falls. Hindi naman siya nasabihan nila Jongdae at Kyungsoo na magiging mahirap pala ang paglalakad papunta rito, lalo para sa kanilang hindi akma ang suot para sa ganitong aktibidad. Ang daan ay basa at mabato. Siguro nga'y parang magandang panaginip ang pakikipaghawak kamay sa taong mahal mo habang pinagmamasdan ang kalikasan, ngunit sa pagkakataong ito’y parang isang bangungot. Maaaring madulas sila’t mauntog sa bato anumang segundo.
“Yeol!”
Suddenly, Baekhyun lost his footing. Mabilis pinalibot ni Chanyeol ang kanyang braso kay Baekhyun para hindi ito lumagpak sa matigas na bato at dahan-dahang inalalayan tumayo. "Magpahinga muna tayo?" Tanong ni Baekhyun.
Tinitigan ni Chanyeol ang mukha ng kasintahan at napansin ang pagod nito. "Oo naman." Bulong niya’t umupo muna sila sa tabi. Noon niya napagtanto rin kung gaano siya kauhaw, apatnapung minuto naman ba silang naglalakad nang walang tigil sa tirik na araw. Kinuha ni Chanyeol ang bote sa bag niya at pinainom muna si Baekhyun bago siya. Hindi niya maiwasang makonsensya na pinapahirapan niya ang kasintahan. Dapat siguro’y pumili siya ng lugar na mas relaxing.
"Tara na?" Baekhyun's voice brought him out of his thoughts. Agad nagtanong si Chanyeol, “Sigurado ka? Pwede namang magpahinga pa tayo."
"Okay na ako, sa tingin ko rin malapit na tayo."
Gusto pa sana makipagtalo ni Chanyeol. Hindi sila sigurado sa layo ng talon, baka ilang milya pa pala ang kailangan nilang lakarin. Gayunpaman, halatang determinado si Baekhyun na tapusin ang paglalakbay. Kaya naman inilahad na lamang niya uli ang kanyang kamay para hawakan ni Baekhyun at nagsimula na naman silang maglakad.
Sa kabutihang palad, ang talon ay hindi na nga ganoon kalayo. Ilang minuto pa ng paglalakad ay nandoon na sila. Saglit na hinabol ni Chanyeol ang kanyang paghinga at pagod na itinaas ang ulo para tingnan ang tanawin – para lamang huminto muli sa paghinga, sa pagkakataong ito, hindi dahil sa pagkahapo. Ngayon ay dahil ito sa pagkamangha.
Ang malinaw na tubig ng Ditumabo Falls ay bumubulusok, dumadaloy sa hindi mabilang na mga malalaking bato sa ibaba ng agos. Ang matayog na talon ay kagila-gilalas, napapaligiran rin ito ng mga berdeng palumpong at baging.
"Woah." Naglakad pa siya ng ilang hakbang palapit sa talon. Tumingin si Chanyeol kay Baekhyun at tumawa, nalilibang sa nakangangang ekspresyon nito. "Ang ganda!" Bulalas ni Baekhyun, kumikinang ang mga mata sa pagkamangha sa tanawing nasa harapan nila. Napangiti muli si Chanyeol sa kaligayahan ni Baekhyun. Ang kanilang daan papunta rito ay mahirap ngunit lubhang sulit rin. Sigurado siya noong oras na iyon na wala nang mangyayari pa na makakapampalumbay sa kanya.
Subalit, nang gabing iyon, naligaw sila't nagpaikot-ikot sa Baler. Hindi naman siya nagsisinungaling nung sinabi niyang alam niya ang daan papunta sa susunod na lugar, maraming beses niyang tinanong sila Jongdae at Kyungsoo tungkol dito, ngunit ngayon ay nahihirapan siyang maalala ang mga tagubiling iyon. Hindi niya dapat talaga ipagpalagay na magiging maayos ang lahat.
"Chanyeol, sigurado bang natatandaan mo pa kung saan tayo pupunta? Sabihin mo na sa akin kung ano 'yung pangalan ng beach." Kalmadong nagsalita si Baekhyun, pero nakaramdam pa rin ng kaba rito si Chanyeol. Isa pa, parang naririnig na niya ang boses ni Kyungsoo na nagsasabing, ‘Binalaan naman kita.’
With a goofy smile, Chanyeol replied, "Sabang Beach."
"Hala ka," hiyaw ni Baekhyun. "Sa kabilang daan 'yun."
Malalim na ang gabi nang makarating sila sa dalampasigan, wala ng tao sa paligid at ang lugar ay tila nilaan para sa kanila. Mabilis silang lumabas ng sasakyan at pagkatapos kunin ang kanilang gamit, ay naglakad na sila papunta sa dalampasigan. Sila ay umupo malapit sa mga alon, ngunit may kaunting distansiya pa rin para hindi sila mabasa ng tubig. Pagkaraan nilang ilapag ang kumot at ilabas ang pagkain ay umupo na sila. Ngunit hindi sila agad nagsimulang kumain. Instead, they took in the moment — ang liwanag ng buwan, mabituing kalangitan, ang mahinang galaw ng alon, at ang isa't-isa. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagsimula na rin silang kumain. Pinagbaon sila ni Kyungsoo ng hapunan at nagulat sila sa grande ng pagkakahanda nito, bukod sa pangunahing putahe ay may mga prutas at panghimagas.
They ate mostly in silence. Nakikinig lamang sila sa hampas ng alon. It wasn’t awkward, dahil na rin kung gaano sila kakomportable sa isa't-isa.
"Sayaw tayo?" biglang tanong ni Chanyeol nang matapos silang kumain.
"Ano?"
"Come on, it’s perfect! Saka tayo lang ang nandito oh, tara na!” Chanyeol replied. Baekhyun pouted, pero bumangon pa rin siya’t hinawakan ang mga kamay ni Chanyeol at nagpahila patayo.
Sa una, hindi kaaya-aya ang kanilang pagsayaw,. Hindi magtugma ang kanilang mga paa at parehas silang nalilito.
Kaya naman itinaas ni Chanyeol ang kamay ni Baekhyun at inikot-ikot ito. Ang buong baybayin tuloy ay nagsimulang mapuno ng kanyang mga hagikgik. Pinagmasdan ni Chanyeol ang wagas na saya na nakapinta sa mukha ni Baekhyun at natawa rin siya.
They danced for as long as their hearts desire, they weren't the greatest dancers but they just fit. Wari’y alam na nila kung ano ang gagawin ng isa't-isa at dumaloy lamang ang kanilang mga galaw. Marahil ito ay dahil sa liwanag na dala ng buwan at mga bituin. Marahil ito ay dahil sa galaw ng alon na lumlilikha ng musika para sa kanila. Marahil ito ay sa simpleng dahilan na kasama nila ang isat-isa.
Naputol lang ang kanilang pagsasayaw nang madapa si Chanyeol at parehas silang nahiga sa buhangin, si Baekhyun ay nasa ibabaw niya. Nagtinginan sila at sunod na humagalpak sa tawa . "Ang galing niyo naman po sumayaw," biro ni Baekhyun sa kanya. Hindi makaisip si Chanyeol ng kanyang isasagot, ang isip niya ay puno ng imahe ng masayang mukha ng kasintahan. Ibinababa na lamang niya ang ulo ni Baekhyun para halikan. Hinalikan siya pabalik ni Baekhyun, ng mas mapusok at malalim. The hunger for each other was beyond description, both were completely lost in each other.
Pagkatapos ng sandaling iyon, nag-ayos na sila ng kanilang mga gamit, kinolekta ang mga basura at inilagay lahat sa sasakyan. Ang biyahe pabalik sa resort ay tahimik, magkahawak-kamay sila at iniisip ang mga nangyari.
"Yeol?"
"Mm?" Gusto man niyang harapin si Baekhyun, alam niyang hindi niya dapat alisin ang tingin sa daan.
"Salamat sa araw na ‘to. Naramdaman ko na may mga pagkakataon na may panghihinayang ka, pero sinisigurado ko sa’yo, mas masaya ako sa mga nangyari. It was even better than perfect," sumandal si Baekhyun at ngumiti. "Mamimiss ko ‘to, mamimiss kita."
Nanatiling tahimik si Chanyeol. Ilang araw na lang ang natitira sa kanila, at ang pakiramdam niya’y para siyang nagising sa isang napakatamis na panaginip. Ang mga nakaraang linggo ay nagdala sa kanya ng kaligayahan at pagmamahal. Sa totoo lang ay ayaw niya nang iwan ang Baler dahil dito. Subalit ang magandang pangarap na ito’y kailangan tapusin dahil tinatawag na sila ng reyalidad. Kailangang bumalik sa trabaho ni Chanyeol at si Baekhyun naman ay magsisimula ng bagong semestre.
Gayunpaman, sisiguraudhin niyang hindi ito mangangahulugan na kailangan nilang kalimutan ito at magpanggap na hindi nangyari ang nakalipas na mga araw. Pinapangako ni Chanyeol na gagawin niya ang lahat para ipagpatuloy ang kanilang relasyon.
Inihinto ni Chanyeol ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Lumingon siya kay Baekhyun at hinila ang kamay nito pataas para halikan, dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti ni Baekhyun. "I’ll miss you too."
Wala ng salita ang lumabas pa sa kanilang mga labi at pinakita na lamang nila sa kanilang mga mata ang nararamdaman. And Chanyeol loved that, loved how there was an inevitable connection between him and Baekhyun.
Ngayon, ang mga mata nila’y puno ng mga pangako para sa hinaharap at na hindi nila bibitawan ang isa’t-isa kailanman.
Chapter 5: Cry For Love
Chapter Text
Sa gabi muli kinuhanan ang sumunod na pahina. Ngunit medyo naiiba ito dahil hindi katulad ng mga nakaraang larawan na tanaw ang magandang tanawin ng Baler, ang dalawang bida ay nasa balkonahe. Mababatid na sila’y maaaring nasa kanilang sariling tahanan, dahil kahit nandoon pa rin ang ilusyon na iisa lamang ang mga larawan, mararamdaman ang distansya sa pagitan ng dalawa.
Ang modelo sa kaliwa’y nakasuot ng simpleng puting t-shirt, hapit na hapit ito sa kanyang katawan kaya kapansin-pansin ang malapad niyang balikat at matipunong katawan. Nakasukbit rin ang kanyang shirt sa baywang ng kanyang gray na pantalon. Samantala, ang lalaki sa kanan ay nakabihis ng linen na button-down vest at shorts. Ang damit ay perpektong pinapakita ang kanyang kaaya-ayang pigura.
Hindi rin maiiwasan na mapansin ang pangungulila sa kanilang mukha habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Tila nagmamakaawa sila sa bawat bituin na mawala ang distansya sa pagitan nila, na makapiling na nila muli ang isa’t-isa.
──── ✺ ────
"Ingat po kayo sa byahe pabalik ng Manila," bati ni Baekhyun na may lungkot sa kanyang boses. Napansin ito ni Junmyeon at agad niya itong niyakap. "Salamat, Baek. Hinding-hindi ko ito malilimutan." Naramdaman niya ang braso ni Baekhyun na pumalibot rin sa kanya.
“Ako rin po. Sana nga po maging okay na ang lahat 'no?”
Lumayo ng konti si Junmyeon upang harapin si Baekhyun. Natawa naman ang nakababata nang magtama ang mga mata nila, halata siguro sa mukha ni Junmyeon ang gulat. "Naramdaman ko po na hindi siya ordinaryong photoshoot. Lalo na po’t lahat ng litrato na ginawa natin, nagpapaalala sa akin sa kanya." Paliwanag ni Baekhyun. "Nakumpirma ko ‘yung hinala ko po kasi nadulas si Sehun nung tinanong ko siya."
Hindi naiwasan ni Junmyeon na kagatin ang labi dahil sa kaba. Tinitigan niya ng maigi si Baekhyun upang mabasa kung ano ang nararamdaman niya tungkol sa lahat ng ito. Ngunit muli, napansin ni Baekhyun ang tumatakbo sa kanyang isip kaya’t nagpaliwanag pa siya.
"Noong una po, nagsisi po ako nang mahulaan ko na istorya namin ‘yung theme ng shoot. Pakiramdam ko mali na pumayag ako’t dapat hindi na ko sumipot pa. Idagdag pa na makikita sa isang sikat na magazine ‘yung mga litrato. Grabe, buong Pilipinas na makakaalam kung gaano ako katanga sa pag-ibig,” Tumawa si Baekhyun sa kanyang biro, pero pagkatapos nito’y naging seryoso ang mukha niya. "Pero hindi ko rin po maitatanggi sa sarili ko ‘yung naramdaman ko habang ginagawa natin ‘yung shoot. Parang bumalik nga po ako sa mga araw na ‘yun, mga araw na punong-puno saya,” Sandaling huminto si Baekhyun, tila pinipigilan ang kanyang mga luha. “Hinihiling ko dati na sana maulit ‘yun at kung maaari mabigyan kami ng isa pang pagkakataon. Kaya sa huli, naisip ko na kung ito na ‘yung pagkakataon para sa aming dalawa, gagawin ko hanggang dulo ‘yung photoshoot.”
Tinitigan lamang ni Junmyeon ang binata, hindi niya mahanap ang tamang salitang dapat niyang isagot. Ito naman ang dahilan kung bakit niya sinimulan ang kanyang plano, ngunit kakaiba pa rin sa pakiramdam na marinig ito mismo kay Baekhyun. Masaya siya ngunit nalulungkot para sa kanila. Magiging mas mabait kaya ang tadhana sa dalawa ngayon?
Junmyeon shakes his head, this time with faith in his eyes. Chanyeol and Baekhyun will make it happen.
"Alam kong kaya niyo, kayong dalawa."
Malawak na ngiti ang isinagot sa kanya ni Baekhyun, kitang-kita rin sa kanyang mata ang determinasyon. At sigurado si Junmyeon, magiging ayos ang lahat.
"Nasaan na pala si Sehun? Kanina pa tayo naghihintay dito," nagtatakang tanong ni Junmyeon pagkaraan ng ilang sandali. Tumawa si Baekhyun sa tanong niya. "Baka nasa kusina pa po 'yun. Nakakapit kay Kyungsoo. Pagsabihan niyo po na umamin na siya kung ayaw niyang magsisi. Kapag hindi, siya na susunod na may photoshoot."
Junmyeon laughed at Baekhyun's remark. Yes, better days are coming.
──── ✺ ────
TWO YEARS AGO
“Baekhyun! Nandito na si Minseok!”
“Lalabas na po!” sagot ni Baekhyun sa ina at mabilis na inubos ang kanyang agahan. Bumalik siya sa kanyang kwarto upang kunin ang gamit. Sinigurado niyang kumpleto ang laman ng kanyang bag at hinugot na ang cellphone mula sa pagkakasaksak. Binuksan niya ang telepono’t napabuntong-hininga nang makitang wala siyang bagong mensahe.
“Kuya?”
Lumingon si Baekhyun sa maliit na boses na tumawag sa kanya at nakita ang bunsong kapatid sa pintuan ng kanyang kwarto. “Ano ‘yun, Sunhee?”
Nahihiyang lumapit sa kanya ang bata, “Kuya, pwede po ba akong sumama sa field trip namin next month? Gusto ko po talaga sana makasali, magaganda po ‘yung mga pupuntahan. Hindi rin po ako nakasama noong nakaraang taon, kaya sana pwede na ngayon?”
Kumunot ang noo ni Baekhyun sa narinig. Nakokonsensya siya, dahil sa kanya kaya hindi nakasama ang kapatid. Nagkasakit siya ng ilang araw noong mga panahon na iyon at dahil dito’y hindi siya nakapasok sa trabaho’t hindi kumita. Wala siyang naibigay na pera para kay Sunhee sa kanyang lakbay-aralin. “Oo naman, makakasama ka,” tugon niya. Sisiguraduhin niyang makakabawi siya ngayong taon. “Ibibigay ko sa’yo ‘yung pambayad pagkatanggap ko ng sahod next week, okay?”
Nakatanggap siya ng malaking ngiti at mahigpit na yakap mula kay Sunhee, “Thank you, Kuya!”
Niyakap niya pabalik ang kapatid. Naisip niya ang ibang mga kapatid, dapat ay tanungin niya rin ang mga ito kung may kailangan sila. “Nasaan pala si Kuya Jihoon mo?” Tanong ni Baekhyun nang maalalang hindi pa niya nakikita ang nasabing kapatid simula kaninang umaga. “Maaga pong umalis, may practice daw po sila,” tugon sa kaniya ng bunso at tumango si Baekhyun. Malapit na nga pala ang basketball tournament nila Jihoon, mabuting humingi na siya ng permiso ngayon sa kanyang mga guro na hindi siya makakapasok sa susunod na linggo upang masuportahan ang kapatid.
Nagpaalam na si Baekhyun kay Sunhee pagkaraan ng ilang sandali. Kinawayan din niya ang ama at iba pang mga kapatid na kumakain ng kanilang almusal. Pagkalabas ng bahay ay nakita niya ang ina at kaibigan na nag-uusap. Hinalikan niya ang pisngi ng kanyang nanay at nagpaalam din.
“Tagal mo ah, parang kukulo na ‘yung dugo ni Tita kanina kung hindi ka pa lumabas.” Biro ni Minseok pagkapasok ni Baekhyun ng sasakyan. “Nag-usap kami ni Sunhee, tinanong niya kung pwede ba siyang makasali sa field trip nila this year. Sabi ko, ibibigay ko ‘yung sahod ko sa katapusan.”
“Hindi ba pangbibili mo ng materials sa project ‘yung pera?”
“Gagawan ko na lang ‘yun ng paraan, kaysa naman malungkot uli si Sunhee.” Nakita niyang nagkibit balikat na lamang si Minseok at pinaandar na ang sasakyan. Maraming beses na silang nagtalo dahil sa mga similar na sitwasyon, at gustuhin man ng kaibigan na pagalitan siya ay alam na nito na isasakripisyo ni Baekhyun ang lahat para mapasaya ang kanyang mga kapatid.
“Naiyak pala ako kagabi,” Napatingin si Baekhyun kay Minseok, alam niyang babaguhin nito ang usapan ngunit bigla siyang nag-alala sa nabanggit nito. “Hindi ko inaasahang mamatay si Chanyeol! Paano na ‘yung istorya!” Natulala muna si Baekhyun bago natawa. Sinusubaybayan nga rin pala ni Minseok ang palabas ni Chanyeol at damang-dama niya ang giliw sa panonood ng kaibigan. Kinwento niya na siya rin ay naluha ng mapanood ang pagbaril sa kasintahan. Nasabihan siya ni Chanyeol tungkol sa eksenang iyon ngunit hindi pa rin niya napigilan ang emosyon. Ang buong pamilya nga niya’y nagtaka kung bakit siya humahagulgol.
“Huwag kang mag-alala, Kuya Min. Babalik pa si Chanyeol. Maghihiganti pa—”
“Oy! Spoiler ka na naman! Kada-drama niya tuloy nalalaman ko kaagad ‘yung ending!” Bulalas ni Minseok at patuloy sa paghalakhak si Baekhyun. “Pagsasabihan ko ‘yang boyfriend mo. Huwag ka niyang kwentuhan!” Dagdag ni Minseok at biglang nahinto ang tawa ni Baekhyun sa narinig.
“Hindi na kailangan, hindi naman na niya din ako kinakausap.”
“Anong nangyari sa’yo? Makatawa ka kanina tapos ganyan.”
“Noong Lunes pa siya huling nag-message sa akin,” paliwanag ni Baekhyun at tumugon kaagad dito si Minseok. "Nitong Lunes lang pala eh, tatlong araw pa lang. Dati ‘di ba mayroong isang linggo siyang hindi nagparamdam sa'yo?"
"Kuya naman eh!"
"Ito naman kasi nagtatampo kaagad!" sigaw pabalik ni Minseok. "Hindi ba nag-usap na kayo diyan? May mga araw na tuloy-tuloy 'yung shooting nila kaya hindi siya kaagad nakakapag-message sa’yo. Sa tuwing nangyayari naman ‘yun bumabawi siya."
Tumango si Baekhyun. Hindi naman sa hindi niya naiintindihan kung gaano ka-abala ang kasintahan. Nauunawaan naman niya ito, subalit hindi pa rin niya mapigilan ang kalungkutan at pag-aalala sa tuwing hindi siya nakakatanggap ng anumang mensahe mula kay Chanyeol. Sa ngayon, napapaisip na siya kung tama bang pinilit niya si Chanyeol na subukang umarte.
Limang buwan na ang nakalipas simula noong unang nakatanggap si Chanyeol ng alok para sa isang role sa isang afternoon series. Noong una, ayaw ito tanggapin ng modelo. Nag-aalangan siyang pumasok sa isang bagay na hindi siya pamilyar, may kaba na baka hindi niya ito magagawa ng ayos. Gayunpaman, kinumbinsi siya ni Baekhyun na subukan ito. Sabi nga ng ilan, it's better to regret what you have done than what you haven't. Naniniwala rin siyang may talento ang kanyang nobyo para dito.
At tama siya. Kahit minor role lang si Chanyeol sa show, nagustuhan ng mga manonood ang performance niya. Nakatanggap siya ng isa pang tawag para sa isang serye and Chanyeol’s popularity reached a whole new level. Baekhyun would say that the rest is history.
Ngunit hindi naman sila ganito noong una, paggunita niya. Kahit na magkalayo sila, araw at gabi sila kung mag-usap. Minsan ay pumupunta pa sa Baler si Chanyeol para bisitahin siya. Subalit habang nadadagdagan ang iskedyul ni Chanyeol, ang kanilang oras ay unti-unting nabawasan. Nahinto rin ang pagbisita ni Chanyeol sa kanya dahil pinakiusapan niya ang nobyo na kung maaari ay magpahinga na lamang, naaawa siya tuwing nakikita niya ito na pagod at inaantok.
Aaminin niya, may mga pagkakataon din naman na siya ang hindi matawagan ni Chanyeol dahil lunod siya sa mga gawain sa university. Kaya lubos niyang naiintindihan ang sitwasyon nila, ngunit...
"Nandito na tayo," Minseok's voice brought him out of his thoughts. "Salamat sa paghatid, Kuya Min." Banggit niya sa kaibigan at tinanggal ang seatbelt. Bago pa siya makababa ng sasakyan, hinawakan ni Minseok ang braso niya. "Kung may bumabagabag sa'yo, kausapin mo siya. You two are in a relationship so you should fix things together. Understood?" Payo ni Minseok at ngumiti si Baekhyun sa kanya. "Okay po, Kuya. Thank you." Binigyan siya ni Minseok ng ilang tapik sa likod bago hinayaang lumabas ng sasakyan.
Baekhyun let out a huge sigh as he watched the car leave. Malaki na ang utang na loob niya kay Minseok. Malaki ang naitulong sa kanya ng kaibigan nitong mga nakaraang buwan, mula sa paghatid at sundo sa kanya para lang mabawasan ang gastos ni Baekhyun. At ngayon, nagbibigay pa ito ng payo para sa kanyang love life. Minsan nga kinailangan pang magsinungaling ni Minseok sa nanay ni Baekhyun, para panatilihing lihim ang relasyon nila ni Chanyeol.
"Baekhyun!"
Bigla niyang narinig ang pangalan at lumingon siya sa direksyon ng boses. Nakita niya ang kaklase na tumatakbo papunta sa kanya. "Jaehyun! Ang aga mo naman!"
“Pupunta akong library, hindi pa ko tapos sa project natin sa Planning and Urban Design. Naluluha na nga ako sa dami ng pinapagawa sa subject na 'yun," Natawa si Baekhyun sa biro ng lalaki at hinayaan niyang pansamantalang mawala ang kanyang mga alalahanin. Sa ngayon, ibabaling na lamang niya ang atensyon sa kanyang mga klase.
Sa kabutihang palad, maayos ang naging takbo ng kanyang maghapon. Malakas pa nga ang kutob niya na nakakuha siya ng mataas na puntos sa pagsusulit nila kanina. Ngayon ay hinihintay na lamang niya ang guro para sa kanyang huling klase. Dahil nakatulala lamang siya, napuno muli ng panlulumbay ang kanyang isip. Inilabas niya ang kanyang telepono at binuksan ang kanyang gallery. Inisa-isa niya ang mga larawan nila ni Chanyeol at nangiti siya habang inaalala ang mga alaala sa likod ng bawat litrato. Ilang linggo na rin mula noong huli niyang makita ng personal ang nobyo at sobrang namimis na niya ito. Napabuntong-hininga siya, dapat siguro’y hindi niya ipagpaliban pa ang payo ni Minseok kanina. He opened his messaging application and typed. Ipapadala na sana niya ito kay Chanyeol nang biglang lumitaw sa screen ang pangalan ng kanyang ina. Kaagad niyang sinagot ang tawag, "Hello, Nay."
"Baekhyun! Pumunta ka dito, dali!"
"Nay, sandali po. Ano pong meron?"
"Si Jihoon, na-aksidente!" Halos mabitawan ni Baekhyun ang pagkakahawak sa telepono. Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang kamay habang pinapakinggan ang sinasabi ng magulang. "Sige po, pupunta na po ako diyan." Mabilis niyang inayos ang mga gamit at nilagay lahat sa bag. Nagbilin siya sa katabi na pakisabihan na lamang ang kanilang guro kung bakit hindi siya makakapasok. Pagkatango nito'y tumayo na siya paalis.
Mabilis siyang tumatakbo nang biglang may brasong humarang sa kanya, "Uy! Sandali! Baekhyun, saan ka pupunta?"
"Jaehyun, nagmamadali ako. Naaksidente si Jihoon, pupunta akong ospital."
"Hala, hatid na kita!" Kaagad na alok nito at umiling si Baekhyun. "Huwag na, may klase pa tayo."
"Okay lang, para mabilis ka makarating doon." Baekhyun groaned and nodded, the urgency to see his brother taking over him. Tumakbo sila patungo sa parking lot ng unibersidad, agad na sumakay sa motorsiklo ni Jaehyun at humarurot papuntang ospital. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon, ngunit pakiramdam ni Baekhyun ay oras ang ginugol niya sa byahe dahil sa nerbyos. Mabilis niyang tinanggal ang kanyang helmet at nagpasalamat bago agarang pumasok ng gusali at patungo sa kwarto ni Jihoon.
Pagkabukas niya ng pinto, nadatnan niya ang natutulog na kapatid at ang mga magulang sa tabi nito. Halata sa mukha nila ang labis na pag-aalala. Baekhyun moved his eyes then saw the cast around his brother's leg. Lumapit siya sa higaan, at marahan na hinimas ang ulo nito. Nadudurog ang puso niya para sa nangyari kay Jihoon, hindi niya maiwasang maisip na sana siya na lang ang nasaktan.
Bumasag sa katahimikan ng silid ang tatlong katok na kanilang narinig. Napalingon silang lahat at nakita ang isang doktor na papasok sa loob ng kwarto. "Good afternoon po, ako po si Dr. Gatchalian." Pagpapakilala ng doktor at saka ito tumingin sa papeles na hawak niya. "Nagkaroon po ng complete rupture sa Achilles Tendon ni Jihoon. ‘Yung Achilles Tendon, ito po ‘yung kumokonekta sa lower leg and calf muscle," pagpapaliwanag niya’t itinuro ang parteng iyon sa kanila. “We performed a surgery earlier to stitch the torn tendon together. Makabubuti po na manatili muna si Jihoon dito ng ilang araw, para mabantayan po namin kung may mga komplikasyon gaya ng infection at nerve damage. Pagkatapos po noon, makakauwi na kayo. However, physical therapy and rehabilitation po is necessary once the incision has healed.”
May ilang payo pa na binanggit sa kanila ang doktor at tumango lamang silang lahat. Pagkatapos nito ay nagpasalamat ang buong pamilya at lumabas na ang doctor ng silid.
"Saan kaya tayo kukuha ng pambayad sa operasyon at therapy?" Narinig ni Baekhyun ang tanong ng kanyang ina. Ngunit katahimikan lamang ang nakuha niya, wala ni isa sa kanila ang may sagot para dito. Maya-maya pa ay tumayo na ang kanyang ama, "Alis muna ako, susubukan kong manghingi sa kapatid ko." Pagpapaalam niya bago walang imik pa na lumabas ng silid.
"Baekhyun, puntahan mo kaya si Kyungsoo? Mayaman naman pamilya nila eh, baka pwede tayo manghingi sa kanila. Sila Minseok din, kaya nilang magbigay."
Baekhyun frustratingly groaned at his mother's suggestion, "Nanay, nakakahiya na sa kani—"
"Ano ba? Hindi mo ba kayang gawin 'yun para sa kapatid mo?!" Sigaw ng kanyang ina, namumula ang mukha sa galit. Parang may sasabihin pa ito ngunit biglang tumulo ang luha niya, "Paano kung hindi na makalakad si Jihoon? Kawawa naman ang kapatid mo."
Pinagmasdan ni Baekhyun ang patuloy niyang pagtangis. Hindi niya kayang makita pa na ganito ang kanyang ina kaya lumabas na rin siya ng kwarto. Umupo siya sa isa sa mga bangko sa pasilyo ng ospital at yumuko. Ang gulo ng isip niya, samu’t-saring mga bagay ang tumatakbo sa kanyang utak ngayon. Pakiramdam niya’y malabo na makahiram ang kanyang ama, matagal na silang pinagdadamutan ng kanyang tito at hula niya ay hindi pa rin sila nito pagbibigyan. Iniisip na rin niya kung pwedeng paki-usapan ang kanyang amo na kunin ng maaga ang kanyang suweldo. Ngunit, hindi pa rin ito sapat upang mabayaran ang lahat ng magiging gastos. Kailangan ba niyang huminto sa pag-aaral para makapaghanap pa ng trabaho? Konti na lang ay makakatapos na siya, kailangan ba niya talaga pakawalan ang matagal ng pangarap?
"Baekhyun?"
Huminto ang kanyang puso, iniisip kung sino ang maaaring tumatawag sa kanyang pangalan dito sa ospital. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo at nagulat nang makita ang taong nakatayo sa harap niya. "Bakit nandito ka?"
“Siyempre nag-aalala ako sa’yo,” tugon ni Jaehyun. “Kamusta kapatid mo?”
Napabuntong-hininga lamang si Baekhyun, hindi niya mabuo ang mga salita para sumagot dahil hindi ayos ang lahat. Naintindihan ito ni Jaehyun at umupo na lang sa tabi niya, “Sabihan mo lang ako kung may maitutulong ako.”
Baekhyun let his classmate's words sink in. Baka nga kailangan niyang gawin ang mungkahi ng ina. Makasarili man, ngunit gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral. Siguro sa pamamagitan nito’y magagawa niya iyon habang natutulungan pa rin niya si Jihoon. Sisiguraduhin naman niyang mababayaran niya ang inutang kaagad. "Pasensya na, pero may hihingin sana akong pabor?” Tanong niya’t tumango si Jaehyun. Pinakiusap ni Baekhyun na ihatid siya sa Soleil.
Walang ingay ang naging byahe nila papunta sa resort, maliban na lamang sa ilang hikbi ni Baekhyun. Sinubukan niyang pigilan ang pag-iyak nang dumating sila, “Maraming salamat uli sa paghatid. Sobra na kitang naistorbo ngayong araw.”
“Wala ‘yun,” Nakangiting tugon ni Jaehyun, itinaas niya ang kanang kamay at pinunasan ang naiwang luha sa pisngi ni Baekhyun. Pagkatapos nito’y inikot niya ang mga braso kay Baekhyun. “Magiging okay ang lahat, pagdadasal ko paggaling ng kapatid mo.” Baekhyun returned the hug and simply muttered his gratitude again.
Pagkaraan ng ilang sandali ay bumitaw na sila sa pagkakayakap at nagpaalam na si Baekhyun sa kaklase. Tumalikod siya at tinignan ang magarang harapan ng resort, unti-unting inipon ang lakas ng loob. Napagpasyahan niyang hindi na siya mag-aaksaya pa ng anumang segundo at pumasok sa loob.
Subalit tila hindi pa tapos ang tadhana sa pagbibigay sa kanya ng sorpresa ngayong araw.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kasintahan. "Yeol," Napansin agad ni Baekhyun ang malalim na eyebags ni Chanyeol, at mabilis na napuno ng pag-aalala ang kanyang isipan. "Bakit ka nandito? Sabi ko naman sa'yo huwag ka ng bumyahe ng Baler kapag pagod ka na."
"Bakit?” Nagulat si Baekhyun nang marinig ang galit sa boses ni Chanyeol. “Para hindi ko kayo mahuli nung lalaki mo? Plano ko pa naman na surpresahin ka, ako pala ang masu-surprise."
"Yeol, anong sinasabi mo?” Tanong niya pabalik, wala siyang ideya kung ano ang ibinibintang sa kanya ng nobyo. Makalipas ang ilang segundo ay napagtanto niya na malamang ay nakita siya ni Chanyeol noong dumating siya. “Kaklase ko lang si Jaehyun! Mali ka ng iniisip!"
"Kaklase lang ba 'yung niyayakap ka tapos pinupunasan pa luha mo," Tugon ni Chanyeol. "Baek naman, kung pagod ka na sa akin sabihin mo lang. Hindi 'yung makikita ko na lang na may iba kang kayakap."
Baekhyun scoffed. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumalabas ngayon sa bibig ni Chanyeol. "Ganun ba kababa ang tingin mo sa akin, ha? Nasaan naman ang tiwala mo? Saka kung makapanghusga ka parang wala kang pagkakamali! Ikaw nga, ilang araw kang hindi nagpaparamdam sa akin!"
"Bakit, akala mo ba nagpapahinga ako? O nakabakasyon ako?” Chanyeol asked with gritted teeth. “Alam mong sobrang hectic ng schedule ko, pero nakuha kong isingit na pumunta dito para makita ka lang!"
"Salamat sa pagpunta, ha!" Sarkastikong sagot ni Baekhyun. Pagod na siya sa mga dahil sa nangyari sa kapatid at ganito pa ang matatanggap niyang mga salita. "Pero sana sa pagpunta mo, inaalam mo kung bakit ako umiiyak, kung bakit ko siya kayakap!"
"Nagtatanong naman ako! I always ask about you! Lalo na sa pamilya mo. Pero hindi mo naman ako sinasagot, palagi mong iniiba ang usapan!"
"Dahil ayaw kong malaman mo na tutol ang mga magulang ko sa relasyon natin! At hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin 'yun! I did everything to keep our relationship but still keep it a secret to my parents!" Sigaw ni Baekhyun, matinding galit ang dumadaloy ngayon sa kanyang mga ugat. "Alam mo, tama nga sila. Dapat hindi muna ako nakipagrelasyon! Hindi pala worth it ‘yung effort na binigay ko para sa relasyon na ‘to! Kung alam ko lang na magiging ganito, mas mabuti pang hindi na lang tayo nagkita!”
“Ganito lang pala kadali sa’yo na bitawan ang lahat,” Chanyeol replied, a hollowed laugh leaving his lips as well. ”Sige! Maghiwalay na lang tayo, kung para sa'yo wala lang rin pala 'yung relasyon natin!"
"Oo, bumalik ka na sa Manila! Bumalik ka na sa trabaho mo't kalimutan na natin ang lahat!" Bulalas pabalik ni Baekhyun at pinanood na maglakad si Chanyeol papaalis. Bumigay na ang kanyang mga tuhod sa panghihina at napaupo siya sa malamig na sahig ng resort. He now freely let his tears fall. Sobrang sakit ng puso niya. Tumingala siya at tiningnan ang mga bituin sa langit, kung maaari lang sanang hilingin na isang malaking panaginip lamang ang araw na ito’y ginawa na niya. Subalit nangyari iyon lahat at kailangan niyang harapin ang mga kahihinatnan nito.
He stayed there for a while, mag-isa sa lugar na dati’y puno ng matatamis na ala-ala nilang dalawa.
Chapter 6: Finale
Chapter Text
ONE YEAR AGO
“₱307 po lahat,” pabatid ni Baekhyun sa customer. Tahimik niyang pinanood ito na kumuha ng pera sa kanyang bulsa at ilagay sa change tray. “Sir, I received ₱500 po.” Pagkumpirma niya bago kunin ang salapi at ilagay sa cash register. Kumuha rin siya ng panukli, nilagay sa tray at maayos na nilagay sa paper bag ang mga pinamili ng lalaki.
“Thank you po," nakangiti niyang wika sa mamimili at marahang ibinigay ang paper bag. Pinanatili niya ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa makalabas ito. Pagkalayo ng customer ay naglabas siya ng isang mahabang buntong-hininga, umupo at sumandal sa counter ng register. Bahagya siyang lumingon upang silipin ang orasan, 11:30 PM na. Hindi pa naman sobrang late, pero bakit pakiramdam niya ay madaling araw na?
Napagtanto niya na marahil ito’y sa hindi pagkain ng ayos buong araw. Kakaunti lang ang kinain niya noong agahan, hindi rin siya nakapatanghalian dahil abala siya sa mga reports na kailangan niyang tapusin at nawala sa isip niya ang maghapunan dahil nagmamadali siyang pumunta dito sa convenience store. Inilabas ni Baekhyun ang kanyang pitaka at binilang kung ilan na lang ang kanyang natitirang pera. Nakita niyang hindi ito sapat para sa isang maayos na pagkain, dahil kailangan pa niya magtira para sa pamasahe niya mamaya. Ngunit sa tingin niya’y masuwerte pa rin siya dahil kakayanin naman niyang bumili ng kape. Kailangan na rin naman niya ito dahil nakakaramdam na siya ng antok.
Tumayo siya at naglakad papunta sa coffee machine. Naglagay ng isang cup at pinili ang kapeng gusto niya. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagsimula ng lumabas ang kanyang inumin. Pinagmasdan niya ang maitim na likido na tumulo at sa bawat pagsinghap ng amoy nito, tila'y nagigising na siya.
Nagulat siya nang biglang marinig na bumukas ang pintuan. Naramdaman niya ang pagpasok rin ng malamig na hangin at nanginig siya ng kaunti dahil dito. Dinig niya ang masiglang usapan ng mga pumasok, tinapos niya munang ma-disperse ang kanyang kape bago nagmamadaling lumakad sa register. Sakto sa kanyang pagbalik ang pagpunta ng dalawang nurse sa counter. Karamihan kasi sa mga taong pumupunta rito’y mga health worker mula sa kalapit na ospital. Binigyan sila ni Baekhyun ng isang maliit na ngiti bago sinimulang i-scan ang kanilang mga pinamili.
“Ay, meron na pala kayo nitong bagong candy!” Masiglang ani ng isa sa kanila at inabot ang candy kay Baekhyun. Idinagdag niya ito at kinuha ang kabuuan ng kinuha nila. “₱286 po—”
“Nakita mo ba ‘yung commercial para doon ni Chanyeol?”
Parang nawalan ng hininga si Baekhyun nang marinig ang pangalan.
“Oo naman! Ang gwapo!” Tugon ng isa pang nurse, at ramdam ni Baekhyun ang kilig sa boses nito. “Kaso sa tingin mo girlfriend nga niya ‘yung kasama niya sa commercial?”
“Hindi kasi nagsasalita ‘yung mga kompanya nila eh! Pero kung sila nga, ang swerte nung babae ‘no?”
Iniisip ni Baekhyun na mabuting lamunin na sana siya ng lupa sa sandaling ito. Hindi naman dahil sa unang beses niyang narinig ang balitang iyon. Sa kasikatan ni Chanyeol, malalaman ng lahat ang bawat kilos nito sa telebisyon o radyo. Gayunpaman, kumikirot ang kanyang puso dahil dito at mainam sana kung hindi na niya ito maririnig pa.
“Excuse me? Kanina pa nandito ‘yung pambayad ko.”
Bumalik si Baekhyun sa kamalayan sa sinabi ng babae, humingi siya ng pasensya at ginawa ang trabaho niya. Ginawa niya ang lahat upang ngitian uli sila hanggang sila’y makaalis. Napasandal siya sa kanyang upuan nang magsara ang pinto. Nanumbalik ang katahimikan sa loob ng tindahan at nalunod muli siya sa kanyang pag-iisip.
Dalawang buwan na rin ang nakalipas noong naghiwalay sila, at hindi naging madali ang araw-araw para sa kanya. Sa aksidenteng nangyari sa kapatid, pinahiram sila ng pera ng pamilya ni Kyungsoo at ginamit ito para mabayaran ang operasyon ni Jihoon. Ngunit, hindi na siya humingi pa ng karagdagang tulong pagkatapos noon. Pakiramdam niya’y labis-labis kung iaasa niya ang lahat sa kaibigan at napagdesisyunan niyang siya mismo ang aayos ng kanilang sitwasyon. Kaya naman iniwan niya muna ang pag-aaral at nagbanat ng buto para sa pamilya.
Simula noon, ang mga umaga niya’y siksik ng mga gawain sa pagiging Administrative Assistant sa isang maliit na opisina. Sa gabi naman ay gising siya upang magtrabaho dito sa convenience store. Sa Sabado’t Linggo naman ay nagtuturo siya sa ilang mga kabataan. Ang bawat oras na mayroon siya ngayon ay ginugugol sa pagtiyak na sapat ang kikitain niya para sa pagpapagamot ng kapatid. Hindi siya magsisinungaling at sasabihing hindi ito nakakapagod, dahil ito’y talagang nakakawala ng lakas. May mga pagkakataon na gusto na lang niyang sumuko, pero isang tingin lang niya kay Jihoon ay magtitiis siyang muli at mas magsisikap.
Sa tuwing mangyayari iyon ay naiisip niyang hindi siya dapat padalus-dalos sa pakikipaghiwalay kay Chanyeol. Hindi sa hahabulin niya ang maitutulong ni Chanyeol financially. No, he just suppose that it would be a more manageable battle if he has someone he could lean on. Sapat na sa kanya na matanggap ang mainit na yakap ni Chanyeol pagkatapos ng isang mahabang araw. Nakikita niya silang magkasama sa kama, si Chanyeol ay bumubulong sa kanya ng mga malalambing na mga salita. Maaari rin na kakantahan siya nito. Alin man sa dalawa ay paniguradong papawi ng kanyang pagod.
Paano nga kaya kung makipagbalikan siya? Tatanggapin kaya siya muli nito?
Iniling niya ng kaunti ang kanyang ulo at nakita ang kanyang repleksyon sa salamin. Halata sa kanyang mukha ang pagkahapo. Mayroon siyang malalalim na eye bags, ang mga mata niya’y namumula dahil sa kawalan ng tulog. Natawa siya, malayong-malayo ang itsura niya sa mga artistang nakakasama ni Chanyeol. Panigurado rin na maraming mga babae at lalaki sa paligid ni Chanyeol na mas maganda sa kanya. Mga taong mas maunawa kaysa sa kanya. Higit sa lahat mga taong marangya ang pamumuhay at hindi magiging pabigat sa relasyon.
Umiling siya at pilit kinalimutan ang ideyang magkakasama silang muli. Pumikit na lang siya, matagal na niyang nakalimutan ang kape at hinayaan na lang ang sarili na magpahinga saglit.
Hindi batid ni Baekhyun na sa kabilang banda ng salamin ay si Chanyeol. Nakaparada siya sa tapat ng pinagtatrabahuhang tindahan ng dating kasintahan.
Puno pa rin ang iskedyul ni Chanyeol, maaaring may shooting para sa isang pelikula o imbitasyon para sa isang fashion show. Masigasig niyang dinadaluhan ang lahat ng ito, kahit na araw-araw ay tila lalamunin na siya ng pangungulila. Siguro ito ang dahilan kaya siya naging artista, because he could act as someone that he is not. It wasn't like that lately, though. For the past few days, it was harder, much harder, to pretend that nothing happened.
Hiwalay na sila ni Baekhyun. Ang katotohanang iyon ay paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang ulo. Tapos na ang lahat. Lahat ng pinagdaanan nila at nararamdaman nila para sa isa't-isa ay natapos na. At kasalanan niya ang lahat kung bakit. Sa wakas ay nakakilala siya ng taong nagpapahalaga sa kanya. Maalalahanin, maalaga, matalino, at gwapong lalaking nagmamahal sa kanya. Ngunit binitawan niya iyon dahil sa ano? Takot? Selos?
Napakalinaw sa mga mata ni Baekhyun ang sakit nang akusahan siya ni Chanyeol. Kung maibabalik lang niya ang oras, hindi sana siya nagsabi ng mga walang saysay na salita at itanong na lang ang dahilan sa mga luha ni Baekhyun. Nagtataka si Chanyeol kung ano ang nag-udyok sa kanya na gawin iyon. Alam naman niyang hindi manloloko si Baekhyun, ni sa panaginip ay hindi nito magagawa ang mag-taksil. Alam niyang isang tapat na tao si Baekhyun, siya ang tipo ng tao na gagawin ang lahat sa mga taong mahal niya. Ngunit nagawa pa rin niya makapagbitaw ng nga masasakit na salita.
Kung naging iba ang takbo ng mga pangyayari, hindi sana siya umalis ng Soleil na puno ng galit, at si Baekhyun ay hindi naiwan doon na tila pinagsakluban siya ng langit at lupa. Pagkamuhi sa sarili ang nararamdaman ni Chanyeol ngayon, idagdag pa ang panghihinayang at pagsisisi. Napakalaki niyang tanga upang sirain ang mayroon nila ni Baekhyun.
Pinagmasdan niya ang paggalaw ng ulo ni Baekhyun dahil sa antok at lalo siyang nalungkot. Alam na niya ang sitwasyon ni Baekhyun ngayon. Ilang araw matapos nilang maghiwalay, tinawagan siya ni Kyungsoo and the guy made sure that he got the scolding of his life. Sa tawag rin na iyon niya nalaman ang nangyari sa kapatid ni Baekhyun at ang desisyon nitong huminto sa pag-aaral. Nakiusap siya kay Kyungsoo na kung maaari ay ipaabot nito ang tulong na nais niyang ibigay kay Baekhyun. Sa kasamaang palad, nalaman niya na naninindigan si Baekhyun na hindi tumanggap ng karagdagang tulong mula sa sinuman.
Gayunpaman, malaki ang pag-aalala niya para kay Baekhyun at iyon ang naging dahilan upang magmaneho siya papuntang Baler tuwing may libreng oras siya. Sisilipin niya ang ginagawa ng binata at sisiguraduhing mabuti ang kalagayan nito, kahit sa munting mga paraan.
Napansin niya ang isang nurse na naglalakad patungo sa tindahan. Agad siyang nagsuot ng mask at lumabas ng sasakyan. Ginawa niya ang lahat upang hindi siya makilala nito’t humingi ng pabor sa ginang. Pumayag naman ang nurse, magiliw nagpasalamat si Chanyeol at binigyan ito ng pera. Bumalik siya sa kotse at pinanood ang babae na bumili ng karagdagang sandwich at inabot kay Baekhyun. Bahagya napangiti si Chanyeol nang makita kung gaano kasaya si Baekhyun sa natanggap na pagkain. Hindi na mabilang ni Chanyeol kung ilang beses niyang ninais na sana siya ang nakakapagbigay ng mga kailangan ni Baekhyun. Marami naman siyang pagkakataon na gawin iyon, ngunit palagi siyang nawawalan ng lakas ng loob at nababalot siya ng takot na baka hindi na siya nais makita pang muli ni Baekhyun.
He never thought you could miss someone so much it hurt. But he did. He missed Baekhyun, with such an intensity that it was a constant pain in his chest. It felt as though someone had ripped his heart out.
His heart ached for Baekhyun.
──── ✺ ────
Baekhyun was curious.
Syempre, alam naman niyang magiging maganda ang kalalabasan ng mga larawan. Tiwala siya sa husay nila Junmyeon at Sehun. Bukod din dito, masaya siya para kay Junmyeon nang una niyang malaman na malilimbag sa isang sikat na magazine ang mga disenyo nito. Matagal na niyang alam ang talento nito at sigurado siyang darating talaga ang panahon na mapapansin ang kanyang kakayahan. Gayunpaman, dahil siya ang modelo ng photoshoot, gusto niyang makita kaagad ito.
Tinitigan ni Baekhyun ang May issue ng Jade na nasa kanyang mga kamay. Huminga siya ng malalim, tila kumukuha ng lakas ng loob mula sa karagatang nasa harap niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa talampas malapit sa resort nila Kyungsoo. Nang maramdaman niyang handa na siya, binuklat na niya ang magasin hanggang sa makita ang pamilyar na tanawin ng Baler. Inisa-isa niya ang mga larawan at halos maiyak siya sa nakita.
"I knew I’d find you here."
Dahil sa gulat, muntik nang mabitawan ni Baekhyun ang kanyang hawak. Tinutok pa rin niya ang tingin sa magazine at maya-maya ay naramdaman na niya ang lalaki na umupo sa tabi niya. Hindi na siya nagtaka na makita ang binata. Nasabihan rin siya ni Junmyeon na pupunta ang kanyang pinsan ng Baler upang makapag-usap sila.
"Baekhyun."
Tumingala siya pagkarinig ng pangalan. He then took in Chanyeol’s image like a breath of fresh air. Pakiramdam ni Baekhyun ay hindi niya ito nakita ng pagkatagal-tagal, samantalang isang taon lamang sila nagkalayo. Caught in his intense gaze, Baekhyun couldn't find the will to look away. Baekhyun had always loved his eyes. They were so beautiful, warm, bright, and everything.
"Nakita mo na ba ‘to?" Tanong ni Baekhyun pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan. Nakita niyang tumango si Chanyeol at binalik ni Baekhyun ang tingin sa magazine. Marahan niyang ibinalik ang mga pahina sa unang litrato.
“Naaalala ko itong araw na ‘to,” Simula ni Baekhyun. “Alam mo, hindi naging maganda ang umaga ko noong araw na ‘yan. Parang lahat ng gawin ko sa trabaho, hindi ayos ang naging resulta. Kaya noong malapit na ang oras ng break ko, naisip kong kailangan ko pumunta rito. Ang lugar na ito kasi ang palaging nagpapakalma sa akin.”
“Makakatulog na sana ako nang bigla kong narinig ‘yung kaluskos ng dahon. Sa totoo lang, sobrang nairita ako. Makakapagpahinga na sana ako kaso biglang may istorbo." Natawa silang dalawa ng maalala ang bulalas ni Baekhyun noon. "Pero, nawala lahat ng pikon ko noong nakita kita. Hindi ko maintindihan noon, bakit unang tingin ko pa lang sa'yo pero parang matagal na kitang kilala. Saka kung bakit ang saya ko, na sa wakas dumating ka sa buhay ko. It was very surreal. Pinapalakpakan ko nga sarili ko na nagawa kong kausapin ka ng normal. Samantalang ikaw, sobrang nautal."
"I can't help it. Sobrang ganda mo kasi," sagot ni Chanyeol at bahagyang namula ang pisngi ni Baekhyun. Ngumiti si Chanyeol nang makita ito. Sunod nito'y kinuha niya ang magazine mula sa kamay ni Baekhyun at nilipat sa pangalawang pahina.
"Ang mga linggo pagkatapos noon ay ang pinakamagandang sandali ng buhay ko," paliwanag ni Chanyeol sa pagkakataong ito. “I held all those memories so close to my heart, ang mga alaala ng paglalakad natin sa dalampasigan, paglangoy o pag-surf sa dagat. Kahit ‘yung mga araw na ang ginawa lang natin ay maglaba at magtupi ng mga kumot. Araw-araw akong nagigising noon na sabik na sabik makita ka uli. Mahalaga lahat iyon dahil kasama kita."
Unti-unting natutunaw si Baekhyun sa naririnig habang nagpapatuloy si Chanyeol, "You made the past twenty-six years of my life that I spent without you seem bleak."
Nilipat muli ni Chanyeol ang pahina sa susunod na litrato. "Alam mo ba, sobra 'yung paghahanda ko para sa araw na 'yan. Unang date natin 'yun na hindi sa loob ng resort kaya gusto ko na perpekto lahat. Ilang gabi ko din hindi pinatulog sina Kyungsoo at Jongdae dahil sa pagtatanong ko." Natutuwang kwento ni Chanyeol. "Tapos mamalasin pala tayo sa mga pinuntahan natin."
Magiliw na tumawa si Baekhyun nang maalala kung gaano sila nahirapan mag-hike, "Sinabi ko na sa'yo, ang saya kaya ng date natin! I got to see how adorable you were when learning about art and history. Sobrang interesado ka sa istorya ng Baler noong nasa museum tayo, nataranta na ‘yung tour guide kasi parang hindi matapos-tapos ‘yung mga tanong mo." Napangiti lalo si Baekhyun, malinaw pa sa kanyang alaala ang mukha ni Chanyeol na puno ng kuryosidad. "Sobrang touched ako nung lunch na sinigurado mo sa waiter na walang pipino ‘yung mga in-order natin kasi alam mong ayoko nun. Then, I felt so protected on our way to the falls. Hinawakan mo ako ng sobrang higpit para masigurong hindi ako madudulas. Panghuli, nalibang ako sa naging kwentuhan natin habang nililibot ang Baler. Kaya nga hindi ako nagsalita kaagad, kahit na alam kong naliligaw na tayo."
Inangat ni Baekhyun ang braso’t hinawakan ang kamay ni Chanyeol, "Saan man tayo magpunta o anuman ang maging sitwasyon, palaging magiging masaya dahil kasama kita." Napangiti si Chanyeol sa narinig. Walang nagsalita sa kanilang dalawa pagkatapos, hinayaan muna nila ang tunog ng karagatan na bumalot sa kanila.
Binasag ni Chanyeol ang katahimikan, napabuntong-hininga siya nang nilipat niya ang pahina at nakita ang sumunod na litrato, "Ang laki kong tanga."
"Nagselos ka," tugon ni Baekhyun at tumingala si Chanyeol dahil walang sama ng loob o galit sa boses ni Baekhyun. “Selosong tanga,” pag-ulit na lamang ni Chanyeol. "Nagsabi ako ng mga masasakit na mga salita," he gritted his teeth, already beating himself up inside. "Tapos hinayaan ko pang lamunin ako ng galit hanggang sa umabot na tayo sa paghihiwalay. I’m very, very sorry Baekhyun for doing that and hurting you."
"You know, for the past year, I did a lot of thinking," paliwanag ni Baekhyun. "Surprisingly, nakarating ako sa konklusyon na marahil tama lang ‘yung nangyari. Masyado akong tutok sa pagtatrabaho, sa pag-aasikaso sa pamilya ko at pagtiyak na makakalakad ulit si Jihoon. Oo, hindi kagandahan ‘yung paghihiwalay natin. Pero sa sitwasyon ko noong mga panahon na ‘yun, maaaring mas malala ang mangyari at mas masaktan tayong dalawa.”
“Inaamin ko na may mga pagkakataong hinihiling ko na kasama kita. However, the past year forced me as well to rely on myself and it gave me a chance to reflect. It allowed me to analyze what was and wasn’t working, what I need from a partner, and what I can give to them.” Tumango si Chanyeol, at tumingin sa dagat sa harapan nila. Naiintindihan niya kung saan nanggagaling si Baekhyun. Halos hindi niya kinaya ang mga unang buwan pagkatapos ng paghihiwalay nila. Ngunit, pagkatapos noon ay binigyan din niya ng oras ang sarili upang suriin kung ano ang nagawa niyang mali, ayusin ito at alamin pa ang mga bagay na kailangan niyang iimprove.
"Pwede pa ba tayong bumalik sa dati?" Tanong ni Chanyeol na may pag-asa sa boses.
Bahagyang ngumiti si Baekhyun at umiling, "Hindi, nasaktan kita at sinaktan mo rin ako. Hindi natin pwedeng balewalain iyon."
"Then, maaari ba tayong magsimulang muli?”
Katahimikan ang nakuha niyang sagot, at sa bawat segundong lumilipas na hindi umiimik si Baekhyun ay lalong nababalisa si Chanyeol.
Kaya nagulat siya nang naramdaman niyang humigpit ang hawak sa kanyang kamay. Lumingon siya kay Baekhyun at nakita niya ito na may malaking ngiti sa labi. “Oo,” tumango siya’t itinaas ang kamay ni Chanyeol upang ilapat ang palad nito sa kanyang puso, “Nararamdaman mo ba? Hanggang ngayon, ikaw lang ang tinitibok niyan.”
Ngumisi rin si Chanyeol, ginalaw niya ang kabilang braso’t hinila palapit si Baekhyun at hinalikan.
Napapapikit na lamang si Baekhyun. He shivers from the sensation of Chanyeol’s warm skin on his. Dama ni Baekhyun ang desperasyon at pananabik mula sa mga labi ni Chanyeol. Hindi mapigilan ni Baekhyun ang kanyang mga ungol, tila nagliliyab siya sa kanilang halik. Chanyeol’s answering groan is lost between them as he pushes himself closer.
Itinaas ni Baekhyun ang kanyang mga kamay at inikot sa likod ng ulo ni Chanyeol. The kiss gentles, and became more sensual and languid. Ang importante ngayon ay ipakita kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
Isang huling haplos sa bibig ni Baekhyun at humiwalay na si Chanyeol. Ang mga daliri naman ni Baekhyun ay hinaplos ang mukha ni Chanyeol. Baekhyun stared at the other’s face, his eyes are dark and intense, but a smile flits over his lips. Chanyeol breathlessly uttered, "I love you, I missed you." Ngumiti pabalik si Baekhyun at niyakap ito, "I love you too, I swear I won’t let go this time."
..
..
..
..
Sa huling litrato, magkasama muli ang dalawang modelo. Katulad rin ng unang larawan, sila ngayon ay nasa talampas. Ngunit sa pagkakataong ito, puno ng mga magagandang palamuti ang lugar. Mapapansin ang magarbong arko sa gitna ng larawan. Ang paligid ay puno ng mga puti at dilaw na bulaklak. It was a beautiful day for an occasion, the golden afternoon sun warmed their smiling faces.
Parehas silang nakasuot ng white shirt na may blue tie, itim na pantalon at navy blue na sapatos. Ang mas maliit na modelo ay nakatingkayad, upang maabot ng kanyang mga labi ang pisngi ng kasamang lalaki. Mararamdaman ng bawat mambabasa ang matinding pagmamahal nilang dalawa para sa isa't-isa.
Ang paglalakbay man nila’y puno ng paghihirap, ngunit sa wakas ay natagpuan nilang muli ang kaligayahan sa mga bisig ng isa't-isa. Ngayon, magkaroon man ng pagsubok rin ang kanilang hinaharap, magkasama na nila itong haharapin. Together, forever.
──── ✺ ────
BONUS
“Dala mo ‘yung sasakyan mo?” Biglang tanong ni Baekhyun at tumango si Chanyeol. Nagulat si Chanyeol nang sumunod dito’y humiwalay sa pagkakayakap si Baekhyun at tumayo. Nagtatakang tumingin sa kanya si Chanyeol at ngumisi lang si Baekhyun sabay lahad ng kamay sa kanya. “Tara, may ipapakilala akong boyfriend sa pamilya ko.”
Nanlaki ang mga mata ni Chanyeol sa narinig, ngunit hindi siya nagpatumpik-tumpik pa at hinawakan ang kamay ni Baekhyun. Tumayo na rin siya at naglakad sila pababa ng talampas.
"Oo nga pala," Ani ni Baekhyun. "Ang galing nga talaga ni Sehun mag-edit ‘no? Kasama ko si Jaehyun doon sa pang-limang litrato, ‘yung may paghalik sa pisngi, kasi kailangan ng mas matangkad—"
Naramdaman ni Baekhyun ang paghila sa kamay niya at umikot para tignan si Chanyeol na tumigil sa paglalakad. "Siya ‘yung kasama mo?" Pinakiramdaman ni Baekhyun ang ekspresyon sa mukha ni Chanyeol, “Selos ka?”
“Nagulat lang ako. Hindi ako kailanman magdududa sa pagmamahal mo sa akin, tandaan mo 'yan.”
"Buti naman, saka may kasama ka rin na naka-pose kaya parehas lang tayo."
"Hindi ka maniniwala kung sino ‘yung kasama ko.” Sagot ni Chanyeol sabay hila kay Baekhyun para magpatuloy sila sa paglalakad.
“Sino?”
“Si Kyungsoo!”
Sa pagkakataong ito, si Baekhyun ang napatigil sa paglalakad at natawa siya ng malakas sa sagot ni Chanyeol, “Paano niyo napapayag si Kyungsoo? Kwento mo sa akin ah! Saka anong reaksyon ni Sehun?”
“Ang sama ng tingin niya sa akin maghapon, I swear that kid acts like I am not older than him.” Chanyeol mumbles, “Kasalanan ko bang manhid si Kyungsoo, na kahit anong pagpapapansin niya hindi gumagana. Dapat umamin na ‘yung batang ‘yun.”
Patuloy sa pagtawa si Baekhyun at naalala niya ang pag-uusap nila ni Junmyeon bago ito umalis noon ng resort. “Bawi tayo sa kanila?” Suhestiyon niya at lumingon sa kanya si Chanyeol na may interes sa mga mata.
Ipinaliwanag ni Baekhyun ang naisip niyang plano. Pagkatapos ay isang malapad na ngisi ang makikita sa mukha ni Chanyeol. "Simulan natin ‘yan agad!”
Patuloy nilang pinag-usapan ang maaaring gawin ng may ngiti sa kanilang labi habang pababa ng talampas at magkahawak ang mga kamay.
Ngayon na magkasama sila, walang sinoman ang makakapigil sa kanila.
brewingstorm614 on Chapter 2 Fri 24 Dec 2021 02:23PM UTC
Comment Actions
whitebeaaaar on Chapter 2 Tue 01 Feb 2022 07:04AM UTC
Comment Actions
mintokki on Chapter 6 Wed 08 Dec 2021 10:13AM UTC
Comment Actions
whitebeaaaar on Chapter 6 Mon 20 Dec 2021 08:56AM UTC
Comment Actions
dereknstiles on Chapter 6 Sun 12 Dec 2021 06:36AM UTC
Comment Actions
whitebeaaaar on Chapter 6 Mon 20 Dec 2021 08:54AM UTC
Comment Actions
dereknstiles on Chapter 6 Mon 20 Dec 2021 04:53PM UTC
Comment Actions
wdzpcy on Chapter 6 Fri 17 Dec 2021 03:06PM UTC
Comment Actions
whitebeaaaar on Chapter 6 Mon 20 Dec 2021 08:57AM UTC
Comment Actions
sagesnow on Chapter 6 Sat 29 Jan 2022 03:06PM UTC
Comment Actions
whitebeaaaar on Chapter 6 Tue 01 Feb 2022 07:39AM UTC
Comment Actions
aechan614 on Chapter 6 Mon 11 Apr 2022 03:59AM UTC
Comment Actions
whitebeaaaar on Chapter 6 Sun 05 Jun 2022 08:15AM UTC
Comment Actions