Actions

Work Header

why can't we for once

Summary:

Ang sabi nga ni mareng Niki, in the end we only regret the chances we didn’t take. Pero ano nga ba kasing magagawa ni Wonwoo kung mas pipiliin nyang maging kaibigan na lang (muna?) si Mingyu kesa umamin.

Ang masasabi na lang siguro ni ate backburner ay it baffles me too, it baffles me too.

Notes:

gusto ko din maging part sa wonwoo+boohan friendship that has been our favorite lately sa mga minwon filo fics! fomo lang emi!?!?!

Title and summary is from Niki’s Take A Chance With Me. Ang national anthem siguro ng friends to lovers minwon.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

♫♪  his laugh you’d die for, his laugh you’d die for

♫♪  the kind that colors the sky

 

“Teh, on repeat nanaman yang kanta ni Niki sa ipod mo,” sabi ni Jeonghan habang ngumunguya ng paborito nyang snack– pillows . Yung chocolate ha! Hindi yung ube, ayaw na ayaw nya don! 

 

Umirap kunwari si Wonwoo kahit na ba tama naman ang kanyang kaibigan. “Pano mo naman nasabi? Naka-earphones kaya ako.” Isang earbud ay nasa tenga nya at yung isa ay nakatanggal para marinig sila pero inaasar lang naman ng mga ito. Hininaan na lang nya ng onti ang kanyang ipod shuffle na color green pero may purple na silicone case. Ang cute kaya ng combination of colors. 

 

Paano naman kasi nila maririnig yun eh ang ingay ingay dito sa canteen? Ang dami-daming tao lalo na’t sabay ang schedule ng afternoon break nilang 3rd year at ng mga 4th year, aka mga matatapang na estudyante na nakakapag-ingay dahil mas onti na ang chance nilang ma-kick out sa science high school na itwoah.

 

At maliban sa fact na hindi pa nirerelease ni Niki ang kantang Take A Chance With Me sa taong 2011, which is the year this fic is set in, maniwala na lang tayo na kunwari meron at kunwari 3rd year hs students ang tatlong magkakaibigan kahit na ba iba’t-ibang year sila pinanganak.

 

“Baka mapagod na si anteh sa kakakanta nyan, paulit-ulit na lang,” dagdag ni Seungkwan. Pinagtutulungan na naman nilang dalawa si Wonwoo. “Pagpahingahin mo naman si Our Lady of Niki, naawa na ako sa kanya.”

 

Ninakaw ni Jeonghan yung color pink na Smart-C ni Wonwoo at uminom. Isang lagok tapos itinuro ang daliri sa kaibigang naka-earphones. “Mas naririnig mo pa ata yan keysa sa Lupang Hinirang. At araw-araw nating kinakanta yon tuwing umaga ha. Hindi na ako magugulat kung next week ikaw yung nasa harap sa morning assembly natin tapos kumukumpas ka ng Oh why can’t we for once, say what we want? Say what we feel?”

 

“Teh! Akin yang Smart-C gaga!” Ay kay Seungkwan pala yung inagaw ni Jeonghan. “Tsaka medyo out of tune ka dun sa say what we feel part. Medyo flat ka don sis ko. Pataas sya, ganito, say what we feeeel ? Gets ba?”

 

“Ay talaga?” Umehem pa ang bakla bago kumanta. “ Say what we feeEL? Ganon ba baks?”

 

“Ulit pa isa. Say what we feEEL.”

 

“Say what we fEEL~~”

 

“Ayon!” Tinaas ni Seungkwan yung kamay nya para mag-apir. “Napaka-galing mo talaga Yoon Jeonghan.”

 

“Naman. Ako lang naman yung 8th sa audition ranking ng batch natin sa choir. Malay nyo ako na ang isinasalang sa mga inter-school compet ngayon kung hindi lang ako tinatamad umattend ng practice after school.”

 

“Sabi ko naman sayo dapat hindi ka na nag-service para maka-attend ka ng practice.” Naisingit na sabi ni Wonwoo, nagsalita ulit para ipaalala sa kanilang dalawa na hello, nandito din ako sa table at kumakain ng siomai.

 

“Ay nako Jeon Wonwoo, iniiba mo ang usapan.” Uminom nanaman ng isang malaking lagok si Jeonghan sa Smart-C habang hindi nakatingin si Seungkwan dahil busy sa pag-atake kay Wonwoo. “Yung topic ay ang pag-repeat mo ng Take A Chance With Me na alam naman nating lahat na kanta ng yearning mo kay Mingyu!” 

 

“At ako pa ang nag-iba ng topic!?” Offended si Wonwoo, kawawa nanaman sya. “Kayo nga ang biglang nag voice lessons dito!”

 

“Wonwoo,” biglang seryosong sabi ni Jeonghan, na para bang hindi nya naubos ng palihim yung bote ng pomelo grapefruit. “Baka mamaya sa organic chemistry quiz natin kay Ma’am G, malagay mo I’ll be your safety net, so why not raise the stakes imbis na idrawing ang benzoic acid.”

 

Mas lalong na-offend si Wonwoo. Hello! Kayang kaya nyang pagsabayin ang pag-yearn kay Mingyu at ang Orgchem! Isa kaya yon sa mga favorite subjects nya! (Dalawa sa mga favorite subjects nya?) 2-benzylamino-5-nitropyridine, kahit gamitin pa nya yung toyo ng siomai bilang ink para lang idrawing sa table yung mga benzene ring na hexagons na yan! 

 

“Wag nyo problemahin yung quiz ko sa orgchem mamaya. Problemahin nyo yung mga crush nyo na papasok na dito sa canteen.”

 

Sabay tumalikod at napatingin si Jeonghan at Seungkwan sa pinto kung saan nakita nilang kakapasok lang ni Vernon, Seungcheol at Mingyu. 

 

“Crush natin ,” emphasize ni Seungkwan, na para bang hindi sila M.U. ni Vernon at pakipot pang kinikilig.

 

“Gago mukhang papalapit sila dito sa table natin.” Madaling tumalikod si Jeonghan at nagkunwaring hindi nakatingin sa tatlong pogi, kinuha yung pillows nyang chocolate flavored at kinain ito. Normal recess lang kumbaga, sinimot pa nga nya yung bote ng Smart-C na akala mong may masisimot pa.

 

Nagtama ng tingin sina Mingyu at Wonwoo habang papalakad ang magkakaibigan, at mukhang papunta nga sila sa table nilang tatlo. Tumutugtog parin on repeat yung ipod ni Wonwoo, saktong sakto pa talaga sa he drives me crazy, it’s so beyond me how he’d look me dead in the eye and stay unaware yung pag-ngiti ng matangkad na moreno sa kinikilig na chinitong ito. 

 

“Hello, ang aga nyo atang na-dismiss ah?” bati ni Seungcheol nung tumapat na sila sa table. Kunwari pa si Jeonghan na in the middle of chewing on his snack, na napansin lang nya si Cheol nung nagsalita sya, may pa-beautiful eyes pang nalalaman habang nakatingala sa crush.

 

“Mukhang patapos na ata kayo kumain?” tuloy nito, nakatingin sa paubos nang siomai ni Wonwoo. Nakatayo lang silang tatlo, hindi alam ang malakas nilang epekto sa kausap nilang tatlong nakaupo.

 

“Wala nanaman ba si Ms. Sanchez?” Tanong ni Mingyu, na sya namang tumabi kay Wonwoo. May space naman talaga sa tabi nya dahil pang-apat yung benches, at nasa kabila magkatabi si Seungkwan at Jeonghan. Pero sino nagsabi na sya ang pwedeng umupo dito? Paano na ang puso ni Wonwoo na nanghihingalo na parang tumakbo sya ng marathon kahit na ba nakaupo lang sya? Paano na si mareng Niki na kumakanta ng and I can hear your heart from across the room, pulsing through my veins ? Hindi ba yon na-consider ni Mingyu ha??? HA!?!!?

 

“Pumasok naman,” pag-explain nya sa French teacher nila na palaging absent. “Pero maaga kaming dinismiss kasi nag-short quiz lang kami kanina.”

 

“Ahhh.” Tango ni Mingyu, na para bang chill lang ito at hindi kinakabahan, unlike Wonwoo na dugdugdugdug na ang tibok ng puso dahil napakalapit ng proximity nilang dalawa. As in ang lapit ni Mingyu, nararamdaman nyang tumatama yung mga balikat nila sa bawat konting galaw, at tahimik na lang na nagpapasalamat si Wonwoo sa City of Makati dahil manipis yung school uniform na libreng binigay ng gobyerno na itong suot nilang dalawa ngayon. Damang dama nya yung init ni Mingyu na tumatagos sa manggas ng kanilang mga polo. Siguro, sa sobrang nipis nito ay tumatagos din nang malakas yung tunog ng dibdib nya sa kaba, sa kilig.

 

“Kayo, musta robotics?” tanong naman nya pabalik. Sa special program classes kasi nila, nag-mimix ang mga section depende sa kung anong subject ang gusto mong piliin. Nag-french sina Wonwoo, Seungkwan at Jeonghan. Si Mingyu, Vernon at Seungcheol naman, robotics.

 

“Ayun, the usual. Muntik nanaman mag-overtime si Sir. Buti na lang maaga natapos ng group namin yung robot.” Tumingin si Mingyu sa siomai ni Wonwoo sa table. “Siomai ka nanaman? Yan din kinain mo kahapon ah.”

 

Kibit-balikat lang ang nasagot ni Wonwoo. Favorite na favorite nya yon eh, pake ba ng kahit sino kung araw-arawin nya, sya naman ang nagbabayad at sya naman ang kumakain. Pero kung si Mingyu ay nag-aalala na, baka mag-dalawang isip sya ng kaunti. Kaunti lang.

 

“Magmumukhang siomai ka na sa lagay na yan.” Pang-asar ni Mingyu. 

 

Oh talaga? Edi I can siomai-love to you kung ganon. Isip nya. Pero syempre hindi nya yun sinabi out loud no, hindi naman sya baliw. Medyo lang. Medyo baliw kay Mingyu.

 

“Ano yang pinapakinggan mo?” Tanong ni Mingyu. Napahawak tuloy si Wonwoo sa maliit nyang ipod shuffle para ipakita sa kanya. Pang limang repeat na ata to ni Niki. “Wala lang, kanta lang.” 

 

“Pwedeng parinig?” mahina nyang paalam, nakatingin kay Wonwoo. Umiwas naman sya ng tingin, hindi nya ata kayang makipagtitigan sa kanya. Mahina ang kanyang heart okay, baka maya-maya sumabog na sya on the spot paano na yung natitira nyang siomai wala nang uubos. 

 

Binigay nya yung right earbud nya kay Mingyu, na sinuot naman kaagad ito. 

 

♫♪  his laugh you’d die for, his laugh you’d die for

♫♪  the kind that colors the sky

 

Shet. Para silang mag-jowa. Pero syempre, imagination lang naman yun ni Wonwoo. Hanggang friends lang naman sila. But small moments like this, he keeps it close to his heart. Aminado naman sya na gusto nya si Mingyu, gustong-gusto pa nga. Gustong-gustong-gusto. Pero mas gusto din nyang patuloy na maging kaibigan sya…for the mean time. So wala syang balak umamin or anything. Yung mga ganito, okay na sya sa mga ganito. 

 

♫♪  heart intangible, slips away faster than

♫♪  dandelion fluff in the sunlight

 

Nagiisway-sway si Mingyu sa kanta, nakapikit pa nga para pakinggan ng maigi yung lyrics, yung tugtog.

 

Okay na si Wonwoo sa mga ganito. 

 

At dahil nga nakapikit si Mingyu, chance na nya na titigan sya ng malapitan. Tinitignan nya bangs nya na bagong gupit. Yung kwelyo nya na medyo magulo, may konting dumi pa nga na galing sa robotics class nila siguro. Yung nunal nya sa ilong. Yung matulis nyang ngipin na minsan lumalabas sa bawat ngiti nya. Medyo nag hu-hum pa sya kasabay sa kanta. At napapangiti na din si Wonwoo. Okay na sya sa mga ganito. Yung ganito.

 

Minulat na ni Mingyu ang kanyang mga mata at lumingon kay Wonwoo. “Bago lang ‘to no?” Tanong nya tungkol sa ipod. “Ngayon ko lang nakita eh.”

 

“Oo. Pasalubong ni tita galing America.”

 

“Patingin din ah?”

 

Umoo naman si Wonwoo, nilapit sa kanya yung ipod. Pero imbis na yung ipod shuffle yung hawakan ni Mingyu, yung kamay ni Wonwoo na may hawak ng ipod shuffle yung hinawakan nya. Inanggulo-anggulo pa nya para matingnan ito ng maigi, na para bang napakadaming details ang maiinspect nya sa gadget eh halos 2x2 inches lang naman sya sa liit. Wala itong screen, mga butones lang. Volume up, volume down, play, pause. Yun lang naman ang makikita, pero ang tagal tagal pang hinawakan ni Mingyu yung ipod–yung kamay ni Wonwoo. 

 

dugdugdugdugdugdug

 

♫♪  oh, why can't we for once

♫♪  say what we want, say what we feel?

 

“Bili din kaya ako nito?” nakangiti nyang tanong, nakahawak parin sa kanya. This time, both of his hands are holding Wonwoo’s, his thumbs even rubbing the back of Wonwoo’s hand. 

 

dugdugdugdugdugdug

 

“P-pwede naman.”

 

♫♪  oh, why can't you for once

♫♪  disregard the world, and run to what you know is real?

 

“Ay wag na pala. Para habang-buhay na lang akong makikishare sayo at habang-buhay tayong ganito.”

 

DUGDUGDUGUDUGDUGDUG



♫♪  Take a chance with me, take a chance with me

 

Kailangan nang magsalita ni Wonwoo or gumawa ng anything– anything bago pa man sya sumabog on the spot kasi hanggang ngayon hawak hawak parin ni Mingyu ang kamay nya at hindi parin bumibitaw.

 

Pero hindi sya makagalaw at halos hindi rin sya makahinga. Nararamdaman nyang nakatingin parin sa kanya si Mingyu kahit na kanina pa sya umiwas ng tingin. Ang nagawa na lang nya ay irecite sa isip nya yung french version ng Our Father, tutal yun yung quiz nila kanina sa class.

 

Notre Père, qui es aux cieux, que ton nom soit sanctifié

Que ton règne vienne, que ta volonté soit faite

 

♫♪ he drives me crazy, it's so beyond me

♫♪ how he'd look me dead in the eye and stay unaware

 

“Ang ganda pala ng kanta by the way, anong title nito?”

 

♫♪  that I'm hopelessly captivated

♫♪ b y a boy who thinks love's overrated

 

“Take A Chance With Me. Kanta ni Niki.”

 

♫♪ how did I get myself in this arrangement?

♫♪ i t baffles me, too, baffles me, too

 

“Ahhh…Take a chance with me…Ano yun, it’s about falling for your friend, ganun?”

 

SUR LA TERRE COMME AU CIEL, DONNE-NOUS AUJOURD'HUI NOTRE PAIN QUOTIDIEN

 

♫♪ oh, why can't we for once

♫♪ say what we want, say what we feel?

 

“Parang ganun na nga…”

 

♫♪ oh, why can't you for once

♫♪ d isregard the world, and run to what you know is real?

 

“Oo nga naman ano, we should say what we want, and we should say what we feel.” 

 

Finally, binitawan na ni Mingyu yung kamay ni Wonwoo. Dahan dahan nyang binaba yung kamay nito at dahan dahan ding tinanggal yung earbuds nilang dalawa.

 

“Wonwoo,” he says softly, looking at Wonwoo straight in the eye and not breaking contact. “Take a chance with me?”

 

“PARDONNE-NOUS NOS OFFENSES, COMME NOUS PARDONNONS AUSSI À CEUX QUI NOUS ONT OFFENSÉS.”

 

Napatigil si Mingyu, nag-bblink blink ang mga mata sa pagtataka. “Ha? Bat ka nag-ffrench bigla?”

 

“A–ah. Ah, ano. Nag-dadasal lang.”

 

Natawa naman si Mingyu, habang si Wonwoo gusto na lang magpalamon sa lupa. Napakalakas nung pag-recite nya at sobrang out of the blue. Sobrang ewan lang talaga ng ginawa nya. Meanwhile si Mingyu, ang tagal nung tawa nya, yung tawa na halos memorize na ni Wonwoo yung tunog.

 

At kahit hindi na nya suot-suot yung earphones, naririnig parin ni Wonwoo sa tenga nya si Niki.

 

his laugh you’d die for, his laugh you’d die for

the kind that colors the sky

 

Tangina. Hulog na hulog na talaga sya.

 

“Tapos ka na ba kumain?” Nagpasalamat na lang si Wonwoo sa Diyos at iniba ni Mingyu ang topic. Sa French version ni Lord? Kasi french yung prayer nya kanina eh. May ganon ba? Lorde? And we'll never be royals?

 

“Okay na ako dito sa siomai. Ikaw, hindi ka ba bibili ng pagkain?”

 

“Hindi na.” Simple nyang sagot, nakangiti—nakatitig kay Wonwoo. “Busog na kaagad ako eh.” Na para bang pahiwatig na si Wonwoo ang— NA PARA BANG–!?!?!? 

 

“Psh. Baliw.”

 

Natawa nanaman si Mingyu, at ayan nanaman si Niki sa tenga ni Wonwoo. “De joke lang, nagpasabay na lang ako kela Cheol. Para di kita iwan dito mag-isa.”

 

Iwan mag-isa?

 

At ngayon pa lang narealize ni Wonwoo nang tumingin sya sa harap nya.

 

Ha!? Nasan na ang apat niyang kaibigan!?!!? Bakit silang dalawa na lang ang nasa table na to!??!?!

 

Lumingon sya sa magkabilang panig ng canteen at nakita na nakapila sina Cheol, Jeonghan, Seungkwan at Vernon para bumili ng pagkain. Kelan pa sila umalis!? Masyado ba akong Mingyu Focused at hindi ko napansin na nawala pala sila!? Mygod Wonwoo, kahit siguro tumambling si Niki sa harap mo to the tune of backburner, hindi mo mapapansin kapag katabi mo si Mingyu. 




“Ahhh…anong pinabili mo?” Aminado si Wonwoo na medyo pang-loser ang small talk nya. Pero ganito lang talaga sya, sana tanggapin sya ni Mingyu nang buo. Pleaasee pleasee tanggapin mo kahit ganito lang ako. Magdadasal ako araw araw in french para sayo Mingyu.

 

“Ham and cheese sandwich tsaka leche flan.”

 

“Uy leche flan masarap yan, favorite ko din yan eh.”

 

“Kaya nga.”

 

“Ha?”

 

“Kaya ko pinabili yun kasi alam kong favorite mo din.”

 

Lord. Lorde. Lordee. Lordeux. Kahit sino po, tulungan nyo naman po ako. Mamamatay po ata ako dito sa tabi ni Mingyu at this very moment.

 

“Kakainin mo pa ba ‘tong siomai?” Turo ni Mingyu sa nag-iisa nyang tira, yung isang piraso na kailangan pa nyang kainin bago sya pwedeng mag spontaneously combust in place dahil sa hindi nya mapigilang kilig kay Mingyu. Kung napapansin man ni Mingyu na parang ewan si Wonwoo ngayon dahil every now and then syang nag-gglitch, buti na lang at wala syang sinasabi.

 

“Hoy oo.” Mabilis nyang sagot dahil tinutusok na ni Mingyu yung siomai gamit yung toothpick. “Akin yan, wag mo kainin.”

 

“Hindi nga.” 

 

At hindi nga kinain ni Mingyu dahil unti-unti nyang itinaas ito para isubo kay Wonwoo. Napanganga na lang din sya hindi dahil handa syang kainin yung siomai kundi nagulat sya sa ginawa ni Mingyu. Buti na lang at maliit yung siomai at kasya sa bibig nya, hindi yung mga siomai sa labas na tig sampung piso na kasing laki ng kiat-kiat. Buti eto mga calamansi sized lang ganon.

 

At dahil sinawsaw muna ni Mingyu sa toyo yung siomai bago isubo kay Wonwoo, may kaunting toyo na tumulo sa labi nya, na agad namang pinunasan ni Mingyu using his thumb…which he eventually pulled back to his own mouth and gently sucked off the remaining soy sauce.

 

Tangina.

 

Halos hindi malunok ni Wonwoo yung siomai. Nastuck na ata sa lalamunan nya. Imbis na Adam’s apple, magkakaron na siguro sya ng Adam’s Siomai. Tanginang Mingyu yan. Bakit sya sinubuan nang ganon tapos pupunasan yung labi nya, tapos sinipsip pa yung daliri nyang ito. Bakit. BAKET. BAKEEET!?!?!?

 

Meanwhile si Mingyu na mukhang hindi naman affected sa mga pinag-gagagawa nya ay kumakaway lamang sa mga iba pang walang kamalay malay nilang kaibigan na malapit na palang sumabog si Wonwoo. 

 

Papalapit na silang apat sa table, dala dala ang mga pagkaing pinamili. Hawak ni Cheol yung paborito nyang leche flan.

 

Isa lang ang tumatakbo sa isip ni Wonwoo.

 

Et ne nous laisse pas succomber à la tentation, mais délivre-nous du mal. Amen.

Notes:

tanginaaa ang hirap magsulat ng fic bwahahahahah imamark ko to as finished na 1/1 kasi di ako sure if itutuloy ko to depende sa mood sorry na pero endgame yan sila promise (meron na akong world building sa kanila hanggang ending pero ahuuu hirap lang talaga magsulat sana ganahan)

asa twitter din aq @topnotcherwonu hehe