Work Text:
++
“Good morning, class! Please take your seat para makapagsimula na tayo.”
Napatingala si Chanyeol at inayos ang suot niyang salamin para pakinggan ang lecture ni Mr. Lee ngayong araw.
Tahimik lamang siya sa pinakalikod ng maya-maya pa ay naramdaman niyang nagsimula na naman ang mga kaklase niya sa pamamato ng crumpled papers sa pwesto niya.
Tulad ng nakasanayan nya, hindi na lang niya ito pinansin kasi wala din namang mangyayari kung papatulan pa niya ang mga ito.
“Jongin, Sehun, Chen at Baekhyun, hindi nyo ba tatantanan si Park?” sita ni Mr. Lee ng mahuli sa akto si Sehun sa tangkang pagbato ng gusot na papel kay Chanyeol.
Napalingon ang klase sa mga pasaway sa room nila na parang wala namang pakialam sa paninita ni Mr. Lee sa kanila.
Napabuntong-hininga si Mr. Lee at may kinuha sa loob ng bag niya. May sinulat siya doon at tinawag ang class president ng room.
"Junmyeon, please give this to Mrs. Jang, alam na niya ang gagawin diyan," sabi ni Mr. Lee.
"Yes, Sir," sabi ni Junmyeon at napailing na lang.
–
++
"Nagpapahuli ka kasi," sabi ni Chen kay Sehun.
"Malakas lang talaga pakiramdam ng matandang yun," sagot ni Sehun.
"Pero alam nyo, parang wala lang naman kay Park yung ginagawa natin eh, nakaka-bored na tuloy," sabi ni Jongin.
"Kung ikulong kaya natin sa cr?" suggest ni Chen.
"Nagawa na natin yun eh!" sabi ni Sehun. "Saka matalino yun, makakalabas siya agad dun."
"Sabagay..." segunda ni Chen at tumatango-tango pa.
"Ikaw Baek, anong suggestion mo?" Napalingon sa kanila si Baekhyun.
"Let's make a bet," sagot ni Baekhyun.
Na-curious naman ang tatlo sa sinabi niya kaya lumapit ang mga ito para pakinggan siya.
"Let's make him fall in love, tapos kapag hulog na hulog na siya, saka natin sasabihin na pustahan lang ang lahat sa harap ng lahat sa loob ng gym," ngisi ni Baekhyun.
"Uy! Mukhang okay nga yan!" sabi ni Jongin.
"Sinong gagawa nun?" tanong ni Chen.
"Si Baekhyun, for sure naman hinding-hindi naman makakatanggi si Chanyeol dito," sagot ni Sehun.
"Sus! Piece of cake!" sabi ni Baekhyun. "Just watch me make that nerd fall for me and make his life miserable."
–
++
Days have passed, at napansin ni Chanyeol na hindi na siya ginugulo ng grupo nina Baekhyun. Nakakapanibago na wala ng nagbubuhos sa kanya ng maruming tubig kapag naglalakad sa hallway or pumapatid sa kanya. For some reason, naging payapa ang buhay niya as a student.
Habang naglalakad siya sa hallway, nakabangga niya si Baekhyun na tila galing sa away base sa mga sugat nito sa pisngi at dumi ng uniform nito. Napakunot ang noo ni Chanyeol dahil mukhang nabugbog ng husto ang kaklase niya kaya naman inalalayan niya ito.
"Okay ka lang?"
Napatingala sa kanya si Baekhyun. May sugat din ito sa gilid ng labi at nakahawak sa bandang tagiliran niya.
"Dadalhin kita sa infirmary!" sabi ni Chanyeol at inalalayan si Baekhyun na maglakad.
Agad naman itong inasikaso ng nurse at tinatanong sa kung anong nangyari.
"Hindi ko po alam, nakasalubong ko na lang po siya sa hallway na ganyan ang itsura," sagot ni Chanyeol.
Napatango naman ang nurse at saglit siyang iniwan para isulat sa logbook ang nangyari.
Nakahiga sa kama si Baekhyun at nagpapahinga.
Naisip ni Chanyeol na iwan na ito ng mag-salita ito bigla.
"Salamat," sabi ni Baekhyun.
Napatango naman si Chanyeol. "Sige, alis na ako.."
"Chanyeol.." mahinang tawag ni Baekhyun sa binata.
"Sorry nga pala huh?" Napayuko naman si Chanyeol.
Hindi naman kasi niya inaasahan na mag-sosorry ito sa kanya. Hindi naman kasi nagtatanim nang sama ng loob si Chanyeol kaya nginitian niya ito at marahang tumango.
"O-Okay na yun.." sabi ni Chanyeol.
Napangiti naman si Baekhyun at inabot ang kamay ni Chanyeol.
"Salamat."
Hindi naman bulag si Chanyeol. Tulad ng ibang estudyante, nagagwapuhan din siya kay Baekhyun. Malakas din ang karisma nito sa babae man o lalaki kaya nga di na sya nagtataka kung halos araw-araw may nag-co-confess dito. Bukod pa doon, galing sa mayamang pamilya si Baekhyun.
Mamahalin din ang dala nito na sasakyan kapag pumasok sa school. Parang buwanan din ito magpalit ng jowa o madalas aksidente niya itong nakikita sa mga isolated places sa school na may ka-make-out.
Kaya ng makita niyang ngumiti ito, para siyang nakakita ng anghel.
Ever since that day, naging malapit na si Baekhyun at Chanyeol sa isa't-isa. Nagpalitan din sila ng phone numbers kahit nahihiya pa si Chanyeol kay Baekhyun.
–
++
"So, kamusta naman ang mission mo huh?" tanong ni Chen kay Baekhyun.
"Going smooth," ngisi ni Baekhyun. "Sooner or later aamin din ung nerd na yun."
"Naks! Kampanteng-kampante eh noh?" sabi pa ni Jongin.
"Oo naman, hindi matatapos ang susunod na buwan, aamin siya sa akin."
Mas lalong naging close sina Baekhyun at Chanyeol. Marami na din sa mga nakapaligid sa kanila ang nakakapansin sa closeness ng dalawa.
"Chanyeol?" bungad ni Junmyeon ng matiyempohang mag-isa ang binata. "Pwede ka bang makausap?"
"Ok lang, tungkol saan?"
Naupo si Junmyeon sa tabi ni Chanyeol. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Napapansin ko kasi na nagiging malapit kayo ni Baekhyun nitong mga nakaraang araw," sabi ni Junmyeon. "I'm just concern.." Napayuko naman si Chanyeol.
"Mabait naman si Baekhyun.."
Pinaglaruan ni Chanyeol ang mga daliri saka nilingon si Junmyeon.
"Hindi na rin niya ako pinagtitripan, pati mga kaibigan niya hindi na rin ako ginugulo..."
Ngumiti si Chanyeol. "Saka nag-sorry na din siya.."
"Sure ka bang walang hidden agenda si Baekhyun sa pakikipaglapit niya sayo?" Tanong ni Junmyeon.
"Wala naman siguro," sagot ni Chanyeol. "Hindi ko naman ramdam na trip lang niya ako."
Napabuntong-hininga naman si Junmyeon. "Ang sakin lang mag-ingat ka pa rin huh?" Napatango naman si Chanyeol.
"Salamat sa concern President.." pabirong sagot ni Chanyeol.
Nilingon ni Junmyeon ang papalapit na sina Baekhyun. Nagpaalam ba siya kay Chanyeol at bumalik sa orihinal niyang upuan.
‘Sana nga maganda ang intensyon mo, Baekhyun.’
–
++
It was already three minutes before 3 am pero hindi pa rin makatulog si Baekhyun. Naisipan niyang abutin ang phone niya ng saktong alas-tres me natanggap siyang message from Chanyeol.
[ Nerd 🤓 ] 💭
💭 Malamang tulog ka na, pero gusto ko lang sabihin na
💭 Thankful ako kasi we became friends
💭 Hindi ko nga inaasahan na kakaibiganin mo ako eh 😅
💭 Kasi di ba nerd nga ako tapos lagi pang nasa pinakalikod ng room
💭 Salamat sa pagiging kaibigan ko, Baekhyun
💭 I really appreciate it
Napailing na lang si Baekhyun at natawa sa kakornihan ni Chanyeol.
"Akala mo naman talaga, kaibigan ko sya.."
Those random messages became a habit for Chanyeol. Hindi naman nag-rereply si Baekhyun pero binabasa niya ang mga messages ni Chanyeol tuwing 3am.
[ Nerd 🤓 ] 💭
💭 Hi!
💭 Alam mo may nakita akong tuta nung pauwi ako ng bahay
💭 Sobrang cute niya saka napakaamo pa
💭 Gusto ko sana siyang i-uwi kaso di pwede
💭 Baka pagalitan ako ni Mama kasi lagi akong nag-uuwi ng hayop na nakikita ko sa daan 😅
💭 Alam mo ba, back to my elementary days, nag-uwi ako ng daga sa bahay tapos sabi ko kay Mama gagawin kong pet! Kaso pinagalitan ako kasi hindi daw ako pwedeng mag-alaga ng daga!
💭 Kasi daw madumi yung daga
💭 Kaya kahit kailan di na ako nag-uuwi ng kahit anong hayop sa bahay
Hindi alam ni Baekhyun pero kahit papaano nasanay na siya sa mga messages na narereceive niya mula kay Chanyeol. Hindi naman ito nagtatanong bakit hindi siya nagrereply siguro dahil hindi naman talaga ito yung matanong masyado.
Lumipas pa ang mga araw, ay napapansin na ni Baekhyun at ng mga kaibigan niya ang pagbabago kay Chanyeol. Mas naging sweet ito kay Baekhyun, tulad ng dinadalhan niya ng lunch ang binata na binibigay naman ng palihim nito sa mga kaibigan.
Mahirap na daw baka may gayuma.
"Mukhang dumadamoves na si Nerd ah!" sabi ni Sehun. "In fairness masarap siyang magluto."
"Oo nga, jowain mo na lang kaya for real Baek, me libre na tayong pagkain, me taga-gawa pa tayo ng mga assignment natin kapag nagkataon," segunda ni Chen.
"Eww! Ayoko nga!" sabi ni Baek.
Natawa lang ang mga kaibigan niya pero hindi niya iyon pinansin.
"Baek? M-May gagawin ka ba mamayang uwian?" Tanong ni Chanyeol.
"Oo, me practice kami sa baseball," sagot ni Baekhyun.
"Ganun..sige.." sabi ni Chanyeol.
Baekhyun went home late that night kasi after practice nagkayayaan silang uminom ng mga ka-team niya. Dahil doon, napagalitan si Baekhyun ng Daddy niya at nasabihang babawasan ng allowance kung uulitin niya iyon. Sa inis niya, he rant on his social media about what happened.
Nakita iyon ni Chanyeol pero hindi sya makapag-message dto through the social media.
Kaya naman, he messaged him at exactly 3 am again.
[ Nerd 🤓 ] 💭
💭 Hey
💭 I saw your rants earlier sa sns mo
💭 Are you okay?
💭 Don’t feel bad with what I’m about to say huh?
💭 I know I’m not in the right place to say anything
💭 Pero gusto ko lang sabihin na, kung ano man ang naging reaksyon ng mga magulang mo sa nangyari sayo ay dala lang ng pagmamahal nila sayo. Oo, nasa edad ka na may pansarili ka ng desisyon pero magulang mo pa din sila na nag-aalala para sayo.
💭 We used to think that our parents are trying to be strict para pigilan tayo sa mga gusto nating gawin pero ang totoo, they are just worried lalo na kung tingin nila pwede nating ikapahamak ang mga ginagawa natin.
💭 Alam mo, hindi lahat ng kabataan nakakaranas pa ng ganyang klase ng pag-aalala sa mga magulang nila. Kaya maswerte ka pa rin kasi mahal ka ng mga magulang mo.
💭 I hope magkaayos na kayo, at maging okay na din ang lahat.
💭 Good night.
–
Baekhyun read the messages for some reason tinablan siya doon. Kaya habang kumakain sila ng breakfast, he apologize to his parents na ikinagulat ng mga ito dahil hindi niya iyon ginagawa ever since natuto siyang gumimik. Kahit siya ay nagtataka sa sarili niya.
Hindi kasi siya humihingi ng tawad o nagpapakumbaba kaya naman after ng awkward moment na yun, kinuha niya ang bag niya para umalis. But then again, another weird thing he did, is he bid his good bye with them with a small smile pa.
'Aish! Kasalanan ito nung nerd na yun!'
As if on cue, nakita niya si Chanyeol papasok ng school. Naglalakad ito galing sa babaan ng mga estudyante at nakahawak ng mahigpit sa strap ng backpack niya.
Lalapitan na sana niya ito ng tawagin siya nina Sehun para doon sya sumabay.
"Ano? Ikaw na kaya ang gumawa ng move," sabi ni Sehun. "Nabobored na ako sa bet na ito eh! Gusto ko na ulit pag-tripan yug si Nerd!"
Hindi agad nakaimik si Baekhyun. Napansin naman iyon ni Chen kaya napangisi ito.
"Ano? Bahag na ba ang buntot mo huh? Asan na yung angas mo?"
Sinamaan ng tingin ni Baekhyun si Chen. Ayaw niya sa lahat yung naaapakan yung ego niya kaya naman hinarap niya si Chen.
"Sa katapusan," ngisi niya. "Tatapusin ko na ang bet na 'to."
–
++
Napakagat sa ibabang labi si Chanyeol. Ilang linggo na rin niyang pinag-iisipan ang plano niyang pagtatapat kay Baekhyun.
Yes, he likes Baekhyun, romantically.
And those past few days, ramdam niyang ‘it's mutual’. Baekhyun has been nothing but sweet and caring to him.
Kaya naman nang makahanap ng tiyempo, kinausap niya si Baekhyun sa lilim ng malaking puno na nasa likod ng Main Building para mag-confess.
"Anong sasabihin mo?" Tanong ni Baekhyun.
"Baekhyun, gusto kita.." sagot ni Chanyeol.
"Huh?" napakunot ang noo ni Baekhyun.
"I like you, Baekhyun Byun, as in romantically.." sabi ni Chanyeol.
Lihim na natatawa si Baekhyun dahil mas maaga sa inaasahan niya ang pag-amin ni Chanyeol. Pero he still needs to do what he promised to his friends.
"Prove it to me," sabi ni Baekhyun.
"Huh?"
"Sa katapusan, meet me in the gym, doon, I want you to tell me what you really feel," sabi ni Baekhyun.
Chanyeol looked down. Napaisip siya sa sinabi ni Baekhyun.
"Baka naman hindi mo talaga ako gusto kaya ka nagdadalawang isip?" hamon ni Baekhyun.
"Gusto talaga kita Baekhyun," sabi ni Chanyeol.
"Then prove it, doon sasagutin ko ang tanong mo," sabi ni Baekhyun.
"Okay.."
++
Another 3 am message before the big day.
[ Nerd 🤓 ] 💭
💭 Hi
💭 Aaminin ko kinakabahan ako, pero gusto ko talagang patunayan ang nararamdaman ko para sayo
💭 Kaya sana maniwala ka
💭 Gusto talaga kita, Baekhyun
💭 Gustong-gusto kita
++
++
The big day came.
Nakahanda na ang mga kaibigan ni Baekhyun para sa plano nila. Dumating si Chanyeol na may dalang bulaklak at nag-ayos pa talaga ito ng sarili para sa araw na ito. Walang tao sa loob ng gym kaya naman kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Chanyeol.
'For you.' sa isip nya.
Nakita niyang nasa gitna ng court si Baekhyun at tila hinihintay talaga siya. Nilapitan niya ito at nginitian ng matamis.
"Hi! Baek," bati ni Chanyeol.
"Hey," ngiti ni Baekhyun. "Ready ka na ba?"
Tumango si Chanyeol at bumuntong-hininga. Tumayo siya ng maayos at tinitigan si---Baekhyun sa mga mata.
"I like you, Baekhyun Byun, can you be my boyfriend?" Tanong ni Chanyeol at nag-ala prinsipe pa nang lumuhod sa harap ni Baekhyun.
Saglit silang binalot ng katahimikan ng biglang tumawa ng malakas si Baekhyun.
"Guys! Nakuhanan nyo ba yun?" Tanong niya.
Ang naguguluhang si Chanyeol at hindi agad makatayo ng makarinig siya ng mga yabag papalapit sa kanila. At doon niya nakita ang mga kaibigan ni Baekhyun na may hawak na camera at nagtatawanan pa.
"Wow! Ang ganda ng kuha ko dun!" Sabi ni Sehun.
"A-Anong..." Sabi ni Chanyeol.
Hinarap ni Chanyeol si Baekhyun at tumayo.
"Baekhyun, anong ibig sabihin nito?"
"Di mo ba talaga gets Park? I'm just playing around with you," ngisi ni Baekhyun.
"Pero..." Sabi ni Chanyeol. "I like you..."
Baekhyun rolled his eyes. "Well, news flash nerdy~"
Kinuha ni Baekhyun ang bulaklak at tinapak-tapakan ito. "I don't like you."
"Pero..." Naguguluhan si Chanyeol.
Natawa si Baekhyun pati ang mga kaibigan niya.
"Akala ko ba matalino ka? Bakit di mo pa rin gets? I just played with you, stupid! We only bet on you!"
Hindi alam ni Chanyeol ang nararamdaman niya habang nabibingi sa kantyaw ng mga nasa paligid niya.
"Akala mo ba talaga magugustuhan kita? Ang asado mo naman, nerd," sabi ni Baekhyun.
"Tsk!"
Napa-atras si Chanyeol at napatingin kay Baekhyun na may mga luha sa mga mata.
Baekhyun was taken back by what he saw in his eyes. It was full of pain and sadness. He quickly averted his gaze until they heard someone running away from them.
"Nice one! Baek!" Tapik ni Chen sa balikat niya.
"Jongin, post mo na yung video huh?"
Chanyeol kept running until he reached the tall tree behind the Main Building and cried his heart out. Nakita siya ni Junmyeon at agad na nilapitan.
"Chanyeol? Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nito.
Hindi sumagot si Chanyeol at patuloy lang sa pag-iyak sa tabi nya.
–
++
Baekhyun picked up his phone and saw a message from Chanyeol.
"Hindi ba 'to nadadala?" Bulong niya.
[ Nerd 🤓 ] 💭
💭 Hindi iyon totoo di ba?
💭 Kasi naramdaman ko Baekhyun..
💭 Hindi rin nagsisinungaling ang mga mata..
💭 Kaya di ko maintindihan..
++
++
[ Nerd 🤓 ] 💭
💭 Hindi ako galit sayo
💭 Naiintindihan ko na bakit mo ito nagawa.
++
++
Kinabukasan naging trending topic ang video na pinost ni Jongin sa mismong social account ng school nila. Nakayukong naglalakad si Chanyeol papasok ng school at ramdam niya ang tingin sa kanya ng mga estudyante. Halo-halo ang reaksyon ng mga ito pero lamang ang natatawa sa kanya. Kahit sa classroom nila ay naging tampulan siya ng asaran sa pangunguna ni Sehun. Hindi naman umiimik si Chanyeol at tahimik lamang sa pwesto niya.
Si Baekhyun naman ay ni hindi siya tinitingnan at halatang walang pakialam sa kanya. Hindi naman mapigilan magalit ni Junmyeon sa nangyari pero pinakiusapan siya ni Chanyeol na huwag ng makialam. Lalo pa at ayaw niyang me madamay sa nangyari sa kanya.
Ever since that day happened, may ilan sa mga estudyante ang nagsimulang gumawa ng kalokohan sa kanya. Merong ila-lock siya sa restroom o buhusan ng maruming tubig. Meron pa ngang papatirin siya sa cafeteria o sadyang patatamaan ng bola kapag nasa field siya.
Lahat iyon ininda ni Chanyeol at never siyang nagsalita o nag-react sa mga ginagawa sa kanya.
He never dares to fight back against those who keep his day at school miserable.
"Uy! Nabalitaan nyo ba? May tumulak daw kay Nerd sa may hagdan?" tanong ni Sehun.
Napalingon si Baekhyun kay Sehun. "Ano?"
Sehun looked at him then shrugged. "Nakita ko kasi siyang dinadala sa infirmary ni Junmyeon, me sugat sa noo, basag ang salamin, tapos ang sabi me tumulak daw.."
Napatahimik si Baekhyun.
Pumasok sa room si Junmyeon na bakas ang galit sa mga mata habang nakatingin sa direksyon nina Baekhyun.
"Masaya ba?" Napalingon silang lahat kay Junmyeon. "Masayang paglaruan ang buhay ng iba ha?"
"Anong sinasabi mo?" tanong ni Chen.
Napa-scoff si Junmyeon.
"Stop playing innocent, kung tutuusin kayo ang dahilan bakit nangyari ito kay Chanyeol," pigil ang inis na sabi ni Junmyeon. "He never reported what you did to the school of discipline dahil ayaw niya ng gulo."
Junmyeon looked straight into Baekhyun's eyes.
"Sana masaya ka sa mga ginawa mo Baekhyun, sana nakakatulog ka ng mahimbing sa ginawa mo kay Chanyeol, na ang ginawa lang ay patawarin ka kahit di ka humihingi ng tawad," sabi ni Junmyeon. "He's nothing but a good person yet, you came just to ruin his life."
–
++
Hindi makatulog si Baekhyun. It was already five minutes before 3 in the morning yet here he is still awake or dahil may hinihintay siyang mag-message sa kanya.
He checks his phone when it vibrates and there goes his '3 am' message from Chanyeol.
[ Nerd 🤓 ] 💭
💭 Pasensiya ka na sa mga sinabi ni Jun, nadala lang siya ng damdamin niya
💭 Wala naman akong sinisisi sa mga nangyari.
💭 May pagkalampa din kasi ako 😅
💭 Saka OA lang din yung reaksyon ni Mama, sabi ko huwag ng mag-report kasi baka hindi na niya ako papasukin sa school. Ayaw ko naman na mangyari iyon.
💭 Gusto ko kasing pumasok at para makita pa din kita..
💭 Kasi alam mo, sa kabila ng lahat..
💭 Gustong-gusto pa rin kita, Baekhyun.
++
Hindi alam ni Baekhyun ang nararamdaman niya habang binabasa ang message ni Chanyeol.
‘ ..’
"Bakit? Bakit gusto mo pa rin ako sa kabila ng mga ginawa ko sayo? Bakit?" Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya habang hawak ng mahigpit ang phone.
Kinabukasan, hindi pumasok si Chanyeol. Naka-excuse ito dahil sa nangyari sa kanya. The whole day tahimik lamang si Baekhyun habang nakatanaw sa bakanteng upuan ng binata. Pagdating ng lunchtime, naisipan niyang maglakad-lakad at nakita ang isang ginang na kausap ni Mr. Lee. Napalingon ang mga ito sa kanya lalo na ang ginang na kasama ni Mr. Lee.
"Byun, come here," sabi ni Mr. Lee. Lumapit naman si Baekhyun at napatingin sa ginang na nagpapaalala sa kanya kay Chanyeol. "This is Ms. Yoora Park, Ate ni Chanyeol." Natigilan si Baekhyun sa narinig.
‘Ate?’
Naiilang na napa-bow ng ulo si Baekhyun biglang pagbati. Ngumiti naman sa kanya si Yoora at doon niya lang na-realize kung gaano ito kamukha ni Chanyeol.
"Can you assist Ms. Park sa parking lot? Me inaasikaso kasi ako," sabi ni Mr. Lee.
"Yes, Sir.." sagot ni Baekhyun.
Habang naglalakad sila papuntang parking lot, hindi maiwasan ni Baekhyun na makaramdam ng kaba. Iniisip niya na na-i-kwento ni Chanyeol na siya ang dahilan bakit nangyari ito sa kanya. The guilt is killing him, lalo na kapag naaalala niya ang message ni Chanyeol.
‘ ..’
"Ikaw pala si Baekhyun.." panimula ni Yoora. "Palagi kang nakukuwento sakin ni Chanyeol."
Hindi naman agad nakaimik si Baekhyun. Hindi niya nga alam kung may karapatan ba siyang magsalita.
"Alam mo, kapag kinukwento ka ng kapatid ko, ang saya-saya niya kapag binabanggit ka.."
Nakangiti lamang si Yoora habang nagsasalita. Hindi naman alam ni Baekhyun kung anong dapat niyang maramdaman.
"Nakakapanibago nga yun kasi wala siyang ibang kinukwento bukod sayo, kung gaano ka kagaling kumanta, kung gaano ka kagaling sa baseball.." kwento pa nito. "Alam mo kasi, dati laging na uwi na malungkot yung kapatid ko, since grade school kasi..” a pause “..nabubully na siya, di ko nga alam kung bakit eh ang bait naman ng kapatid ko, may pagka-clumsy pero hindi nun kayang manakit kahit insekto," nangingilid ang luha ni Yoora.
Baekhyun looked away.
"Kaya nagtataka ako bakit yun nangyari sa kapatid ko, bakit siya sinaktan ng kapwa niya estudyante," nagpahid ng luha si Yoora. "Sabihin mo sakin Baekhyun, bakit? Bakit mo ginawa yun sa kapatid ko?"
Napatigil sila sa paglalakad. Hinarap ni Yoora si Baekhyun at nagtaas ng kamay. Handa na si Baekhyun para tanggapin ang sampal na iyon dahil alam niya na deserve niya yun pero walang dumating na sampal bukod sa palad na pumisil sa balikat niya.
"Napaka-soft-hearted ng kapatid ko na natatakot akong ma-take advantage siya.." sabi ni Yoora.
Nakatitig si Baekhyun sa umiiyak na Ate ni Chanyeol.
"He never blame you for everything, kasi alam mo bang wala siyang nakikitang masama sa iba? Sa iyo? He believes that every person has a good heart.."
Baekhyun teared up.
Guilt already eating him whole.
Sobrang pinagsisisihan niya ang mga ginawa niya kay Chanyeol. Dahil aaminin niya, yung mga pinakita niya dito hindi parte ng bet yun.
He really did care for him.
Habang nakikilala niya si Chanyeol noon napapalapit din ang loob niya dito.
Chanyeol is like a virus.
A happy one.
Nakakahawa ang mga ngiti at tawa nito. Kahit pa napaka-corny ng mga jokes niya napapatawa niya ito.
Chanyeol never showed him any bad treatment.
Chanyeol only sees the good in him and accepts his flaws and shortcomings.
Yet he still chooses to break his heart.
"I-I'm sorry...." sabi ni Baekhyun at napaiyak sa harap ni Yoora. "I'm so sorry po.."
Baekhyun went home like a walking zombie.
Sinalubong naman siya ng Mom at Dad niya at inakay sa sala.
"Dad, Mom..." Sabi ni Baekhyun and started to tell them everything that happened.
Nakikinig lamang ang mga ito sa kanya habang hawak ang mga kamay niya. He was even crying too.
Niyakap siya ng mga ito at pinatahan. He has never been this vulnerable in front of his parents.
Ngayon lang.
At dahil ito kay Chanyeol Park.
His parents told him that everything will be fine. He promised to apologize properly to Chanyeol. Paghihirapan niya iyon hanggang sa mapatawad siya nito.
He waited for his usual '3 am' messages but it never came. He checked again pero wala talaga siyang na-rereceive na message. Naisip niya baka naman na-late lang pero never naman nangyari yun.
Nang mga sumunod na araw, ganun pa rin, wala siyang natatanggap na messages from Chanyeol.
Nahihiya naman siyang i-message ito.
Kaya naman nang pumasok na ito ay hindi na niya pinalampas pa na makausap ito.
"Chanyeol..." sabi ni Baekhyun.
Nilingon siya nito pero walang ngiti.
Kinabahan naman si Baekhyun pero hindi siya pwedeng magpadala sa kaba na yun. He wanted to make things right.
He wanted to be part of his life.
Again.
He wanted to see those bright smiles again.
"Ano yun?" tanong ni Chanyeol.
"Can we talk after class? Hihintayin kita sa may likod ng Main Building, please?" Baekhyun asked.
Chanyeol nods. "Okay.."
Baekhyun smiled and went back to his own seat. Hindi naman nagtanong ang mga kaibigan niya pero alam niyang maraming tanong ang mga ito.
–
++
Naghintay si Baekhyun sa lilim ng puno habang kagat ang isang daliri sa kaba. Nang makarinig siya ng mga yabag papalapit sa kanya agad siyang lumingon at nakita si Chanyeol. Nakayuko ito, isang bagay na gusto niyang alisin dahil hindi dapat ito mahiya.
"Chanyeol.."
Chanyeol lifted his head and saw Baekhyun smiling at him.
"Baekhyun..."
"Chanyeol, I'm sorry..." panimula ni Baekhyun. "I'm sorry for everything that I have done and told you."
Chanyeol remained silent.
"Alam ko na hindi sapat ang 'sorry' ko sa lahat ng mga ginawa ko, kaya gagawin ko lahat para mapatawad mo ako," sabi ni Baekhyun. "Kung gusto mo gawin mo din sakin yung mga ginawa ko sayo, o kaya luluhod din ako..."
"Baekhyun, napatawad na kita.." sabi ni Chanyeol.
"Huh?" Baekhyun looked confused.
Chanyeol smiled. "Sabi ko napatawad na kita, hindi ako galit sayo, okay lang din naman ako.."
Umiling-iling si Baekhyun at inabot ang mga kamay ni Chanyeol.
"No, let me gain those by proving my self to you, this time, no more pretencies.."
Lumuhod si Baekhyun sa harap ni Chanyeol. Nagulat naman ang matangkad at napalingon pa sa paligid.
"Baekhyun, tumayo ka dyan.."
"No, hindi ko deserve ang mapatawad mo ng ganun lang, Chanyeol," sabi ni Baekhyun.
"Let me make things right please, let me prove myself to you.." Hindi naman nakaimik si Chanyeol.
Baekhyun looked at him and sighed.
"Then prove yourself," sabi ni Chanyeol. "Pumunta ka ng sementeryo at 3 am."
"Huh?" Baekhyun asked at napatayo.
"Meet me sa sementeryo, at 3 am," sagot ni Chanyeol.
"S-Seryoso ka?" tanong ni Baekhyun.
"Oo," sagot ni Chanyeol.
Napalunok naman si Baekhyun. "O-Okay.." "Okay.." sabi ni Chanyeol.
–
++
Kinakabahan man at kinikilabutan ay pumunta ng sementeryo si Baekhyun para i-meet si Chanyeol. Hawak ang phone ay tiningnan niya ang oras at malapit ng mag-3 am. Nagpalinga-linga siya sa paligid nang may kamay na humawak sa balikat niya at nagpatili sa kanya.
"Huy! Baekhyun.." sabi ni Chanyeol at natatawa sa nangyari.
"Bakit ka ba nanggugulat?!" sabi ni Baekhyun saka hinarap si Chanyeol. "Mag-go-ghost hunting ba tayo?"
"Hindi," sagot ni Chanyeol.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Baekhyun.
"I want you to meet someone.."
"H-Huh? Sino?" tanong ni Baekhyun.
"Si Daddy," sagot ni Chanyeol.
"Bakit ganitong oras pa?" tanong ni Baekhyun.
"It's the time he died," sagot ni Chanyeol. "He died while saving someone.."
Napakunot naman ang noo ni Baekhyun. Hinila naman siya nito sa isang puntod.
Chanyeol lit a candle and put a bouquet of flowers beside it. Chanyeol prayed for a while and closed his eyes.
"Dad, I want you to meet Baekhyun," Panimula ni Chanyeol. "He's the guy I've been telling you, the guy I like.."
Kinagat ni Baekhyun ang loob ng pisngi niya para hindi mapangiti sa narinig.
"I know na sinusubaybayan mo ko at sina Mama, since you left, and I'm fine Dad," patuloy ni Chanyeol. "We are good po.."
Baekhyun bowed a little. "Good morning po, Mr. Park, ako po si Baekhyun Byun.." napalingon sa kanya si Chanyeol.
"Alam ko pong marami po akong nagawang mali sa anak ninyo pero handa po akong paghirapan ang lahat para mapatawad nya po ako, alam ko po hindi sapat ang sorry ko sa dami ng nagawa kong mali pero nandito po ako para i-prove sa anak nyo na handa po akong itama ang lahat.."
Inabot ni Baekhyun ang kamay ni Chanyeol. "Iingatan ko po ang anak nyo.." nilingon niya si Chanyeoo. "At aalagaan."
Napangiti naman si Chanyeol sa narinig.
Matapos magdasal ay umuwi na din sila. Hinatid ni Baekhyun si Chanyeol sa bahay nila.
–
++
Without realizing it, it's been months since everything that had happened. Humingi na din ng tawad sina Sehun, Jongin at Chen kay Chanyeol pati na rin sa mga kaklase nila.
Napapansin din ng mga guro ang pagbabago ng grupo nina Baekhyun at ikinatuwa nila iyon. Pinapunta ni Baekhyun si Chanyeol sa gym at nakaramdam ito ng kaba at 'takot'. Pero nanigurado ni Baekhyun na wala ng anumang kalokohan o ano pa man ang pagpunta ng binata sa gym.
Pagdating ni Chanyeol doon, ay nagtataka siya dahil madilim sa loob ng gym. Ang tanging spot light ay nasa gitna kung saan din siya nagtapat noon kay Baekhyun. Kahit alam niyang nakalipas na at napatawad na niya si Baekhyun, hindi pa rin niya maiwasang matakot habang naglalakad palapit.
It's kinda traumatic to be in the same spot again.
Pagdating niya doon ay biglang lumiwanag at nagkalaglagan ng mga pink red and white balloons from the ceiling. Isang malaking banner din ang nakita niya, saying..
‘ Can you be my boyfriend? For real?’
Nang matapos mabasa ay nakarinig siya ng kanta. He smiled hearing Baekhyun singing while holding a bouquet of tulips in hand.
Baby, please try to forgive me
Stay here don't put out the glow
Hold me now, don't bother
If every minute it makes me weaker
You can save me from the man that I've become
Oh yeah
Looking back on the things I've done
I was trying to be someone
I played my part
Kept you in the dark
Now let me show you the shape of my heart
Sadness is beautiful
Loneliness is tragical
So, help me, I can't win this war, oh no
Touch me now, don't bother
If every second it makes me weaker
You can save me from the man I've become
Looking back on the things I've done
I was trying to be someone
I played my part
Kept you in the dark (in the dark)
Now let me show you the shape of my heart
I'm here with my confession
Got nothing to hide no more
I don't know where to start
But to show you the shape of my heart
I'm looking back on things I've done
I never wanna play the same old part
Or keep you in the dark
(Keep you in the dark)
Now let me show you the shape of my heart
Looking back on the things I've done
I was trying to be someone
(Trying to be someone)
I played my part
Kept you in the dark
Now let me show you the shape of my heart
(Now let me show you the true shape of my heart!)
Looking back on the things I've done
I was trying to be someone
I played my part
Kept you in the dark
Now let me show you the shape of
Show you the shape of my heart
Hindi naman napigilan ni Chanyeol ang mapaiyak lalo pa ng lumuhod si Baekhyun. He's looking at Chanyeol with hopeful eyes, hoping for him to say,
‘Yes.’
"Chanyeol?"
Chanyeol wiped his tears away then a smile creeped on his lips. He looked at Baekhyun who was taken aback.
"Akala mo ba gusto pa rin kita?" ngisi ni Chanyeol.
"Should you enjoy the taste of your own medicine?"
"H-Huh?"
The next thing Baekhyun heard was laughter and teasing.
–
++
Nagising si Baekhyun na pinagpapawisan sa kinauupuan niya sa tabi ni Chanyeol. Nagulat din ito at marahang pinisil ang kamay niya para pakalmahin siya.
"Okay ka lang?" alalang tanong ni Chanyeol.
Baekhyun looked at Chanyeol.
"Mahal kita, Chanyeol," sabi ni Baekhyun.
Napakurap naman si Chanyeol dahil sa narinig. Huminga ng malalim si Baekhyun saka hinawakan ang mukha ni Chanyeol gamit ang dalawang kamay.
"Mahal kita, Chanyeol, mahal na mahal kita.." sabi ni Baekhyun.
"Ayos ka lang ba Baekhyun?" tanong ni Chanyeol.
"Matagal ko ng alam yan.."
Si Baekhyun naman ang nakakunot ang noo.
"H-Huh?"
"We've been dating for a year now, nag-si-celebrate pa nga tayo ngayon eh, nakatulugan mo na yung pinapanood natin na movie," naiiling na sabi ni Chanyeol saka hinalikan sa labi ni Baekhyun.
"Pa'no? I was bullying you before.."
Chanyeol nods. "Yeah...bully kita, then you befriended me for a bet and make me fall for you, pero iba ang nangyari, you're the one who fell in love with me, and tinapos mo yung bet kasi mahal mo ko, inamin mo sakin lahat, I forgive you and then boom, we are here now.."
Baekhyun felt a sigh of relief. Niyakap niya si Chanyeol at pinaulanan ito ng halik sa mukha. Natawa naman si Chanyeol at niyakap din pabalik si Baekhyun.
"Oh.." sabi ni Chanyeol.
"Bakit?" Tanong ni Baekhyun.
"It's 3 am.." sagot ni Chanyeol.
Napangiti naman si Baekhyun.
++
[ My Nerdy Love ❤️ ] 💭
💭 HAPPY ANNIVERSARY LOVE ❤️
💭 Mahal na mahal kita 🥰❤️
~ cb ~
E N D