Actions

Work Header

ang maging malaya kasama ka

Summary:

in his defense, mingyu doesn’t actually hate wonwoo. ininvest na niya ‘yang emosyon na ‘yan sa gobyerno at kapitalismo. hindi lang talaga niya ito ka-vibe (at ka-social bracket). too bad though dahil kailangan nila matapos ‘yung docu para maka-graduate sila pareho.

Chapter 1: foreword

Chapter Text

hello, hello!

ako ay nasa inyong harapan upang sabihin na ako ay magtatangkang sumulat (at tumapos) ng isang full series (wow! commitment! who is she!) at nawa’y mapangatawanan ko ito.

few notes before the chaos officially begins!

the story is set before the k-12 fiasco, kaya baka may mga terms na 'di na updated/napalitan na ang tawag sa current curriculum. 'di naman siya makakaapekto sa story, but just a heads up hehe~

also, this is a work of fiction. please, please know to separate it from reality. i am not affiliated with any of the institutions/establishments mentioned in the story. other names, places, and events used are also a figment of my imagination, any resemblance to reality is purely coincidental.

as always, tenkyü sa pagbabasa at sa pagkunsinte sa mga kabaliwan ko. enjoy sana~

Chapter 2

Summary:

"Para kang sirang gago. Oo na, i-baby ko na ‘tong sheltered niyong tropa."

Chapter Text

Isang mahinang palatak ang pinakawalan ni Mingyu nang mabasa ang panibagong reply ni Jeonghan sa kanyang chat.

Wonwoo’s near na sa AS. Wait for him na, please? :(

Ano pa bang magagawa ko?

Huhu sorry na, galing pa kasi siya sa Science Complex.

Sus, di naman siya nahirapan maglakad. Andiyan naman driver niya.

Be nice to him, Gyu, please? :( He’s been running around the campus since yesterday trying to complete his units :(

“Minsan lang naman ‘yan mahirapan,” Mingyu muttered under his breath.

Titipa na sana siya ng reply kay Jeonghan nang bigla siyang maka-receive ng isa namang text mula kay Seungcheol.

Hoy wag kang bonak, Mingyu. Wag mo muna awayin si Wonwoo.

Mingyu scoffed at his best friend’s message. Pinagtulungan pa talaga siya ng mag-jowang ‘to.

Wala nga akong ginagawa??? Ako na nga ‘tong nadedelay dahil inaantay ko siya.

Sinasabi ko sa’yo boi pag ‘yan umiyak, ipapa-cancel ni Jeonghan lahat ng units mo sa CRS.

'Di porket nakapangalan sa lolo niya isang building dito sa Diliman, ipa-power trip na niya ko. Baliw talaga mga mayayaman. Pwe.

Parang awa mo na, Mingyu. Ayoko na manuyo.

Under ampota. Oo na, tantanan niyo na kong mag-jowa.

Kita ko na artista van ni Alabang boy. Maya na ulit.

Mingyu ha, isa.

Para kang sirang gago. Oo na, i-baby ko na ‘tong sheltered niyong tropa.

Alam niyang may sagot pa si Seungcheol dahil naramdaman niyang nag-vibrate ang phone bago ipasok sa bulsa, but his best friend can wait dahil dumating na si Wonwoo.

“Sorry for making you wait, Mingyu. Umikot pa kasi si Kuya Kaloy sa CP Garcia kaya natagalan kami,” humahangos na sabi ni Wonwoo pagkarating nito sa harapan ni Mingyu na nag-aabang sa pinakataas na baitang ng AS steps.

Liban sa ilang butil ng pawis sa noo at hapo sa boses ay Wonwoo looked like his usual self.

As always, Wonwoo sported a shirt and a pair of chino shorts both likely from Uniqlo and Zara. Respectively, on most days, interchangeably sa ibang mga araw.

Sa isang balikat nito ay nakasukbit ang itim na Herschel backpack na tahanan ng kanyang Macbook at iPad kapag regular na klase, habang ang kabilang kamay ay may hawak na puting Hydroflask na unti-unti nang napupuno ng stickers. Mukha na naman siyang Atenistang nag-iimmersion sa Diliman, Mingyu thought.

“Sa third floor ‘yung enlistment ng Art Stud,” ang tanging sagot ni Mingyu bago nagsimulang maglakad papasok sa building.

Hindi na niya nilingon si Wonwoo pero ramdam niya ang presensiya nitong tahimik na nakasunod sa kanya.

Sa totoo lang, hindi naman siya matagal nag-antay sa AS steps. Wala pa nga atang bente minutos ang lumipas mula ‘nung pinakiusapan siya ni Jeonghan na samahan niya sa pagpila sa isang elective si Wonwoo. Pero dahil si Wonwoo ang involved, matik na may reservations na agad si Mingyu.

“How many units pala did you get sa CRS, Mingyu?” Biglang tanong ni Wonwoo habang naglalakad sila sa hallway.

Medyo nagulat pa nga si Mingyu dahil nasa tabi na pala nito ang binatang kanina lang ay nasa likuran niya.

“18,” Tipid na sagot ni Mingyu.

“Wow! Super swerte mo. Nine units lang binigay ng CRS sa’kin for both rounds eh."

Hindi na sana sasagot pa si Mingyu dahil pakikipag-small talk kay Wonwoo ang last thing na gusto niyang gawin ngayong araw pero bigla niyang naalala ang warning ng mag-jowang Seungcheol at Jeonghan.

“Ilan pa kailangan mo?”

Wonwoo looked slightly taken aback. Hindi niya siguro inexpect na itutuloy pa ni Mingyu ang conversation nilang dalawa. “S-six pa. This one, and then one more elective sa Maskom.”

Mingyu nodded but didn’t prod more. Pareho lang pala silang 21 units ang kailangan this sem. Swerte lang talaga si Mingyu na isang subject na lang ang kailangang ipila para makumpleto ang units niya.

Tumigil si Mingyu sa tapat ng isang classroom kaya napatigil rin si Wonwoo sa paglalakad.

“Dito ‘yung sa Art Stud 101. Kaka-open lang raw ng new sched kaya sure na may slots pa. Sandali,” ani Mingyu bago kumatok sa pinto.

Isang lalaking student assistant ang nagbukas ng pinto na agad na binati at niyakap si Mingyu.

“Uy, Gyu! Sakto chat mo. Kakabukas lang ng 2:30 p.m. slot. 'Lika, ako na mag-enlist sa’yo.”

“Ay ‘di, Seok. Hindi ako. Itong si Wonwoo ang mag-eenlist,” sagot ni Mingyu sabay turo sa katabi.

“You’re not enlisting sa 101?” Gulat na tanong ni Wonwoo. Akala niya ay kaya niya kasama si Mingyu dahil kailangan rin nito ng additional na klase. 

Umiling si Mingyu. “Maskom elective na lang kulang ko. Pinasamahan ka lang ni Jeonghan kasi alam niyang tropa ko ‘tong si Seokmin.”

Nanlaki naman ang mata ni Wonwoo sa narinig. Gosh! Na-hassle pa si Mingyu. Bukod sa nag-antay ito sa kanya ay hindi naman pala niya kailangan siyang samahan sa third floor.

“Hala, sorry! I didn’t know. Akala ko kaya ka pinasama ni Jeonghan is because you also needed this class. Sorry, Mingyu. Go ahead na, baka maubusan ka pa ng slot.”

“Bilin ni Jeonghan na samahan kita. Tiyaka sabi ‘nung kakilala kong student assistant sa CMC, mamaya pa raw bubuksan ‘yung class ng elective na gusto ko.”

“Sorry talaga sa hassle, Gyu. Si Hannie talaga. Sabi ko naman I’ll be fine,” Wonwoo said in an apologetic voice. 

“Okay na ‘yun. Andito na tayo, e. Mag-enlist ka na para makalipat na tayo sa Maskom,” Mingyu said in a calm voice, making Wonwoo chew on his lips.

Bahagya namang umubo si Seokmin para basagin ang saglit na katahimikan. “Uh… halika, Wonwoo. Wonwoo ‘no? Akin na ‘yung Form 5A mo, i-enlist na kita. Pasok ba sa schedule mo ‘yung 2:30 p.m?”

Wonwoo nodded before handing over his form to Mingyu’s friend.

“I’ll make this fast, Mingyu, promise. Wait lang,” paalam niya at tiyaka sumunod sa loob ng classroom. 

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Wonwoo na hindi siya masyadong gusto ni Mingyu.

Mingyu never admitted it out loud, but Wonwoo could feel that Mingyu just… didn’t like talking and interacting with him that much.

Hindi rin alam ni Wonwoo bakit medyo aloof si Mingyu sa kanya. Kung may ranking ng top 10 mysteries sa buhay niya ay for sure nasa itaas ng listahan si Mingyu at kung ano mang relasyon (or lack thereof) ang meron sila.

Higit dalawang taon na silang magkakilala at madalas pang magkasama dahil kaibigan nila si Jeonghan at Seungcheol na mas clingy pa sa dumikit na buhok sa sabon, pero he couldn’t remember the time when Mingyu actually held a full conversation with him.

Hindi naman rude si Mingyu sa kanya. He acknowledges his presence every time at sinasagot naman siya nito nang ayos sa rare times na nagkakausap sila pero that’s it. Sobrang civil nila sa isa’t isa na minsan iniisip ni Wonwoo kung may secret animosity ba ang binata sa kanya.

But then again, as far as he’s concerned ay wala naman siyang maling nagawa o nasabi kay Mingyu dahil nga sobrang limited lang ng interactions nila.

Mabilis natapos sa pag-enlist ng klase si Wonwoo dahil maikli lang ang pila para sa bagong schedule. Si Seokmin ang nag-asikaso kay Wonwoo at hinatid pa ito palabas pagkatapos.

Napatingin si Mingyu sa bumukas na pinto ng classroom at bumungad sa kanya si Wonwoo at ang kaibigan na nakangiting nag-uusap.

“Thank you sa help, Seokmin. Buti na-catch mo ‘yung subjects na muntik mag-overlap,” ani Wonwoo na siyang sinuklian ng ngiti ni Seokmin.

“Okay na?” Tanong ni Mingyu kaya napatingin sa direksyon niya ang dalawa.

It was Seokmin who acknowledged him first. “Oo naman, pre. Areglado na. Three units na lang kulang ni Wonwoo.”

Tumango nang bahagya si Mingyu. “Salamat, Seok. Buti natimbre mo ‘yang bagong sched. Kanina pa raw sila naghahanap ng pwedeng ma-enlist sabi ni Cheol, eh.”

“No problem. Sabihin mo kay Cheol, may utang pa siyang Red Horse sa’kin ha.”

Nagpasalamat lang ulit si Wonwoo kay Seokmin at yumakap si Mingyu sa kaibigan bago sila nagsimulang maglakad papunta sa hagdanan.

“Thanks for accompanying me, Mingyu. Thank you rin kasi hineads up mo si Hannie about the Art Stud class,” Wonwoo said, to which Mingyu only nodded to.

“Sa CMC ka ‘rin naman, right? Sabay ka na sa’min ni Kuya Kaloy,” Wonwoo offered.

Mingyu seemed to hesitate for a bit, and Wonwoo half-expected him to reject his offer, kaya medyo nagulat siya nang pumayag ito. 

“Really?” Wonwoo confirmed, a hint of delight in his tone.

Mingyu shrugged. “Sinong aayaw sa libreng sakay tapos naka-aircon pa?”

 

Awkward. Sobrang awkward sa loob ng Grandia nina Wonwoo.

Mabuti na lang at malapit lang ang building ng College of Mass Communication mula sa AS kaya hindi masyadong na-pressure si Wonwoo na mag-isip ng i-totopic kay Mingyu. Ayaw kasi niya ng dead air, as much as possible. Baka ganun pag Broadcast Communication ang course mo.

“Ah, what elective pala ‘yung plan mo i-enlist?” Wonwoo asked as they approached the Maskom building.

“Broadcast Journalism,” sagot ni Mingyu.

“Hala, talaga? Me rin! ‘Yun ‘yung elective na gusto ko kunin,” Wonwoo exclaimed before scrolling through his phone, as if searching for something.

Mingyu hummed in acknowledgement.

“Oh! I guess classmates tayo. The department announced na they will only open one class for Broadcast Journ this sem,” Wonwoo said, reading the announcement on his phone.

“Sila Cheol at Han rin ata mag-Broad Journ.”

“Really? OMG, ngayon ko lang kayo magiging classmates. Well, not counting ‘yung high school years namin ni Hannie,” Wonwoo excitedly said.

“Hmm,” ang tanging sagot ni Mingyu dahil narating na rin nila ang kanilang building.

 

Sa may tapat ng Journalism Department sa second floor kinita ni Jeonghan at Seungcheol sina Mingyu and Wonwoo.

Nakaupo ang dalawa sa sahig habang nakalingkis sa isa’t isa nang maabutan sila nina Wonwoo at Mingyu.

Wala pang pila dahil may isang oras pa bago ang official na pagbubukas ng enlistment para sa Broadcast Journalism pero may iilang mga estudyante na ang nag-aabang sa labas kagaya nila.

“Gosh, Hannie. PDA pa ‘rin kahit ang init?” Bungad ni Wonwoo sa magkasintahan nang makarating sila sa tapat ng mga ito. 

“That’s what you call inggit, Wons,” ani Jeonghan pero kumalas pa rin naman ito sa pagkakayapos sa kasintahan para batiin at yakapin ang kaibigan.

Magkaklase si Wonwoo at Jeonghan sa isang private school sa Alabang ‘nung high school. Magkapit-bahay rin sila sa sikat na exclusive (at highly gated) village sa lugar kaya naman close na close talaga ang dalawa.

Parehong dream school nina Wonwoo at Jeonghan ang UP. First year high school pa lang ay pinapangarap na ni Wonwoo na mag-major sa Broadcast Communication sa Diliman habang si Jeonghan ay gagawing pre-law ang Journalism sa parehong campus.

Kaya naman hindi sila magkandamayaw sa pagsigaw at pagtalon sa tuwa noong lumabas ang UPCAT results at nakitang parehas silang nakapasa sa first choice courses nila.

Meanwhile, Jeonghan got together with Seungcheol in their sophomore year.

Unang kita pa lang ni Seungcheol kay Jeonghan sa applicants’ orientation ng mass org na kinabibilangan nila ni Mingyu noong freshies sila ay napukaw na ang atensyon niya ng binata.

Kagaya nina Wonwoo at Jeonghan ay matalik rin na magkaibigan mula high school sina Mingyu at Seungcheol.

Sa isang semi-private school sa Quezon City nagtapos ang dalawa.

Si Mingyu bilang class valedictorian at editor-in-chief ng school paper na pambato nila sa NSPC, habang si Cheol ay honorable mention na kilalang student photojournalist rin.

Walang pagsidlan ang kaligayahan ng pamilya nina Mingyu at Seungcheol nang makita ang pangalan nila sa listahan ng mga pumasa sa UP Diliman. Si Mingyu sa BA Journalism, si Seungcheol sa BA Film. Dagdag pa sa kagalakan ng mga ito ang pagiging city scholars ng dalawa.

Fast forward to a few years after at ito na silang apat.

Kapwa nasa unang semestre ng ika-apat at huling (hopefully, cross fingers, awa na lang Oble at pakawalan mo na raw sila) taon nila sa kolehiyo, naghahanda para sa final level (thesis) at nag-aabang sa pagbubukas ng slot ng Broadcast Journalism class.

 

Pagtapos makapag-enlist successfully ay naiwan sandali sina Mingyu at Seungcheol sa garden ng CMC.

Nagpaalam kasi na bibili ng snacks sina Wonwoo at Jeonghan pero kalahating oras na ang lumipas ay wala pa rin ang mga ito.

Turns out ay sa Chockiss pala nagpunta ang dalawa at may dala pa ngang mini Devil’s Cake si Wonwoo para kay Mingyu—pa-thank you raw niya sa pag-antay at pagsama nito kanina.

Grabe naman mga mayayaman. ‘Di ba uso sa kanila ‘yung thank you lang? Mingyu thought when Wonwoo shyly handed over the small white box.

Pinag-isipan pa nga niya kung ibabalik niya ang cake kay Wonwoo dahil hindi naman talaga necessary na regaluhan pa siya nito sa simpleng bagay lang pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon dahil agad ring nagpaalam si Wonwoo na mauuna nang umuwi.

Ihahatid pa rin raw kasi ni Kuya Kaloy ang ate nito sa isang networking event na dadaluhan kinagabihan. 

Pinagsaluhan nina Mingyu, Seungcheol, at Jeonghan ang cake na bigay ni Wonwoo, at pagtapos mag-merienda ay nagsiuwian na rin ang tatlo.

“Bakit ka ba galit kay Wonwoo?” Out of nowhere na tanong ni Seungcheol kay Mingyu habang nag-aantay silang dalawa ng masasakyang jeep sa waiting shed.

“OA sa galit. ‘Di lang talaga kami vibes. Ganun siguro kapag magkaiba ng STS bracket,” biro ni Mingyu.

Seungcheol snorted. “E, ba’t naman kayo ni Jeonghan? Nauna pa nga kayong maging close kesa sa’min.”

“Baliw kasi ‘yang boyfriend mo,” Mingyu shook his head. “Mayaman lang pero kanal. Tiyaka iba na samahan namin ‘nun. Magkasama ba naman kami na-water canon sa may Mendiola dati, e.”

Seungcheol chuckled at the memory. “Ah. Jeonghan Yoon’s ultimate eye opener.”

“Gulat ako, e. Next sem biglang nag-aapply na sa org na’tin,” Mingyu said with a fond smile.

“So, kailangan muna mag-apply ni Wonwoo sa org bago mo siya bigyan ng chance?” Seungcheol teased.

“Hindi naman ‘yun pinipilit. Tignan mo na lang si Jeonghan,” Mingyu started. “Tiyaka okay naman kami ni Wonwoo ha. ‘Di naman kami nag-aaway, ‘di naman kami nagsisigawan. Ang peaceful nga namin.”

“Pero ‘di rin kayo nagpapansinan. Or actually, more like, hindi mo siya pinapansin.”

“Napaka-issue mo. Pinapansin ko siya at nag-uusap kami palagi. Binigyan pa nga akong cake kanina, ‘di ba?”

“Na kung hindi pa siya nagpaalam na andiyan na sundo niya e malamang naibalik mo,” agad na sagot ni Seungcheol.

Sa pagbanggit ng sundo ay biglang naalala ni Mingyu ang unang pagkikita nila ni Wonwoo. ‘Nung time na ‘yun kasi e hiwagang hiwaga siya sa konsepto ng isang college student na hindi lang may sariling driver pero higit sa lahat ay hatid-sundo pa rin.

 

Seungcheol and Jeonghan had already been dating for three months when they decided it was time for their best friends to also get to know each other. 

Nakakasama naman nila sina Mingyu at Wonwoo separately kapag may study dates, pero ito ang unang beses na magkakasama silang apat at unang beses na pormal na magkakakilala ang dalawa.

Sa isang coffee shop sa UP Town Center unang nagkakilala sina Wonwoo at Mingyu. Na-late nang halos kalahating oras si Wonwoo dahil may klase pa ito sa Math building, pero kahit ganun ay ayos naman ang unang pagkikita ng dalawa.

Galak na nakipag-kamay sa isa’t isa at malawak pa ang ngiti na ginawad ni Mingyu kay Wonwoo. Wow. Ang pogi naman nito kahit humahangos, isip pa ni Mingyu 'nung unang magtama ang paningin nila.

Naupo sa tabi ni Mingyu ang binata kaya naamoy nito ang mahalimuyak na pabango ni Wonwoo na parang hindi man lang napawisan kahit tumawid pa galing sa kabilang building. 

“Sorry, I’m late, guys. Grabe, our prof extended for half an hour. He was trying to catch up on the lectures kasi absent siya for two meetings,” Wonwoo said in apology. 

“Saan ba ‘yung class mo kanina, Wons?” Seungcheol asked.

“Sa may Math.”

“Buti malapit lang pala,” Jeonghan said.

Wonwoo nodded. “Yeah. Good thing rin nakahanap agad kami ng parking kanina.”

“Si Kuya Ben ba ulit naghatid sayo?” Jeonghan asked.

Umiling si Wonwoo. “No na. Nakabalik na si Kuya Kaloy, kaya balik na rin ulit si Kuya Ben sa paghatid kina mom.”

Habang ongoing ang pag-uusap ng tatlo ay tahimik na nakikinig si Mingyu. Hindi kasi niya mapigilang mahiwagaan sa mga naririnig.

Una sa lahat ay mahihimigan mo agad na lumaking Englishero si Wonwoo kagaya ni Jeonghan. Pangalawa ay sino sina Kuya Ben at Kuya Kaloy at bakit siya hinahatid ng mga ito? Pangatlo ay ‘mom’ at ‘dad’ ba ang tawag niya sa mga magulang niya? Shet, rich kid na tunay. 

“Tapos na ba classes mo ngayon?” Seungcheol asked.

“Yup, pero babalik ako sa Math Building for the worksheets. Do you think Kuya Kaloy can park ‘dun sa may CP Garcia side? Ipag-hazard ko na lang siguro siya para ‘di na kami mag-park ulit.”

With slightly furrowed eyebrows, Mingyu couldn’t help but insert himself in the conversation.

“Kukuha ka lang sa Math ng worksheets?” Tanong niya at agad namang tumango si Wonwoo bilang kasagutan.

“Literal na tapat lang ‘yun ng UPTC, ah. Ba’t di ka na lang maglakad? Bawal mag-park ‘dun sa gilid ng Math.”

Wonwoo looked slightly taken aback by Mingyu’s suggestion. Sasagot na sana siya kung hindi lang naunahan ni Jeonghan. “‘Di nga marunong tumawid mag-isa si Wons tapos papatawirin mo sa Katipunan?”

“May overpass naman sa tapat. Tiyaka hindi ba basic survival skill ang pagtawid?” Tila ay namula sa hiya ang pisngi ni Wonwoo sa tanong ni Mingyu dahil totoo namang basic life skill ang pagtawid. Pero sa kasamaang palad ay takot siyang gawin itong mag-isa kahit na nasa kolehiyo na siya.

"Pero marunong ka naman sigurong mag-commute 'no?" Sunod na tanong ni Mingyu sa binata.

“C-counted ba ‘yung Grab?” Wonwoo asked, barely above a whisper.

“Grab na ‘yung commute mo? Hanep, burgis,” Mingyu commented. He sounded judgmental, but to be honest, he was feeling more astonished. Sino’ng college student na nag-aaral sa Maynila ang hindi marunong tumawid at mag-commute?

“Don't judge Wons nga, Mingyu. Gusto naman niyang matutong mag-commute, pero ayaw siya payagan ng parents niya,” Jeonghan said, coming to his friend’s rescue.

Mingyu then learned that Wonwoo and Jeonghan went to the same private school and have been family friends for the longest time since magkasama sa isang kilalang fraternity noong college ang mga tatay nila.

Nang matapos ang brief intro sa buhay ni Wonwoo ay nagpaalam itong bibili muna ng makakakain.

“Order lang ako ng food ha. ‘Di pa kasi ako nag-lunch. Do you guys want something?”

Akmang tatayo na si Wonwoo nang pigilan ito ni Seungcheol. “Wait, Wons. May seafood pasta pa dito baka gusto mo. Hindi pa namin nakakain.”

“Naku, baby. Hindi nakain ng seafood si Wons,” agad na sabi ni Jeonghan.

“Oh, bakit? Allergic ka, Wons?”

Wonwoo hesitated a bit and sneaked a glance in Mingyu’s direction before answering. “No naman. Ayoko lang talaga ng lasa ng seafood. Sorry, ang arte.”

True, ang arte nga, a part of Mingyu’s brain immediately thought. But then again, may K naman siya na mag-inarte, another part of Mingyu’s brain supplied.

Naiwan sina Mingyu at Seungcheol sa table dahil nag-decide rin si Jeonghan na bumili ng dessert. Nang makalakad papalayo ang dalawa ay agad na bumulong si Seungcheol sa kaibigan.

“Mabait ‘yung si Wonwoo. Sadyang sheltered kid lang talaga.”

“Wala naman akong sinasabi, ah.”

“Pero basang-basa ko ‘yang judgment sa muka mo. Para kang may subtitles, boi.”

“‘Di kasi, tangina. Anong feeling ‘nung never ka nakakain ng isda sa tanang buhay mo? At hindi dahil bawal sa’yo, pero dahil nalalansahan ka?”

Seungcheol snorted at Mingyu. “‘Yan ang ‘di judgment? Malay ba na’tin. Ikaw nga ayaw mo ng mayonnaise, e. Baka ganun din si Wons sa mga lamang dagat.”

Hindi na sumagot ulit si Mingyu at sa halip ay napa-muni-muni nang onti. 

He and Wonwoo might have been seated beside each other in the slightly cramped cafe (ni wala nga atang isang dipa ang pagitan ng mga upuan nila), but still, despite that and despite their elbows bumping and shoulders brushing occasionally because of the small distance, Mingyu knew there was a wider distance separating them--something not physical.

Magkalapit nga sila, pero malayong-malayo naman ang katayuan at pamumuhay nila sa isa’t isa.

Chapter 3

Summary:

Kung si Mingyu ay sanay sa sapat lang, si Wonwoo naman ay sanay sa sobra.

Chapter Text

Alam naman ni Mingyu na hindi mo agad makukuha sa unang pakikisalamuha ang buong katauhan ng isang tao, pero hindi rin ibig sabihin na hindi importante para sa kanya ang unang pagtatagpo nila ng isang tao—kagaya na lamang ng sa kaso niya kay Wonwoo.

Higit dalawang taon na niyang kakilala si Wonwoo pero tandang-tanda pa rin niya ang una nilang pagkikita at nakatatak pa rin sa kanya ang katotohanan na ang layo ng agwat nila sa isa’t isa.

Isang payak na pamumuhay ang kinagisnan ni Mingyu. Pangalawa siya sa tatlong anak ng isang barangay health worker at isang admin staff sa city hall. Sumasapat naman ang kita ng kanyang mga magulang para sa pantustos nila sa mga pang-araw-araw na gastos lalo na ngayong may sariling trabaho na ang kanyang ate na may anim na taon ang tanda sa kanya.

Ang ate niya na isang call center agent ang nagpapaaral kay Mingyu. Samantala, si Mingyu naman ang naka-toka na magpaaral ng kolehiyo sa kanilang bunsong kapatid na kasalukuyang nasa third year high school sa semi-private school na pinag-graduate-an rin ni Mingyu.

Dahil academic scholar ng kanilang siyudad ay may nakukuhang stipend sina Mingyu at Seungcheol kada semester na siyang ginagamit nila pandagdag sa kanilang daily allowance at pambili ng school requirements. 

Kung may isang salita na maglalarawan sa pamumuhay ni Mingyu at ng kanyang pamilya, ito ay sapat. Walang labis, pero sa kabutihang palad ay wala ring kulang.

Sanay si Mingyu sa sapat lang. Sapat na sinaing para walang masayang, sapat na bilang ng ulam para sa kanilang lima, sapat na luho kapag nakapag-ipon na. Kaya laking gulat niya talaga nang makilala si Wonwoo at ang… spending habits nito.

Hindi naman mayabang at matapobre si Wonwoo. ‘Di gaya ng ibang mga may kaya na nakasalamuha na niya ay mabait si Wonwoo at mapagbigay. Sobra pa nga minsan.

Hindi naman siya ‘yung tipo na ina-announce ang laman ng bank account o pinangangalandakan ang price tag ng mga gamit niya, sadyang mapapansin mo lang talaga na iba ang kinalakhan nito.

Kung si Mingyu ay sanay sa sapat lang, si Wonwoo naman ay sanay sa sobra.

 

Isang beses ay napagdesisyunan nilang apat na mag-merienda sa paboritong kiosk na malapit sa Maskom. To Mingyu’s surprise ay nalaman niyang mahilig kumain ng street food si Wonwoo.

Unang umorder si Mingyu ng kanyang favorite na combo na chilimansi pancit canton, isang stick ng fishball, at isang stick ng kwek-kwek na paghahatian nila ni Seungcheol.

Si Wonwoo ang sumunod sa kanya at again, hindi naman niya jinajudge ang binata, sadyang nagulat lang siya dahil kung anong ikinatipid niya sa order ay siyang ikinahayahay nang kay Wonwoo.

“Kuya, isa pong extra hot pancit canton with sunny side up egg. Tapos isa pong fishball and squid ball. May red po na C2? Pa-add na rin po. Thank you,” order ni Wonwoo na may malapad na ngiti.

“‘Di ka gutom niyan, Wons?” Panunukso ni Jeonghan sa kaibigan. Pinang-ikutan lang naman siya nito ng mata at tiyaka nagbayad ng inorder.

Isip ni Mingyu ay baka sabik lang si Wonwoo sa street food dahil saan ka nga naman makakahagilap ng naglalako ng fishball at kwek-kwek on a regular basis sa loob ng exclusive subdivision nila sa Alabang, ‘di ba?

 

Isang beses naman ay nag-aaral sa Main Library ang apat. Nasa loob sila ng discussion room dahil bukod sa pag-aaral ay may kailangan ring pag-usapan sina Mingyu, Seungcheol, at Jeonghan na org-related. Wonwoo, who was org-less and procrastinating, was silently scrolling through his phone.

“Guys, gusto niyo ng coffee? Libre ko na,” ani niya bigla kaya napatingin ang tatlo sa kanya.

“Wala ka na namang mapaglagyan ng pera mo, Wonwoo,” Seungcheol teased.

“Hay nako, Wons. Not again. Nagco-collect ka na naman ng stickers ‘no?” Jeonghan said, eyeing Wonwoo suspiciously.

“Anong stickers?” Seungcheol asked.

“‘Yung para sa planner tapos 'di naman niya gagamitin ‘yung planner,” sagot ni Jeonghan.

“‘Yung sa sikat na coffee chain?” Jeonghan nodded at Mingyu’s sudden question, while Wonwoo only smiled sheepishly.

Bahagyang napailing si Mingyu. “Nagtagumpay na naman ang kapitalismo sa inyo,” he muttered under his breath, making Seungcheol laugh.

“Last na ‘to, guys, promise! Super cute lang kasi ng planner nila this year. Merong may purple fox na may glasses sa cover,” Wonwoo reasoned out with a pout.

“You also said that last year,” Jeonghan deadpanned.

Pero tila walang narinig si Wonwoo dahil naka-order na ito ng limang baso ng kape for delivery habang nagdidiskusyon sila. Nang tanungin ng mga kasama kung bakit lima ang binili niya kahit apat lang naman sila ay napa-internal face palm na lang si Mingyu sa sagot ni Wonwoo.

“Kay Kuya guard ‘yung isa. Baka lang he’s tired na from duty.”

“Okay. Ano talaga ‘yung rason?” Jeonghan prompted.

Wonwoo laughed nervously. “Five stickers na lang pala need ko. Sinakto ko na para I can claim na rin later before I go home. Hehe.”

 

Kagaya ng marami sa kanyang mga ka-henerasyon, Wonwoo hyperfixates, and boy, does he hyperfixate. And half a year ago, ang amats ni Wonwoo ay ang Marvel Cinematic Universe (MCU). 

Nagsimula ito ‘nung napagkwentuhan nila ang tungkol sa nalalapit na “Free Comic Book Day” at ang plano nina Jeonghan at Mingyu na dumayo sa BGC para dito. Curious and bored, Wonwoo mindlessly tagged along, not knowing na uuwi siyang may urge na mag-binge watch ng buong franchise matapos maakit ng mga comics nito.

Hindi rin malaman nina Mingyu at Jeonghan kung paano nagawa ni Wonwoo, but he managed to finish all the films in a month, all while rapidly growing a collection of comic books, figures, and every merch related to MCU.

Sa kanyang pang-anim na buwan bilang isang Marvel fan (at super merch spender) ay biglang nag-release ng exclusive Funko Pop! figures ng Avengers ang isang local collectible store. Dahil nga country exclusive at for limited time only ay halos doble ang presyo nito sa regular na Pop! figures.

But did that deter Wonwoo? Sa kasamaang palad ay mas lalo pa itong na-engganyo sa thought of limited supply at isa ito sa mga collectors na pumila sa unang araw ng release. Na-interview pa nga siya on national TV dahil isa siya sa mga bumili ng kumpletong set.

“Wow! Balita namin binili mo ‘yung buong set ng Avengers. Reseller ka ba?” Tanong ng reporter sa kanya. 

“Oh no po. I’m just a casual collector and a fan of MCU. Baka kasi maubos agad ‘yung stock kaya I thought it’s better to buy them in one go,” Wonwoo answered with a bright smile on camera.

Napanood ni Mingyu ang maikling interview ni Wonwoo noong umere ito dahil nakabukas ang TV nila sa news channel habang naghahapunan.

“Grabe talaga ang mga kabataan ngayon. Gagastos nang pagkamahal para lang sa mga laruan,” sambit ng nanay ni Mingyu habang nagsasandok ng sinigang.

Normally, Mingyu would have seconded and said something about consumerism and how we’re being brainwashed into participating in the capitalist system further by marketing products that evoke nostalgia and a temporary sense of happiness, but that time, he remained silent.

Medyo na-taken aback kasi siya nang makita ang mukha ni Wonwoo on national TV. He won’t admit it now (and probably ever) pero ang tanging tumakbo lang sa isip ni Mingyu ay, Shet, parang ginawa ang muka ni Wonwoo para sa harap ng camera.

 

Pero ang pangyayaring nagsilyado talaga kay Wonwoo bilang “consumerism final boss” ay nangyari ‘nung nakaraang semestre lamang.

Naka-enroll si Wonwoo sa isang required Communication Research subject at para sa final requirement ng subject ay kailangan nilang magpasa ng baby thesis individually.

Okay naman, smooth sailing naman noong una ang final research ni Wonwoo. Bukod sa maraming resources ang napili niyang topic ay interesado talaga siya rito kaya kahit papaano ay may kaunting enjoyment siya habang ginagawa ito.

His problem, though, came in the form of his beloved laptop. His three-year-old Macbook Air—which Mingyu always side eyes kapag may study session silang apat dahil bakit kulang-kulang ang ports niyan eh ang mahal-mahal naman?

Isang linggo na lang ang natitira bago ang deadline ng final research paper ni Wonwoo sa ComRes at taimtim niyang sinusulat ang mga chapters sa Maskom Library kasama si Jeonghan nang biglang mag-blackout ang laptop niya. 

Akala niya ay na-lowbat lang ito nang di niya namamalayan pero 'nung hindi pa rin ito nag-boot up kahit nakasaksak na ang charger ay aligaga siyang nagpasama agad kay Jeonghan sa pinakamalapit na service center. 

Turns out, nabuburnout rin ang laptop. Sabi sa service center ay na-overcharge at na-overwork na raw ang pobreng device kaya natusta ang battery at ang ilan pang mga parte na sa totoo lang ay hindi maintindihan ni Wonwoo dahil ang focus niya ay nasa research paper na due in six days. 

The service center told him it would take around two weeks for his laptop to be repaired. Two weeks he didn’t have dahil tapos na ang sem by that time at dead na dead na lahat ng deadline niya sa panahon na ‘yun.

Left with no other choice, Wonwoo decided to purchase a new Macbook right there and then. Pro this time para raw hindi na hanapin ni Mingyu ang mga missing ports dito. 

“Uy, nagawa na laptop mo, Wons?” Seungcheol asked the next day nang magkita-kita silang apat sa Main Library para mag-acads.

Sandaling tumigil si Wonwoo sa pagtatype at umiling kay Seungcheol. “Not yet. Two weeks pa raw sabi sa service center.”

“Ay ganun? Buti nakahiram ka ng laptop. Dami mo pa naman deadline,” Seungcheol said, which made Jeonghan laugh out loud.

“Anong hiram? Bumili siya ng laptop agad-agad kahapon, baby,” Jeonghan said, making Wonwoo blush in embarrassment.

“You know naman na wala akong choice, Hannie,” Wonwoo said in a small voice, avoiding Mingyu’s gaze.

“At least mas marami na ports niyan kesa sa nauna mo,” Mingyu muttered while taking out his own five-year-old laptop na mas mabigat pa ata sa bagong panganak na sanggol.

Jeonghan and Seungcheol laughed while Wonwoo only groaned at Mingyu’s remark. Sanay na siya sa mga ganyang patutsada ng binata at this point.

For the past two years ay ganyan na rin kasi talaga ang naging dynamic ng relasyon nila ni Mingyu. Hindi naman sila ‘yung tipong nagbabangayan kasi nga ay hindi naman galit si Mingyu kay Wonwoo, sadyang ilag lang ito sa binata at slightly detached dahil magkaiba sila sa maraming aspeto. 

Maski nga sa mga opinyon ay madalas nagca-clash pa rin ang dalawa. All thanks to Mingyu’s desire to always debunk whatever Wonwoo says. But not angrily and violently, more like softly and mostly in passing. As if he just wants to get a reaction out of Wonwoo. As if he lowkey enjoys teasing Wonwoo.

 

Kada sem ay nagsasagawa ng Alternative Classroom Learning Experience o ACLE ang unibersidad kung saan nag-iimbita ang mga orgs ng speakers at experts para mag-discuss ng interesting topics na madalas ay hindi parte ng regular curriculum.

Isang beses ay magkakasamang umattend sina Wonwoo, Mingyu, Jeonghan, at Seungcheol ng ACLE tungkol sa veganism at ang epekto nito sa kapitalismo.

Makabuluhan ang naging talakayan sa ACLE at maraming napulot na aral ang apat mula rito. Patuloy ang diskusyon nina Seungcheol, Mingyu, at Jeonghan habang palabas ng auditorium habang si Wonwoo ay tahimik lamang na nakasunod sa likod nila.

Naputol ang pag-uusap ng tatlo nang randomly na sabihin ni Wonwoo na, “Maybe I should go vegan.”

Like clockwork, Mingyu was the first to react and snorted at Wonwoo’s statement. “Kakalatag lang sa forum kung paanong nagagamit ang veganism ng mga kapitalista para mas lalong magpayaman tapos gusto mo pang lalong ma-exploit?”

“I know! Kaya nga ako conflicted, e. Pero at the same time, kawawa kasi ‘yung animals.”

“Kaya mo maging vegan? Talaga? Kaya mong ‘di kumain ng Korean fried chicken? Kaya mong di mag-partner ng itlog sa pancit canton?” Mingyu goaded with an annoying smile.

Natigilan si Wonwoo at parang napaisip muli. “Nevermind. Magiging very responsible human being na lang ako and will donate to environmental groups. I’ll also make sure na hindi ako mag-participate sa activities that will further harm nature.”

Mingyu couldn’t help but laugh out loud at how quickly Wonwoo backtracked. Iba ka talaga, Alabang boy.

 

May mga rare moments na sapilitang naiiwan sa piling ng isa’t isa sina Mingyu at Wonwoo.

Once, they were left waiting at the Sunken Garden for Jeonghan and Seungcheol, who went to buy snacks for the four of them. At dahil nga Broadcasting major ay hindi mapigilang hindi magsimula ng small talk si Wonwoo.

“Alam mo, dream ko talaga maging broadcaster. Like ‘yung mga nag-aappear sa TV to report,” Wonwoo said out of the blue, while watching some kids play frisbee. 

“Paano kang magrereport sa TV, e, hindi ka nga makabuo ng isang Tagalog sentence?” Mingyu countered with mirth. 

“Bakit? Taglish naman mag-report ‘yung ibang journalists ha,” Wonwoo argued. “Tiyaka, may script naman. Magaling ako mag-Filipino pag may binabasa na copy.”

“E, pa’no pag may follow-up question tapos wala sa script mo?”

“I’m sure na-prepare ko ‘yun beforehand kaya nasa notes ko ‘yun,” Wonwoo insisted.

Mingyu fought the urge to smile. “E, pa’no pag pinag-cover ka sa liblib na lugar?”

“No problem! I’ll go there.”

“Pfft. Kasama mo si Kuya Kaloy?” Mingyu joked, making Wonwoo glare at him in annoyance.

“Who you ka talaga sa’kin pag natuto ako mag-commute!” ani Wonwoo kaya hindi na napigilang matawa nang malakas ni Mingyu. It's always so easy to rile you up, Alabang boy. 

 

Minsan ay nagkaroon ng ilang araw na Cold War sina Seungcheol at Jeonghan dahil hesitant pa si Seungcheol na maipakilala sa pamilya ni Jeonghan. Hindi naman outright na tumanggi si Cheol sa imbitasyon sadyang may reservations lang siya, which Han took the wrong way.

Nasa sala silang apat ng condo ni Jeonghan sa Blue Residences nang biglang tumayo ang mag-jowa at nagpaalam na “mag-uusap” lang saglit sa kwarto.

Kahit may pagduruda ay hinayaan na lamang nina Mingyu at Wonwoo ang dalawa dahil as much as nakakairita ang lambuchingan nina Jeonghan at Seungcheol ay mas nakakairita pag hindi sila nagpapansinan.

For one ay pinapaabot pa ng mga ito ang mensahe sa isa’t isa kina Wonwoo at Mingyu na para bang mga magulang na ginagamit ang mga anak kapag magkaaway.

“I hope they settle their misunderstanding na, and sana mag-agree na rin si Cheol sa request ni Hannie,” Wonwoo said as soon as the couple locked the door of Jeonghan’s bedroom.

“Nahihiya nga kasi si Cheol. Pwede naman na next time na lang mag-meet the family. Bakit kailangan na sa birthday pa ng lolo niya?” Banat naman ni Mingyu.

“Kasi nga, Hannie’s relatives will be there and gusto na rin nila ma-meet si Cheol. Hannie is a little tampo kasi na-meet na niya ‘yung family ni Cheol, and he wants to do the same.”

“‘Nung nag-meet the parents naman sila kina Cheol sa bahay lang. Tapos mama, papa, pati dalawang kapatid ni Cheol lang ang andun.”

“Sa house lang rin naman nila Hannie yung celebration, e. It’s just that a few of his relatives will be there.”

“Exactly. Pressure ‘yun sa part ni Cheol.”

“Bakit naman pressure? He’s just meeting them. It’s not like they’re getting married already,” Wonwoo argued.

“Kahit na. Pa’no pag ‘di siya nagustuhan ng mga mayayaman na kamag-anak ni Han?”

“Huh? Bakit di nila magugustuhan si Cheol? He’s smart, responsible, and he loves and cares for Hannie. That’s all that matters to Tita and Tito naman.”

“Basta. ‘Di mo mage-gets kasi siyempre crowd mo ‘yun,” Mingyu insisted.

“What does that even mean?” Wonwoo asked with furrowed eyebrows.

Sasagot pa sana si Mingyu nang biglang lumabas sa kwarto ang disheveled na Jeonghan at Seungcheol.

“Nag-aaway ba kayo?/ Are you guys fighting?” Sabay na tanong ng magkasintahan sa mga kaibigan na kapwa tensed na nakaupo sa sofa.

“Hindi/ No, we’re just having a discussion,” sabay rin na sagot nina Mingyu at Wonwoo. 

“Ang tensed niyo kasing pareho,” Seungcheol pointed out.

Jeonghan nodded. “Kaya nga. Muka kayong one second away from either punching or kissing each other.”

“Shut up, Jeonghan,” Wonwoo hissed.

“Kung ano-ano sinasabi niyo porket nag-makeout na kayo este make-up na kayo,” Mingyu cheekily replied, making Jeonghan blush and Seungcheol choke on air.

 

So really, hindi naman galit si Mingyu kay Wonwoo. Kinakausap pa rin niya ito at nakikipag-interact siya rito kapag kailangan. Sadya lang talaga na may mga pagkakataon na hindi makapaniwala si Mingyu na nag-eexist ang isang kagaya ni Wonwoo. 

Si Wonwoo na polar opposite kay Mingyu sa maraming bagay. Na parang kulay itim at puti. Na parang apoy at yelo. Na parang tubig at langis—pwedeng ilagay sa iisang lalagyan pero hindi kailanman ay magsasamang buo.

Chapter 4

Summary:

“Alabang boy back at it again.”

Chapter Text

Halfway through the semester ay inannounce ng prof nila sa Broadcast Journalism na ang final requirement para sa subject ay isang short documentary.

Bunutan ang topic pero sila ang bahalang mamili ng mga ka-grupo at swerte na lang nila dahil apat ang maximum number of members sa isang group. Si Mingyu ang bumunot ng topic para sa grupo nila at nakuha niya ang “tourism.”

Sa isang sulok ng classsroom ay naka-bilog ang upuan nina Seungcheol, Jeonghan, Mingyu, at Wonwoo na busy sa paghahanap sa kanyang laptop ng maaaring maging location nila para sa docu. 

“Pwede tayong mag-travel for this one! What if we go to Palawan?” Excited na hayag ni Wonwoo.

Napailing si Mingyu sa tabi niya samantalang natawa na lamang si Jeonghan, sanay na sa antics ng kaibigan.

“Gagi, anong Palawan, Wons? Elective lang ‘to ha,” paalala ni Seungcheol.

“But they have a strong tourism presence there,” Wonwoo pointed out.

“‘Yun na nga. Malakas na ‘yung tourism ‘dun. Dapat pumunta tayo sa lugar na hindi masyadong nabibigyan ng exposure,” Mingyu countered.

“Marami pa namang unexplored places ang Palawan. It’s not just Puerto Princesa or El Nido or Coron,” Wonwoo argued with a pout.

Mukhang ready na magsimula ng mahaba-habang argumento si Mingyu kaya naman minabuti ni Jeonghan na magsilbing divine intervention sa dalawa.

“Okay! Palawan aside, baka naman pwede tayong pumunta somewhere na hindi need sumakay ng airplane,” he offered.

“What if sa Delia?” Suhestiyon ni Seungcheol.

“Delia? ‘Yung kinekwento mong probinsiya ng best friend nina Tito at Tita?” Tanong ni Mingyu sa kaibigan.

Madalas mabanggit ni Seungcheol ang tungkol sa Delia noong high school sila. Kwento niya ay may family friend sila na nagmamay-ari ng beach resort sa malayong lugar at palagi silang iniimbitahan para magbakasyon doon.

Tumango si Seungcheol. “Malaki ang potential ng Delia as a tourist hotspot. May kalayuan lang at kailangang sadyain talaga, pero magaganda ang mga beach at mga ilog nila doon.”

Pinakita ni Seungcheol ang ilan sa mga litrato na meron siya ng Delia habang nagbibigay pahapyaw patungkol sa lugar.

Coastal area ang Delia at agrikultura ang pangunahing source of income ng mga residente. Dahil nga napapalibutan ng tubig ay sagana ito sa mga white sand beaches at flowing rivers. May mga parte rin ito na mayabong sa kakahuyan at sakahan na siyang pinagtatanim ng palay at pinya.

“How long ‘yung travel pa-Delia?” Wonwoo asked.

“Mga kalahating araw. Mabilis na ‘yung 10 hours siguro,” kaswal na sagot ni Seungcheol na siyang nagpa-awang sa bibig ng tatlo.

“Bus ang sasakyan na’tin?” Tanong naman ni Mingyu.

“Mostly bus. Isla kasi yung Delia kaya kailangan pa nating sumakay ng bangka papunta sa mismong area. Pero maikli na lang ‘yun, less than an hour boat ride na lang.”

“Wala bang airport na malapit going to Delia? Sayang din kasi, we can use some of the travel time to set up and all sana,” Wonwoo raised.

“Meron naman pero kailangan pa rin natin mag-bus for six hours galing sa pinakamalapit na airport. Hindi masyadong sulit kung lilipad tayo,” Seungcheol noted.

“Sasadyain mo pala talaga ang Delia. Kalahating araw ba naman ang biyahe,” ani Mingyu.

Tumango si Seungcheol. “Isa ‘yan sa mga matagal nang dinadaing ng mga taga-Delia. Hindi lang turismo ng lugar ang apektado dahil sa kakulangan ng efficient public transportation and lack of public works pero maging kabuhayan nila.”

The four spent the rest of the period discussing their concept paper, their possible itinerary, and all other initial arrangements they would need for the travel and the shoot itself. Walang specific timeline na inilatag ang professor nila para sa docu. Diskarte na raw nila kung paanong pagkakasyahin ang oras ng bawat grupo, basta ang importante ay mapasa nila ito sa araw ng deadline na isang buwan at kalahati ang layo.

 

Sunod na meeting ay agad nagpasa for approval ng concept paper ang apat. Hindi kasi makakausad ang docu nila nang hindi approved ng kanilang prof ang concept paper.

Hindi naman sila nahirapan sa pag-seek ng approval dahil maging ang prof nila ay hindi pa kailanman narinig ang Delia at interesado siyang malaman ang tungkol sa lugar. Plus points pa nang marinig nito ang plano ng apat na ipakita ang iba pang aspeto ng Delia bukod sa turismo, with the hopes of raising more awareness of the needs of the province.

Once their topic was approved, Wonwoo, Mingyu, Jeonghan, and Seungcheol immediately went to work. After class ay inihatid ni Kuya Kaloy ang apat sa condo ni Jeonghan.

“Gan’to pala feeling ng door-to-door delivery,” biro ni Seungcheol nang makarating sila sa lobby ng Blue.

Napagdesisyunan nilang pumunta sa Delia ngayong nalalapit na academic break. That way, walang masasagasaan na klase at mas marami silang oras para mag-edit ng docu dahil may mga interviews at footages na sila.

Walong araw ang inilaan ng grupo para sa shoot ng project, kasama na rito ang biyahe papunta at pauwi. Sa kasamaang palad (para kay Wonwoo) ay tatama sa uwian nang maraming tao ang target dates nila kaya regular air-conditioned bus na lang ang na-book ng apat.

“Wala na ‘yung VIP bus?” Mahihimigan ang kaunting pag-aalala sa tanong ni Wonwoo.

“I checked sa booking sites ng bus lines pero wala na talagang available. Nag-inquire rin si Cheol kanina over the phone, pero booked na raw sila for the said dates months ago pa,” Jeonghan answered.

“‘Di bale, Wons. May aircon at narerecline naman ‘yung seats na nakuha namin,” Seungcheol reassured.

Wonwoo nodded. “Okay. Pero baka pag pauwi may slots pa sa VIP bus. Ako na lang mag-pay. Treat ko na, parang ano, congratulatory gift for surviving this sem.”

“Alabang boy back at it again,” Mingyu muttered under his breath, making Wonwoo turn to him.

“Ayaw mo ba ‘nun? Comfy ka pauwi after days-long shoot. Lalo ikaw, ang tangkad mo. Ma-squish ‘yang legs mo for hours,” Wonwoo retorted.

“Ay wow, kay Mingyu pala siya concerned,” Seungcheol said with a smirk, while Jeonghan smiled knowingly at Mingyu, who only rolled his eyes.

“Hala! That’s not what I meant. Gusto ko siyempre lahat tayo comfy. I just pointed out Mingyu kasi siya pinakamatangkad sa’tin,” Wonwoo rambled in panic, amusing the couple further.

“Damay mo pa ko. Anong mga equipment ang dadalhin na’tin?” Agad na pag-iiba ni Mingyu sa usapan.

“Si change topic naman,” Jeonghan teased. “Pero okay na siguro ‘yung dalawang DSLR. Kami na ni Wons ang magdala ‘nung amin. Need din na’tin ng dalawang tripod. Kaso nasira ‘yung sa'kin kaya ‘di ko macocommit.”

“I can bring mine / Meron akong tripod,” sabay na sagot nina Wonwoo at Mingyu.

Isang malapad na ngiti ang muling pinakawalan nina Seungcheol at Jeonghan.

“Yieee, jinx. Sige, ‘yung tripod niyo na lang gamitin na’tin,” Jeonghan said.

Nasabihan na rin ni Seungcheol ang family friend nila na may-ari ng beach resort na siyang pagtitigilan nila during their shoot.

“Kausap ko si Tito Gian kagabi. Sobrang excited raw ni Tita Natie ‘nung narinig na bibisita tayo at pinapahanda na ‘yung dalawang kubo,” kwento ni Seungcheol.

“Oh! Sa kubo tayo matutulog?” Excited muling tanong ni Wonwoo.

Jeonghan nodded. “And by the beach raw pareho yung mga kubo. Amin na nga pala ni Cheolie ‘yung isa ‘dun.”

“Ha?!” Mingyu and Wonwoo exclaimed in unison.

“Wait, wait. Hindi tayo magkasama sa room, Hannie?” Wonwoo asked, slightly panicking.

“Pre naman,” ungot naman ni Mingyu sa kaibigan, pero nagkibit-balikat lang si Seungcheol.

“Pag matutulog lang naman tayo nasa kubo. Tiyaka dalawa naman ‘yung kama nung isang kubo. Hindi naman kayo magtatabi ni Wons,” sagot ni Seungcheol habang mapanuksong nakangiti sa kaibigan na parang sasakalin na siya anytime.

“Why not share that room with Mingyu na lang Cheol? Okay lang naman ako na katabi si Hannie in one bed,” Wonwoo protested this time.

“First out of town trip ko to with Cheolie. Give mo na ‘to sa’kin, Wons. Please?” Jeonghan pleaded with matching pout and puppy dog eyes. “Bawi ako, promise! Just let me and Cheol be roommates, and I’ll owe you one.”

“Ano namang makukuha ko sa pag-payag, aber?” Singit naman ni Mingyu.

“Si Wons!” Jeonghan teased.

“Okay, bye. Kami ni Cheol ang magkatabi.”

“‘To naman, ‘di mabiro! Kami na sasalo sa reports mo sa org next month. Please, guys? Minsan lang kami matagal na magkasama ni Cheolie outside school,” Jeonghan said, pouting even more.

“Appeal to emotion. This is manipulation,” Wonwoo said with a scoff.

“Please, Wons? Please? Please?”

With an over dramatic sigh and an eye roll, Wonwoo eventually gave in to his friend’s request. Now, the only one left was Mingyu.

“Ano, par? Gusto mo rin ba na mag-pout ako at magpa-cute sa’yo? Kasi gagawin ko talaga ‘yun,” Seungcheol warned. Mingyu immediately cringed at the imagery.

“Mahabaging langit. Oo na. Sagot mo rin lunch ko ng isang linggo.”

Seungcheol was about to protest when Mingyu cut him off. “Hindi ikaw. Si Jeonghan, siyempre. Kailangan makakuha rin ako ng perks mula sa nepo baby.”

“Hindi nga ako nepo baby!” Protesta ni Jeonghan.

“Ilaban mo ‘yan sa building sa Diliman na nakapangalan sa lolo mo.”

 

Alas-otso ng gabi ang schedule ng bus na kinuha nila papunta ng Delia. Sa integrated bus terminal na sila nagkita-kita dalawang oras bago ang dating ng bus na sasakyan nila, para may time pa sila mag-dinner. 

Naunang dumating sina Mingyu at Seungcheol na magkasabay na nag-Grab pa-terminal. Sunod na dumating si Jeonghan na nag-Grab rin dahil walang ibang maghahatid sa kanya. Si Wonwoo ang huling dumating, lulan ng kaniyang ever-familiar Grandia na minamaneho ni Kuya Kaloy.

Sinalubong siya ng tatlo sa drop-off ng terminal at laking gulat nila nang makita na ang tanging dala ni Wonwoo ay ang kanyang trusty black Herschel backpack, black na camera bag, at tripod.

As usual ay si Mingyu ang unang nagbigay ng kanyang kumento. "Akala ko may maleta ka pang dala, e.”

Pero sabi nga nila ay wag magsasalita ng tapos dahil pagkasabi niya noon ay siyang pagbaba rin ni Kuya Kaloy ng isang maliit na rose gold na maleta sa harapan nila.

“Ha? Totoo na may maleta ka? Ano bang mga dalahin mo? Isang linggo lang naman tayo ‘dun,” Sunod-sunod na ratata ni Mingyu na piniling hindi pansinin ni Wonwoo at ikinibit-balikat na lang ng binata.

 

Dalawahan ang upuan kada row sa bus kaya isang hilera sa gitna na lang ang binook ng grupo. Magkatabi sina Wonwoo at Jeonghan, samantalang magkatabi naman sina Mingyu at Seungcheol.

“Abusado ka na, Choi. Pumayag na kong iwanan mo ko sa kwarto,” sumbat ni Mingyu sa kaibigan noong namimili sila ng upuan.

Kapwang nasa window seat sina Jeonghan at Seungcheol kaya naman parang magkatabi pa rin sina Mingyu at Wonwoo na nasa aisle seats.

Hindi pa man nakakalayo ang bus ay nakatulog na agad sina Jeonghan at Seungcheol na kapwa nakasandal ang ulo sa salamin ng bintana. Mukang anytime rin ay lalamunin na ng antok si Wonwoo dahil nakatulala na ito sa kawalan habang nakasuot ng headphones at nakataas ang hood ng jacket.

Si Mingyu naman ay hinahanap pa ang antok at nanonood ng ilang episodes ng anime na dinownload niya sa kanyang phone.

Nakakadalawang episode na siya nang mapalingon sa pwesto ni Wonwoo at napansing parang nahihirapan itong matulog. May travel pillow naman ito sa leeg at bahagyang naka-recline ang upuan pero halata mong hindi pa rin kumportable sa pwesto. Miss na siguro ni Alabang boy ang king-sized bed niya.

 

Hindi alam ni Mingyu kung kelan at saang parte ng biyahe siya nakatulog pero naalimpungatan na lamang siya nang maglakad ang kunduktor sa gitna.

Nilingon niya ang katabing si Seungcheol na mahimbing na mahimbing pa rin ang tulog bago hindi sadyang napabaling ng tingin sa kinauupuan ni Wonwoo.

Saktong paglingon ay nakita niya ang biglang pagbagsak ng ulo ng binata. Dali-dali niyang sinapo ang natutulog na ulo ni Wonwoo at tiyaka dahan-dahang inihilig sa balikat ni Jeonghan.

“Kita ko ‘yun. Yieee, concerned.” Halos mapamura si Mingyu nang magsalita ang katabing si Seungcheol na nagising sa bigla niyang paggalaw. 

“Nananaginip ka lang, paps. Tulog ka pa,” ang tanging sagot niya bago naghandang bumalik sa tulog.

Pipikit na sana si Mingyu para gumawa ng tulog pero parang may sariling utak ang mga mata niya at muling sumilip sa gawi ni Wonwoo. Nakayupyop na ang binata sa may pagitan ng leeg at balikat ni Jeonghan at mukang mas maayos na ang tulog. Hay naku ka talaga, Alabang boy.

 

Nagising ang apat nang tumigil ang bus sa unang stopover matapos ang halos limang oras na biyahe. Bumaba silang lahat para mag-CR, mag-stretching, at bumili ng tubig na maiinom.

Unang nakabalik sa upuan sina Seungcheol at Mingyu. Pero bago pa man makaupo si Seungcheol sa dating pwesto ay pinigilan siya ng kaibigan.

“Tabihan mo na si Jeonghan. Ang likot mo matulog, e,” Mingyu said, all while not meeting Seungcheol’s confused gaze.

“Ha? Ilang beses na tayong nagtabi ngayon ka lang naman nagreklamo.”

Akmang sasagot si Mingyu nang dumating naman sina Wonwoo at Jeonghan sa kabilang side.

“Wons, gusto mo mag-switch tayo ng upuan? Para naka-lean ka naman sa window pag natutulog,” Jeonghan offered.

“No, no, okay lang, Han. Nakakatulog naman ako kasi may neck pillow,” Wonwoo assured his friend.

Sa kabilang dako ay pinapakinggan ni Mingyu at Seungcheol ang usapan ng dalawa. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanila bago magkaroon ng kung anong epiphany si Seungcheol.

“Ah, pota. Gets na. Kaya mo ko pinapalipat ‘no?” Seungcheol whisper-shouted accusingly at Mingyu.

Mingyu didn’t confirm nor deny anything pero nanataling derecho ang tingin nito at hindi tinitignan sa mata ang kaibigan.

“Sabi ko na ‘di ako nananaginip kanina, e. Yieee,” Seungcheol teased, clearly amused at his friend.

“Mananahimik ka o ipapalipat kita ng bus?”

Natawa na lang nang malakas si Seungcheol sa mahinang banat ng kaibigan. “Sus. Sige na, ito na, lilipat na ko ng upuan. Kung sinabi mo lang agad, e ‘di sana areglado na tayo kanina pa.”

Hindi na hinayaan pang makasagot ni Seungcheol ang kaibigan at agad kinuha ang backpack at travel pillow niya.

“Wons, palit na lang tayo ng upuan. Nakatulog naman na ko kanina,” Seungcheol said.

“Hala. Hindi na, Cheol. I’m fine talaga, promise,” Wonwoo said. He subtly side-eyed Mingyu, who was still staring straight ahead and acting as if he didn’t have a care in the world.

“Luh. Feeling nonchalant siya bigla, o,” Seungcheol muttered, making Mingyu glare at him. “Oks lang, Wons. Pumayag na rin si Gyu. Namimiss ko na kasi ang baby ko.”

Wonwoo bit his lips in contemplation, at nang walang marinig na kahit anong protesta mula kay Mingyu ay pumayag na rin itong lumipat ng upuan.

“Thanks, Cheol,” ani Wonwoo nang makaupo na sa tabi ni Mingyu. “Thanks also, Gyu,” he added shyly.

Mingyu only shrugged before putting in his earphones and closing his eyes.

“Baliw amputa,” Mingyu heard Seungcheol mutter, which Mingyu once again conveniently ignored.

Kasalanan mo 'to, Alabang boy.

Chapter 5

Summary:

Hindi ka iginapang ng mga magulang mo para mag-give in lang sa sheltered kid. Kahit na cute ito, okay?

Notes:

nais ko lang magpasalamat dahil wdym over 1.7k hits na ‘to? marami-rami pa ang pagdadaanan ng ating tropahan, sana kayanin (ko) chz tenkyu, tenkyu!

Chapter Text

Hindi nagpapaka-OA lang si Seungcheol ‘nung sinabi niyang kailangan maglaan ng at least kalahating araw papunta ng Delia.

Pagkababa ng bus ay kailangan pa nilang sumakay ng tricycle papunta sa port kung saan dumadaong ang bangka na magdadala sa kanila sa Delia.

Mukhang nag-alsa balutan ang grupo sa dami ng bitbit nilang bagahe, lalong lalo na si Wonwoo na hindi magkandamayaw sa dalang maleta, camera bag, tripod, at backpack na may nakasabit pang maliit na version ng pinakamamahal niyang Hydroflask.

Patanghali na ang biyahe nila kaya kitang-kita ang mga butil ng pawis sa noo at leeg ni Wonwoo. Mukang hinahapo na rin ito dahil sa dami ng bitbit.

“Kaya pa, Wons? Gusto mo ng tulong?” Tanong ni Seungcheol pero umiling lang si Wonwoo.

“It’s okay, Cheol. Ang dami mo ring dala, e.”

Bitbit kasi ni Seungcheol ang mas malaking camera bag ni Jeonghan habang may backpack sa likod at may nakasabit na duffel bag sa isang balikat.

“Dapat kasi ‘di ka na nagdala ng maleta,” biglang sabi ni Mingyu na ina-adjust ang pagkakasukbit ng dalang duffel bag at tripod.

Jeonghan tsked. “Mingyu naman, imbis na tulungan, e. Give me your camera bag, Wons. Isang bag lang naman dala ko.”

Wonwoo reluctantly handed over the bag to his friend. “Thank you, Hannie. Sorry, I’m such an overpacker.”

“What are you saying sorry for? Hayaan mo nga ‘yang si Mingyu. Gusto lang niyan inisin ka na naman,” Jeonghan said.

“Aawayin na naman niya na parang ‘di siya concerned kanina sa bus,” buyo ni Seungcheol sa kaibigan kaya naman siniko siya nito.

“Halika na. Hanap na tayo ng trike,” ani Mingyu sabay lakad sa terminal ng tricycle.

 

Pagkalagay ng mga bagahe sa likuran ng tricycle ay nauna nang pumasok sa loob si Jeonghan.

“Cheol, gusto mo ba tabihan si Hannie sa loob?” Wonwoo offered.

“Ah, marun—”

“Kami na ni Cheol dito sa likod. For sure, hindi ka naman marunong umangkas,” putol ni Mingyu kay Seungcheol.

Napakunot nang bahagya ang noo ni Mingyu nang mag-pout si Wonwoo. “Gusto ko nga sana ma-try. Kahit now lang.”

“Sure, Wons. Basta kapit ka lan—” Pero muling pinutol ni Mingyu ang sasabihin ni Seungcheol.

“Hindi na. Sa loob ka na umupo. Baka mamaya niyan tumilapon ka pa sa daan.”

Not one to back down, Wonwoo pouted harder and even tried to give Mingyu his best pleading look.

Mingyu pursed his lips and found himself considering Wonwoo’s request before snapping out of it.

Hindi ka iginapang ng mga magulang mo para mag-give in lang sa sheltered kid. Kahit na cute ito, okay?

“Next time na lang. Sa susunod na sakay na’tin ng tricyle, sasamahan pa kita.”

Biglang napangiti nang malawak si Wonwoo sa narinig. “Talaga? Sabi mo ‘yan, Gyu ha! Tabi tayo diyan sa likod sa next tricycle ride.”

Mingyu rolled his eyes. “Oo na. Sumakay ka na para makaalis na tayo.”

Sa pag-upo ni Mingyu sa tabi ni Seungcheol ay isang nakakagagong ngisi ang pinataw sa kanya ng kaibigan.

“Ano na naman? Tanga, mukha kang aso.”

“‘Yan ba character mo ngayon, pre? Tsundere ka?” Seungcheol teased, undeterred by Mingyu’s glare.

“‘Ngina mo. Ikaw ang ihulog ko dito sa daan, e.”

“Alam mo, ‘di na uso ‘yang mga tsundere tsundere na ‘yan. Baguhin mo naman style mo.”

“Alam mo, kanina ka pa. Tantanan mo nga ako. Sana mapaso ka ng tambutso.”

Seungcheol only laughed at his friend’s scowling face as the tricycle sped further away.

 

Sa fish port kung saan dumadaong ang bangka papunta sa isla ng Delia sila kinita ni Gian—matalik na kaibigan ng mga magulang ni Seungcheol at may-ari ng resort na pagtutuluyan nila.

“Tito Gian, boyfriend ko po. Si Jeonghan,” pakilala ni Seungcheol matapos nila magmanong apat.

“Aba! Ang gandang lalaki nito, Seungcheol. Sigurado kang ‘di mo ‘to ginayuma?” Pabirong banat nito.

“‘Ku, tito. Parang ako pa nga ang nagayuma niyan,” sagot naman ni Seungcheol kaya hinampas siya ni Jeonghan.

Tumawa lang si Seungcheol at tiyaka ipinakilala ang dalawa pang kasama. “Ito naman po si Mingyu at Wonwoo, mga kaibigan namin at kaklase.”

“A, mag-shota rin silang dalawa?” Mingyu sputtered, while Wonwoo’s eyes widened at the sudden question.

“N-no po! Classmates lang po kami,” agad na bawi ni Wonwoo na parang namumula ang pisngi. Gosh, sobrang init talaga sa Pilipinas, isip ni Wonwoo at tiyaka nagpaypay gamit ang kamay.

“Ganyan rin kami nagsimula ng asawa ko, e,” Gian insisted, much to Mingyu and Wonwoo’s horror.

“Hindi po talaga, tito. Magkak—” Mingyu tried but was cut off by Gian’s dismissive wave. Jeonghan and Seungcheol laughed.

“Wag ka na mag-explain, nak. Siya, mag-antay muna kayo sa gilid. Kakaalis lang kasi ng bangka, pero pabalik naman na ‘yung nauna ‘dun.”

Napakunot ang noo ni Mingyu sa narinig. “Dalawa lang po ‘yung bangka pa-Delia?” Tanong niya.

“Oo, buti nga at nadagdagan na. Kung hindi pa nag-eleksyon ay ilang taon na naman kaming magkakasya sa iisang bangka. Naku, napakahirap kapag may emergency tapos hindi makasakay agad.

“Ay, teka. Maiwan ko muna kayo at bibilhin ko lang ‘yung mga gulay na binilin sa’kin ni Natie,” sabi ni Gian bago umalis papunta sa mga gulayan.

Saglit na napatahimik ang grupo, iisa ang tinatakbo ng isip. Ano’ng ginagawa ng mga nasa pwesto para sa mga taga-Delia?

 

Matapos ang halos bente minutos ay natanaw na rin nila na pabalik ang isang bangka. Naghahanda na sila para makasakay agad pagkadaong nito nang mapansin na wala na si Wonwoo sa tabi nila.

“Hindi pa man tayo nakakarating sa Delia, naligaw na agad tropa mo, Han?” Tanong ni Mingyu habang iniikot ng tingin ang port.

“You say that pero literal na humahaba leeg mo para hanapin siya,” Jeonghan said with an eyeroll.

Seungcheol laughed. “In game kasi siya sa pagpapanggap na cold and mysterious, baby.”

“So baduy, Gyu.”

Pero parang walang narinig si Mingyu dahil tumayo lang ito at naglakad papunta sa direksyon ng fish market na nasa gitna ng port.

Andun si Wonwoo hawak ang kanyang camera habang may kausap na isang nagtitinda ng isda. Nag-iinterview na agad? Napaka-dedicated naman nitong si Alabang boy.

Tumigil si Mingyu ilang hakbang mula sa kinatatayuan ni Wonwoo. Hindi siya nito napansin dahil nakatalikod ito sa kanya at busy itong makipag-usap sa isang matandang babae.

“Matagal na po kayong nagbebenta ng isda, nanay?” Tanong ni Wonwoo sa ale na nagbebenta ng iba’t ibang isda.

“Naku, ito na ang nakagisnan kong kabuhayan. Ito lang rin kasi ang alam kong gawin,” narinig niyang sagot sa binata.

“Hindi niyo pa lang po siguro nadidiscover. Narinig ko nga po kayo kumanta kanina. Malay niyo po, ‘di ba?”

“Ay, nakakahiya talaga! Nakuhanan mo pa ‘yun sa kamera.”

“Ba’t naman po kayo mahihiya? Ang ganda-ganda po ng boses niyo.”

Ayaw pa sana putulin ni Mingyu ang usapan ng dalawa pero paparating na ang bangka at medyo nagmumuka na siyang weirdo na pinapanood ang binata at ang ale sa malayuan.

Malumanay na tinapik ni Mingyu ang balikat ni Wonwoo para sana hindi ito magitla pero napatalon pa rin ito nang kaunti sa gulat.

“Sorry. Ano… paparating na raw kasi ‘yung bangka. Hinahanap ka na nila.”

“Ay, sorry. Wait, bayaran ko lang ‘yung mga binili ko,” sagot ni Wonwoo at tiyaka madaling hinugot ang wallet sa bulsa.

“Anong binili mo?”

“Uh… fishes… I think,” unsure na sagot ni Wonwoo habang nakuha ng pera sa loob ng wallet.

Napatawa nang kaunti si Mingyu. “‘Di mo alam ang tawag pero binili mo?”

“E, sabi ni nanay masarap raw mga huli ng asawa at anak niya.”

“Garantisado yan, pogi!” Nakangiting sambit ng matandang babae sabay abot ng dalawang plastik na pinamili ni Wonwoo kay Mingyu.

Pagsilip sa loob ng mga plastik ay nasulyapan ni Mingyu ang ilang pirasong bangus at galunggong.

“Thank you po, nanay. Perfect po ‘to sa lunch namin. Ito po, wag niyo na po ibalik ‘yung change,” sabi ni Wonwoo at tiyaka nag-abot ng malutong na isang libo na ikinagulat ng matanda.

“Ha? Wala pang limang daan ‘yang pinamili mo. Sandali at susuklian kita.”

“Wag na po, nay. Okay lang po. Thank you po at sa maganda niyong boses kanina.”

“Bolero kang bata ka. Salamat, iho. Pati rito, idadagdag ko sa baon ng apo ko,” may ngiting sambit ng ale kay Wonwoo.

Wonwoo nodded happily before turning to Mingyu. “Let’s go. Jeonghan is waving at us na rin.”

Slightly stunned from what he witnessed, Mingyu couldn’t do anything but follow Wonwoo to the boat. With the only thought in his mind being, Lunch raw? E, hindi nga siya nakain ng isda?

 

Pagbaba nila ng bangka ay sinalubong ang grupo ni Tata, isa sa mga anak nina Gian at Natie na siyang kababata ni Seungcheol. Siya ang pangalawa sa apat na anak ng mag-asawa.

Lulan si Tata ng isang hauler. Dinala raw kasi ng panganay na anak nina Gian at Natie na si Mark ang sasakyan nilang pickup pa-Maynila kaya hauler muna ang sasakyan nilang apat papunta sa resort.

“Hindi kasi kayo kasya sa tricycle. Malapit na lang naman ang pa-resort,” ani Gian.

Habang kinakarga nina Mingyu at Seungcheol ang kanilang gamit sa hauler ay nakatitig lang sina Wonwoo at Jeonghan sa sasakyan.

It’s a motorized hauler, usually used in carrying goods for delivery, pero wala itong bubong at may dalawang tablang kahoy na nakapatong sa ibabaw para maging makeshift na upuan.

Saglit na nagkatinginan sina Wonwoo at Jeonghan. Ayaw naman nilang maging rude, pero parehas silang walang ideya kung paano sasakyan ang hauler.

“Sige, ako na muna ang sasakay,” sabi ni Seungcheol nang mapagkasya na nila lahat ng mga dalahin sa medyo likod na parte ng hauler.

Mariing pinanood nina Wonwoo at Jeonghan kung paanong walang kakeme-kemeng dumukwang papasok si Seungcheol at umupo sa likuran na tabla.

“Han, sakay ka na. Alalayan kita.” Mingyu offered his hand to assist Jeonghan in climbing inside.

Much to his delight and relief ay sumakses naman si Jeonghan sa pagsakay at umupo sa tabi ng nobyo. Then, it was Wonwoo’s turn.

“Akin na muna ‘yang camera bag at backpack mo, Wons, para ‘di ka mahirapan sumakay,” Jeonghan said.

Agad namang inabot ni Wonwoo ang mga bag sa kaibigan. Tanging camera na lang na nakasukbit sa leeg ang naiwan sa kanya. Muling inilahad ni Mingyu ang kamay para alalayan sa pagsakay si Wonwoo.

“‘Yung camera mo baka mapatuktok. Alalayan mo sa ilalim,” paalala ni Mingyu sa binata.

Wonwoo began to climb inside the hauler, one hand cradling his camera by the lens, while his other hand was held firmly by Mingyu.

Una niyang idinukwang ang kaliwang paa at muntik nang mapasubsob dahil hindi niya napansin na may butas na bahagi pala ang sahig ng hauler.

Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit ni Mingyu sa kanyang kamay. “Oh, ingat. Nakasalamin ka na, hindi mo pa rin napansin ‘yung butas?”

Wonwoo felt his heartbeat quicken dahil akala niya ay susubsob na siya kanina.

“Thanks,” bulong niya kay Mingyu pagkaupo sa harap na tablang kahoy.

‘Di naman sumagot si Mingyu at pumasok na lang sa hauler. Wala na siyang ibang pupwestuhan kundi sa tabi ni Wonwoo.

Rinig na rinig ni Mingyu ang paghagikgik ni Jeonghan at ang sunod-sunod na pag-ubo ni Seungcheol sa likuran bago umandar ang hauler.

 

Isang malawak na ngiti mula kay Natie ang sumalubong sa grupo pagkarating nila sa beach resort. Sa tabi niya ay ang pitong taong gulang na bunso nilang anak na si Clara. Matapos magpakilanlan at magkayakapan ay tinour sila ng mag-asawa sa malawak na resort.

Bukod sa dalawang kubo na malapit sa beach ay may dalawang two-story house rin na nasa property. Isa ay bahay ng pamilya, ang isa ay may anim na kwarto na dating pinaparentahan ng mag-asawa. Modern ang design nito pero halata mong hindi na nalalagakan at name-maintain pa.

“Napakadalang na kasi ng mga turista lalo ‘nung nakaraang taon. Kaya ang sabi ko kay Gian ay isara na muna namin ‘yung reservations dahil lugi kami,” paliwanag ni Natie.

“Bakit po humina ang mga tourist sa Delia?” Tanong ni Jeonghan.

“Pangunahing concern talaga nila ‘yung travel time. Kita niyo naman, kalahating araw ang biyahe niyo bago makapunta sa’min,” panimula ni Natie.

“Medyo mahirap rin mag-ikot sa Delia. Masusukal pa ang marami sa mga daan tapos ‘yung ngingilan naman na napatag ng gobyerno ay kadidilim paglubog ng araw dahil walang mga street light,” dugtong nito.

“E, ang gaganda po ng mga tanawin dito, tita. Kung may maayos lang sana na mga daan at transportasyon, may chance na mas umusbong ang tourism,” Seungcheol said as a matter of fact.

“Ang tagal na nga naming ine-explain ‘yan sa LGU. Nakipag-dialogue pa kami dati sa city hall pero hanggang ngayon wala pa ring pagbabago.”

“Pa’no nauna pang mapatag ang mga lupain ni mayor kaysa sa mga daanan dito sa Delia,” may iling na sabi ni Gian.

“Kaya ayun, ang daming resort owners ang nagsara na rin nitong mga nakaraang taon. Maliban sa inyong apat, e, mga kaibigan na lang nina Mark at Tata ang nagpupunta rito,” ani Natie.

Nagpatuloy ang grupo sa pag-ikot ng property nina Gian at Natie. Nalaman nila na matagal na pinag-ipunan ng mag-asawa ang lupain noong mga OFWs pa sila, halos lahat nga raw ng savings nila ay napunta rito.

Nakabawi-bawi naman sila noong kalakasan ng mga turista sa Delia, pero hindi ito na-sustain dahil na rin sa kawalang suporta ng gobyerno sa pag-promote at pagpapayabong ng lugar.

Dinala rin ng mag-asawa ang apat sa kanilang maliit na taniman kung saan may iba’t ibang mga gulay, herbs, at spices ang nakatanim na siyang additional source of income ng pamilya.

Natapos ang kanilang mini tour sa medyo malaking kubo sa gitna ng resort kung saan nakahain ang kanilang pananghalian at biglang naalala ni Wonwoo ang binili mula sa fish market kanina.

“May dala po pala kaming kaunting mga fish galing sa port kanina,” Wonwoo told Gian.

“Salamat, Wonwoo. Nag-abala pa kayo. I-abot mo mamaya kay Tata para maipaluto na’tin.”

“Siya ay kumain muna kayo at kwentuhan niyo pa nga ako sa balak niyong gawing docu. Pagkagulo naman kasi mag-explain nitong si Gian,” sabi ni Natie at tiyaka sila iginiya papasok sa malaking kubo.

 

Over lunch ay ipinaliwanag ng apat ang nais nilang landasin sa docu. Napag-usapan rin nila ang buhay kolehiyo. Curious rin sina Gian at Natie tungkol kina Wonwoo, Mingyu, at Jeonghan kaya napag-kwentuhan rin nang kaunti ang mga pami-pamilya nila.

“Hindi naman sa biased ako, Jeonghan, ha. Pero ‘di ka na rin lugi dito kay Cheolito.”

“Tita Natie naman,” Seungcheol grumbled, pero parang wala itong narinig at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

“Mabait ‘yan, matalino, pogi pa, at tiyaka pinalaking mabuti nina BFF,” Natie said, referring to Seungcheol’s mom, her best friend. “Nakilala ka na ba nila?”

Tumango si Jeonghan. “Yes po. Kasama po ako isang beses sa family lunch nila.”

“Mabuti kung ganun! Ibig sabihin ay seryoso talaga sayo ‘tong si Seungcheol.”

“Aba, siyempre naman, tita. Mana kaya ako dito kay Tito Gi,” proud na sabi ni Seungcheol with matching malawak na ngiti.

Pinang-ikutan naman siya ng mata ni Natie. “‘Ku! Wag mo pagmanahan ‘yan. Palikero ‘yan ‘nung kabataan.”

“Mahal naman,” protesta ni Gian, pero hindi rin siya pinansin ni Natie. Bagkus ay itinuon nito ang pansin kay Mingyu na tahimik na kumakain ng pakwan.

“E, kayo ba, Mingyu? Ga’no na kayo katagal nitong si Wonwoo?”

Naramdaman ni Mingyu ang pagderecho ng buto ng pakwan sa kanyang lalamunan sing-direcho ng tanong sa kanya ni Natie. Malakas na napatawa sina Jeonghan, Seungcheol, at Gian, samantalang nanlaki ang mata ni Wonwoo sa gilid.

“Mahal, hindi raw sila mag-shota,” Gian answered for Mingyu na parang hindi pa nakakarecover.

Bahagyang napakunot ang noo ni Natie sa sagot ng asawa. “Ha? E, akala ko ay sila rin kasi pumayag sila na magsama sa iisang kwarto. Nilagyan ko pa man rin ng rose petals at swan na towel ‘yung kama nilang dalawa.”

Lalong lumakas ang tawa nina Jeonghan at Seungcheol. Si Wonwoo naman ay nais nang magpalubog sa buhangin sa kahihiyan.

Mingyu seemed to have finally found his voice and tried to saved himself. “H-hindi po, tita. A-ano… Nakiusap po kasi si Cheol na magkasama sila ni Jeonghan sa kwarto.”

“Ganyan talaga ang mga kabataan ngayon, mahal. Open minded na kasi sila. Hayaan mo na at hindi na tuloy malunok ni Mingyu ang pakwan, o,” singit naman ni Gian.

“Ah. Siguro kaparehas sila ‘nung isang kaibigan ni Mark. ‘Yung umiyak dito ‘nung nakaraan. Ano nga ang tawag ‘dun? ‘Yung hindi sila pero naglalambuchingan?”

Muling napuno ng tawa ang kubo lalo na nang sabay na mapaiwas ng tingin sina Wonwoo at Mingyu at napalagok ng isang baso ng tubig. Yari ka talaga sa’kin, Seungcheol Choi, isip ni Mingyu.

 

The group spent the rest of their afternoon exploring the resort and capturing B-rolls whenever they see something interesting. Gamit nina Mingyu at Wonwoo ang dalawang camera, samantalang sa kanya-kanyang cellphone muna kumuha sina Seungcheol at Jeonghan.

Naabutan rin nila ang magandang sunset habang nagmimeryenda sa tabi ng dagat. Pagkatapos maghapunan ay napagdesisyunan nila na mag-early lights out dahil hindi pa sila nakakabawi ng tulog mula sa biyahe.

True to her words, naglagay nga talaga ng rose petals at swan-folded towels si Natie sa mga kama nina Mingyu at Wonwoo. Parehas silang napatitig sa mga ito pagkapasok ng kwarto, but both decided it was best not to comment on them.

“Aling kama ang gusto mo, Wonwoo?” Tanong ni Mingyu habang nagsasalansan ng gamit.

“I’m good with anything. May preference ka ba?” Balik na tanong ni Wonwoo na nagbubukas na rin ng maleta.

Mingyu shrugged kahit na hindi naman siya nakikita ng binata. “Kahit saan, basta may kama.”

“Oh, okay. Sige, ako na lang sa tabi ng window. Para mas rinig ko ‘yung tunog ng waves. It would help me sleep faster.”

Mingyu nodded. “Okay. Mauna ka na mag-shower. I-dump ko na muna ‘tong mga clips na nakuha na’tin ngayon para ‘di mabigat sa memory card.”

“Sorry, okay lang pa-transfer na rin ‘yung mga nasa SD ko? Save mo na lang sa hard drive ko pati ‘yung sa’yo. Wala pa naman ‘yang laman,” Wonwoo said, handing over his hard drive to Mingyu.

 

Habang nasa shower si Wonwoo ay nagsimula nang maglipat ng mga files si Mingyu. Dito ay napansin niya na halos puro tao ang B-rolls na kinuhanan ni Wonwoo.

Nakita pa niya ang nakangiting thumbnail ng matandang babae na nagtitinda ng isda sa may port. Meron ring kuha ng isang grupo ng mga kalalakihan na nagkekwentuhan, mga batang masayang naglalaro ng jolen, at dalawang taong magkaholding hands. Sobrang people-centric ng mga kuha ni Wonwoo kahit na pang inserts lang. Sinong mag-aakala na people watcher pala si Alabang boy?

 

Paglabas ng shower ay naabutan ni Wonwoo si Mingyu na prenteng nakahiga sa kama habang nags’scroll sa phone. 

“You can take a shower na, Gyu,” Wonwoo called out softly, while drying his hair with a towel.

“Dinelete ko na pala ‘yung files sa SD mo tapos pinatong ko sa kama mo ‘yung hard drive,” ani Mingyu habang paupo sa kama. 

‘Nung makapasok na sa banyo si Mingyu para mag-shower ay tiyaka lang napansin ni Wonwoo ang kulambo na nakasabit sa paligid ng kama ng binata.

Laking gulat niya nang makitang isinabit na rin pala nito ang kulambo niya. Naka-on na rin ang insect catcher sa may paanan ng kama niya. Wonwoo couldn’t help but smile at Mingyu’s quiet but thoughtful gesture. 

"Thanks, Gyu," Wonwoo muttered under his breath before preparing himself for bed. 

Chapter 6

Summary:

“E, mas mainit pa sa tirik na araw ang tinginan mo.”

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

Kinabukasan ay maagang nagising sina Wonwoo, Mingyu, Jeonghan, at Seungcheol. Maaga rin silang kumain ng almusal dahil dadalhin sila nina Gian at Natie sa isa sa mga ilog na malapit sa resort.

Maganda raw kasi kung maipapakita nila sa documentary na hindi lang white sand beach ang meron sa Delia kundi malilinis na mga ilog rin.

Inanyayahan rin ang grupo ng mag-asawang kaibigan nina Gian at Natie na doon na lang sa bahay nila na nasa may ilog kumain ng pananghalian. Naghanda raw kasi ang mga ito ng simpleng salu-salo para lubos na ma-welcome sa Delia ang apat.

Lulan muli ang apat ng hauler pero si Gian na ang nagmamaneho habang angkas nito si Natie.

Kumpara kahapon ay mas alam na nina Jeonghan at Wonwoo ang pagsakay pero inalalayan pa rin naman sila ni Mingyu pagpasok. Magkatabi sina Jeonghan at Wonwoo sa harap, samantalang nasa likuran nila sina Seungcheol at Mingyu.

Sabi ng mag-asawa ay mabilis lang raw ang biyahe papunta ng ilog sadyang matagtag at baku-bako lamang ang daan. True enough ay para silang winawasiwas sa rollercoaster dahil hindi lahat ng daan sa Delia ay napatag ng aspalto.

Hindi alam ni Mingyu kung ano ang sumapi sa kanya (he blamed it on the heat) pero sa tuwing may dadaanan na lubak o kaya ay may tatalsik na putik sa loob ng hauler ay napapatingin siya sa gawi ni Wonwoo.

Admittedly, he was looking for a negative reaction from the latter. Mingyu was waiting for Wonwoo to complain about the uneven roads, the bumpy ride, and the sun that was starting to rise, but he got none of them.

Instead, ang nakuha niya ay isang Wonwoo na masayang nakikipagkwentuhan kay Jeonghan habang nagtuturo ng mga farm animals na nakakasalubong sa daan at isang Wonwoo na occasionally ay kumukuha ng videos sa kanyang phone kapag nagkakalakas ng loob na bumitaw sa mahigpit na pagkakahawak nito sa hauler.

“Matunaw naman ‘yan, idol.” Nagitla si Mingyu at agad na napalihis ng tingin nang biglang bumulong ang katabi.

“E, mas mainit pa sa tirik na araw ang tinginan mo,” pang-aasar pa ni Seungcheol at tiyaka siya inakbayan.

Mariin niyang tinabig ang pagkakaakbay nito sa kanya. “Pakyu, Seungcheol. Trip mo ko? Kahapon ka pa, a.”

“Kahapon ka pa rin kasi, pre. Akala ko ba ‘di mo type?”

“Hindi nga.”

“Kaya pala. Hirap niyan, pa’no pa pag type mo na? Baka ibalot mo na ‘yan sa bubble wrap para ‘di madanggi man lang.”

Mingyu could only roll his eyes and scoff at his friend’s ridiculousness. He chose to not indulge him further. After all, there is no winning ‘pag kasing baliw ni Seungcheol ang kausap mo.

 

Hindi maikakailang tubong lungsod ang apat nang makarating sa ilog dahil manghang-mangha sila sa malinis at klarong daloy ng tubig nito. Dagdag pa sa pagkamangha nila nang makita na may mga naglalaba sa ibang parte ng ilog habang may mga pamilyang masayang nagtatampisaw sa kabilang dako.

Parang nagningning naman ang mata ni Wonwoo at agad na kinuha ang camera para kumuha ng mga B-rolls na siyempre ay people-focused pa rin.

“‘Yung kubo pala nila Danny ay nasa itaas na parte pa. Okay lang ba sa inyong maglakad at mag-hike nang kaunti?”

Tumango naman ang apat sa tanong ni Natie. Bilang mga iskolar ng bayan ay hindi lang sila sa pagpila magaling, pero lalo’t higit sa paglalakad.

“Lakad lang pala, tita. Walang problema,” mayabang na sambit ni Seungcheol habang pabirong nag-flex ng braso at hita.

“Sanay na sanay po kami maglakad sa Diliman,” natatawang sagot naman ni Jeonghan.

“Nagmamartsa pa nga po pa-Mendiola,” dugtong ni Mingyu bago nadako ang tingin kay Wonwoo. “Ay, si Alabang boy po hindi sanay. Hatid-sundo po ‘yan, e. Ano? Kaya mo ba raw gumamit ng hita at paa?”

Wonwoo groaned at Mingyu’s jab and nickname for him. “I told you to stop calling me Alabang boy.”

“Bakit? Talaga namang boy ka na nakatira sa Alabang, ‘di ba?”

“Whatever. Pero to answer your question, oo kaya ko. Walking for fitness kaya P.E. ko last sem,” may pagmamalaking sagot ni Wonwoo habang nakangiti nang malawak kay Mingyu.

Napakurap si Mingyu, clearly not expecting Wonwoo’s answer (and blinding smile). After a beat, he asked, “Weh, sure ka? Baka mamaya niyan umeksena ka pa at kami pa ang maa—”

“Kaya nga raw ni Wons, Gyu. Bodyguard ka ba niya, ha?” Jeonghan said, effectively cutting off Mingyu’s impending rant.

Pabirong pumalatak si Seungcheol. “Nakakalimutan mo na naman ang character mo, boi.”

“Bahala nga kayo diyan. Kayo sumalo diyan pag nadapa ‘yan ha,” ani Mingyu na siyang nagpatawa nang malakas sa mga kasama.

 

Much to everyone’s delight at wala namang nadapa at nadulas. Hiningal lang at pinagpawisan pero nakarating naman silang lahat nang matiwasay sa mas mataas na parte ng ilog.

Mas malawak na ang lupa sa bandang ito at mas patag na pero mas maputik rin. May ilang mga kubo ang nakatayo rito, kasama na ang kubo na pagmamay-ari ng mag-asawang kaibigan nina Gian at Natie.

Napapalibutan rin ng mga puno at talahib ang paligid, at may maliit pang sakahan sa gilid.

Sa harap naman ng kubo ay may mahabang lamesa na gawa sa kawayan kung saan may nakahandang simpleng boodle fight. Sa ibabaw ng dahon ng saging ay nakahain ang gabundok na kanin, iba’t ibang klase ng gulay, at ilang piraso ng itlog na pulang hinati na sa gitna.

Sinalubong sila ng mag-asawa na nagpakilalang Mercy at Danny.

“Pasensiya na kayo at simpleng pananghalian lang ang naihanda namin,” ani Dani sa apat.

“Naku, mukhang mga anak mayaman pa naman itong mga bisita na’tin. Sandali at magpapahabol ako ng karne. Baka hindi kayo nakain ng mga ganito.”

Akmang aalis na sana si Mercy pero agad siyang pinigilan ni Mingyu. “Wag na po, Aling Mercy. Sobra-sobra na nga po ‘tong hinanda niyo, e,” he said, to which the three agreed to.

“Pasensiya na ha. Medyo mahina kasi ang saka ngayong linggo kaya ‘di kami nakabili kahit manok man lang,” muling paumanhin ni Danny.

“Hindi niyo na nga po kailangang mag-abala pa, e. Thank you po dito, Mang Danny at Aling Mercy,” Wonwoo sincerely said.

“Ano bang salamat. Siyempre, ‘pag may bisita, dapat maligayang salubungin. ‘Di bale, bumalik kayo dito sa susunod na araw at ipag-iihaw namin kayo ng bangus. Dating kasi ‘yun ng nabili ng mga pananim namin,” nakangiting sambit ni Mercy.

 

Habang magiliw na kumakain at nagkekwentuhan ang grupo ay napabaling ang tingin ni Mingyu kay Jeonghan. Nakakamay kasi silang kumakain at naalala niya ‘yung time na tinuruan niya si Jeonghan magkamay.

Kakasali lang ni Jeonghan sa org nila at umattend ito ng kauna-unahan niyang lakbayan. Sakto pa na sa pagsama niya ay culmination night na kaya may pa-boodle fight para ipagdiwang ang lakbayan at pasalamatan ang lahat ng mga naging kasama sa halos isang linggong protesta at pagtitipon.

That time, Jeonghan was awkwardly picking on his food using his fingers. He was trying his best to eat quietly and to not catch the attention of others—much like what Wonwoo was currently doing.

As expected ay hindi sanay kumain nang naka-kamay si Wonwoo at pigil tawa si Mingyu sa attempt nito. Para kasing ginagawang rice ball ni Wonwoo ang kanin at ulam bago ito isubo.

"Iho, gusto mo ba ng kutsara? Baka nahihirapan ka kumain," ani Mercy na napansin na rin pala si Wonwoo.

"Hala, hindi na po! Nakakakain naman po ako," nahihiyang sabi ni Wonwoo and even made a show of taking a bite, only for the whole thing to drop on the leaf.

Hindi naman napigilang mapatawa ng mga kasama at how adorable Wonwoo was being.

"Sorry po. Marunong po talaga ako magkamay... uhh... hindi ko lang po siya napapractice.”

Mingyu shook his head at Wonwoo. "Gan’to kasi," sabi niya bago nag-demo sa binata.

"'Yung thumb kasi ang gamitin mo para ma-push 'yung pagkain paloob,” malumanay na paliwanag ni Mingyu kay Wonwoo.

Muling inattempt ni Wonwoo ang pagkain, this time using Mingyu's teachings, and successfully ate the whole bite. Halos mapatalon si Wonwoo sa galak na akala mo ay nanalo sa lotto.

"OMG! You were teaching me wrong pala kasi Hannie. Thanks, Gyu!"

"Baliw ka? Si Gyu rin nagturo sa’kin. Paka-biased nito," Jeonghan said with an eyeroll.

Napailing na lang muli si Mingyu. "Alabang boy talaga," he muttered, a small smile playing on his lips.

 

Pagkatapos mananghalian ay minabuti ng apat na i-experience ang clear at refreshing water ng ilog.

"Mas malinis pa ata sa budhi ko ‘tong tubig," Seungcheol said as he rested against a giant boulder.

"Wala namang kaduda-duda 'run," Mingyu retorted.

"Wons, siguro dapat ang i-explore naman na'tin is mga ilog para hindi puro beach lang ang alam na'tin," sabi ni Jeonghan sa kaibigan na tumango naman.

“Let’s do that sa year-end trip na’tin. Lagi na lang tayo na sa beach, e.”

“Lumalangoy man lang ba kayo sa mga beach na pinupuntahan niyo? Clout chasing lang ata ginagawa niyo ‘run, e," pang-aasar ni Mingyu sa dalawa.

"Pa'no lalangoy kung naka-yate sila?" Segunda naman ni Seungcheol.

"OA ka na naman, baby. Hindi nga kami nepo babies ng mga pulitiko. What do you take us for?” Angal ni Jeonghan.

"Pero nakasakay na kayo ng yate?" Nakangising tanong ni Seungcheol.

Wonwoo and Jeonghan hesitated and made eye contact with each other. It was Wonwoo who answered for them both. "We were just invited ng mga high school classmates namin dati."

"Kami nga kahit roro 'di pa nakakasakay," Seungcheol pointed out.

"What's a roro?" Confused na tanong ni Wonwoo at mas mabilis pa sa alas-kwatro na napabaling ang tingin ni Mingyu sa kanya.

"'Yung parang barko na nakakargahan ng mga bus at sasakyan para makatawid sa mga probinsiya. 'Di ka ata kasi nanonood ng balita sa Pinas," sagot ni Mingyu.

"I do watch the local news! Favorite ko nga manood ng mga Filipino news documentaries," Wonwoo defended.

"Weh? Sige nga, anong favorite mong docu na 'di galing Netflix?"

"Jusko, may bago na naman silang walang kwentang pag-aawayan," Seungcheol grumbled as Wonwoo and Mingyu continued to debate over their favorite local journalists.

"Is this some weird kind of foreplay, baby?" Tanong ni Jeonghan habang nakakunot ang noo.

His boyfriend could only shrug. "Ewan ko ba sa mga 'yan. 'Di alam pano i-aaddress 'yung tensyon sa pagitan nila kaya ganyan na lang."

"Sila ang perfect example ng baiter at baited, e."

Habang patuloy ang kung anong diskusyon sa pagitan nina Mingyu at Wonwoo ay siyang pagdating nina Gian, Natie, Danny, at Mercy para samahan sila sa pagbababad sa ilog.

“Kamusta ang ilog experience?” Nakangiting tanong ni Natie kaya naputol na sa wakas ang pambibwisit ni Mingyu kay Wonwoo.

“Ang lamig po ng water, tita!” Masiglang sagot ni Wonwoo na akala mo ay hindi nagsisimula nang mamula sa yamot dahil sa pangpoprovoke kanina ni Mingyu.

“Wala ka na pong mahahanap na ganitong libre sa Maynila,” dagdag ni Seungcheol.

“Nakita niyo ba kanina ‘yung mga naglalaba sa may ibaba? Minsan pa nga ay may mga naliligo rito,” sabi naman ni Mercy.

“Iparanas mo sa kanila mamaya ang paliligo sa ilog,” suhestiyon ni Danny.

Tumango si Gian. “Oo nga, dito na kayo magbanlaw. May dala naman kaming mga sabon na panligo diyan.”

“Buti po wala kayong problema sa ilog na ‘to. Sa Maynila po kasi marumi na, ‘yung iba naman tinatambakan ng lupa para gawing mga subdivision,” Mingyu said, turning to Danny and Mercy.

“Ay, kung alam mo lang. Halos makipagpatayan kaming mga nakatira rito ‘nung nakaraang buwan lang.”

“Ano pong nangyari?” Gulat na tanong ni Seungcheol.

“E, may dumating rito na isang grupo. Mga representative raw sila ng isang malaking kumpanya. Gustong bilhin ang lupain nila Mercy at mga ka-baro niya dahil plano raw patayuan ito ng resort,” paliwanag ni Natie.

“Kulang ka sa description, mahal. Eco-tourism resort daw. Sustainable. ‘Yun daw ang bagong muka ng turismo.” Mahihimigan mo ang pangungutya sa tono ni Gian.

“Ano pong sinabi niyo sa kanila?” Wonwoo asked. It was Mercy who answered this time.

“Sabi namin hindi namin ‘to binebenta. Aba, saan naman kami pupulutin? Hindi lang naman mga bahay namin ang narito. Higit sa lahat, e, andito ang mga sakahan namin na pinagkukunan namin ng pangkabuhayan.”

“Pa’no po sila nag-react ‘dun?” Jeonghan asked.

“‘Ku! Pagka-yabang ‘nung isa nilang kasama! Abogado raw siya tapos kung ano-anong Ingles na mga salita na ang pinagsasasabi. Ang dami niyang inaksayang laway, wala naman kaming pakielam,” Mercy recounted.

“Kesyo wala raw kaming karapatan dahil wala kaming titulo,” dugtong ni Danny. “Titulo, titulo samantalang mga ninuno pa ng ninuno namin ang nagsasaka sa mga lupang ‘yan. Kahit magkamatayan ay hindi nila ‘yan makukuha.”

“Jusko ay wag naman sana umabot sa ganoon. ‘Nun nga lang napikon ‘yung isa nilang kasama dahil hindi talaga kami pumapayag, e, naglabas ba naman ng baril at pinatong sa lamesa,” kwento pa ni Mercy.

“Ano pong ginawa niyo?” Kunot-noong tanong ni Mingyu.

“‘Di nilabasan rin namin ng mga itak. Akala nila masisindak nila kami, e, kabahayan at kabuhayan namin ang kinakanti. Sinong ‘di papalag?”

Natahimik ang grupo pagtapos marinig ang kwento nila Mercy at Danny. Hindi naman lihis sa kaalaman ng apat na estudyante na may mga nangyayari talagang ganitong porma ng intimidasyon lalo sa usapang lupa. Pero hindi ibig sabihin ay sanay na silang makarinig ng mga ganitong kwento. Kung tutuusin ay hindi kailanman dapat masanay at gawing normal ang mga ganitong sitwasyon.

Wonwoo’s mouth and eyebrows were pursed so tight. Hindi siya makapaniwala na ang mga kwentong naririnig lang niya sa balita ay maririnig niya mula mismo sa mag-asawang walang alinlangan silang pinatuloy sa kanilang bahay kahit ngayon lamang sila nito nakilala.

He made a mental note of the case. He was planning to apply as an intern for an alternative media company with a focus on investigative journalism. At kung papalarin na makapasa ay mataas ang tiyansa na payagan siya ng desk na i-pursue ang storya.

“Mang Danny, Aling Mercy, pwede po ba namin kayo ma-interview para sa docu namin? Kung ayaw niyo po makita sa camera, kahit voice recording lang po,” Jeonghan offered.

“Pwede po namin isama sa docu ‘yung kinwento niyo kanina para mas matuunan ng pansin,” Seungcheol added.

“May diyaryo rin po ang org namin. Pwede rin po namin doon ilabas. Itatahi po namin sa interview sa mga magsasakang nakausap namin dati na may kaparehong kaso,” saad naman ni Mingyu.

“Baka po may maitulong kapag hindi kayo tinigilan ‘nung company na ‘yun,” Wonwoo said, offering a small, assuring smile.

Hindi naman nagdalawang isip ang mag-asawang Danny at Mercy na magpa-interview sa apat.

Si Wonwoo at Jeonghan ang nanguna sa pagtatanong, samantalang sina Mingyu at Seungcheol ang nasa likod ng dalawang camera.

Habang rolling ay hindi maiwasang mapatitig ni Mingyu kay Wonwoo, lalo na kapag ito na ang nagtatanong.

Sure, may mga Filipino words na nahihirapan siyang bigkasin at minsan ay nalilito pa sa gamit, pero hindi maikakaila na mabilis makapag-isip ng mga tanong si Wonwoo.

Alam mo rin na nakikinig siya sa iniinterview dahil smooth at eager ang sundot ng mga follow-up questions niya. Passion siguro talaga ni Alabang boy ang pamamahayag.

Bahagya siyang nalungkot sa naisip. Siya ba, mahal pa rin ba niya ang peryodismo? Isip niya na daglian rin niyang iwinaksi at tiyaka muling nag-focus sa pag-monitor ng camera.

 

Kinagabihan ay tumambay muna si Mingyu sa may dalampasigan para ma-video call ang pamilya. Agad na bumungad ang masayang muka ng nanay at tatay ni Mingyu pagka-connect ng call niya.

“Kamusta diyan sa Delia, Mingyu?” Nakangiting tanong ng kanyang mama.

“Tahimik po, ma. Ang ganda po rito, malayong-malayo diyan sa atin.” Inikot ni Mingyu ang camera ng cellphone para ipakita ang lugar. “Nasa may beach po ako. Malakas ang alon pero ang sarap po ng hangin.”

“Ayos din pala ‘yan, nak. Para kayong may mini bakasyon bago kayo grumaduate.”

Natigilan si Mingyu sa pagbanggit ng papa niya sa graduation. Oo nga pala, ga-graduate na siya next sem.

Kaunting hirap na lang ay maisusuot na rin niya ang pangarap na sablay. Kaunti na lang ay makakalaya na siya kay Oble. Kaunting oras na lang. Kaunti na lang, kaya hindi na dapat siyang nagdadalawang isip pa.

“Tapos makikita na na’tin si Gyu sa harap ng camera, ‘no? Magrereport na ‘yan sa mga baha at traffic sa EDSA,” biro ng kanyang mama.

At the mention of being on cam, Mingyu couldn’t help but think about Wonwoo and his passion for broadcasting.

Kung ibabase sa ilang araw nila sa Delia at sa kanilang moments sa klaseng Broadcast Journalism ay makikitang gusto talaga ni Wonwoo ang ginagawa niya at desididong ito ang gagawin niya sa buhay. Sana all, Mingyu thought, Because how does it feel to have a definitive choice that won't affect much the people around you? 

 

Nakapatay na ang ilaw sa kubo nila pagbalik ni Mingyu. Naabutan niyang nakahiga na si Wonwoo sa kama nito pero gising pa at nags’scroll sa cellphone.

“Oh, you’re back. Mahangin ba sa may beach?” Tanong ni Wonwoo sa kanya.

Mingyu nodded. “Malakas din ‘yung alon.”

“Sayang. I wanted to come with you sana kaso I needed to finish my internship application.” Kahit na madilim ay sure si Mingyu na naka-pout si Wonwoo habang sinasabi ito.

“Nakapagpasa ka na?”

“Yup! Submitted na my application sa Sipat.”

“Sipat? Hindi ka mag-apply sa mainstream?” May pagtatakang tanong ni Mingyu.

He always thought Wonwoo would want to work in a mainstream media company, especially since he dreams of reporting in front of the camera.

“Mag-aapply rin ako, but Sipat is my top choice talaga.”

Hindi agad sumagot si Mingyu kaya saglit na nabalot ng katahimikan ang kwarto. Tanging tunog ng electric fan at humahampas na alon sa dalampasigan lamang ang maririnig sa kubo. After a while, Mingyu spoke again.

“Good luck. For sure, matatanggap ka niyan,” sagot ni Mingyu bago pumasok sa loob ng banyo, leaving a slightly stunned Wonwoo alone in the dark.

Notes:

hello, hello! tenkyu so much sa inyong response sa ammkk huhu <3 sana ay marami kayong baon na pasensiya kasi marami pang nasa outline hahahuhu yun lang naman, would love to hear your thoughts hihi~

Chapter 7

Summary:

“Bakit niya ba kasi iniintindi ‘tong si Alabang boy? Matanda naman na ‘yan.”

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

“Nag-promise ka last time!” Nakalabing sambit ni Wonwoo habang nakaturo sa kunot noong si Mingyu na nakatayo sa tapat ng tricycle. Sa isang gilid naman ay nakangising pinapanood nina Jeonghan at Seungcheol ang eksena sa pagitan ng dalawa.

Paluwas ng bayan ang apat dahil may kanya-kanya silang naka-schedule na mga interview para sa docu. Sina Seungcheol at Jeonghan ay papunta sa bahay ng isang resort owner, samantalang sina Wonwoo at Mingyu naman ay papunta sa city hall para sa interview sa mayor ng Delia.

Kanina pa sila nakagayak pero hindi sila makaalis-alis dahil ayaw pumayag ni Mingyu na mag-back ride kasama niya si Wonwoo kahit anong pilit nito.

“Sabi mo pa nga you will accompany me sa next tricycle ride,” Wonwoo reminded the unmoving Mingyu with a whine.

“Ay pre, narinig ko nga na sinabi mo ‘yun,” biglang singit ni Seungcheol kaya sinamaan siya ng tingin ng kaibigan na ngayon ay naka-krus na ang mga braso.

“Alam mo, just let Wons be, Gyu. ‘Di ka niyan titigilan," sabi naman ni Jeonghan. "If you want, yakapin mo na lang siya para di ka ma-paranoid diyan,” dagdag nito na may nakakalokong ngiti.

Instant ang naging effect ng pang-aasar niya dahil halos umusok ang ilong ni Mingyu sa yamot. Bahagya namang namula ang pisngi ni Wonwoo sa narinig at inismiran ang kaibigan.

“Anong yayakapin? Bahala ‘yan pag gumulong sa daan. Gusto niya ‘yan, ‘di ba? Halika na nga, late na tayo,” angil ni Mingyu at tiyaka padabog na sumakay sa likod ng tricycle.

“Yehey!” Wonwoo happily exclaimed with a clap, making Jeonghan and Seungcheol laugh in amusement.

Sa may pinakadulo umupo si Mingyu para napapagitnaan nila ng tricycle driver si Wonwoo. Bukod sa sakop ni Wonwoo ang malambot na parte ng upuan ay direkta ring nakatapat sa kanya ang hawakan na nakakabit sa bubong.

“Humawak ka maigi. Tiyaka ibulsa mo ‘yang phone mo, baka mahulog. ‘Yung paa mo ipatong mo sa apakan. Tignan mo maigi baka mapadikit ka sa tambutso,” sunod-sunod na paalala ni Mingyu na agad namang sinunod ni Wonwoo.

“Grabe naman ‘yang bodyguard mo diyan, Wons. Parang gusto ka pa pagsuotin ng helment niyan,” sigaw ni Seungcheol mula sa loob pero hindi na nakasagot pa si Mingyu dahil humarurot na ang tricycle paalis.

Habang nasa biyahe ay hindi maiwasang gawaran ng panaka-nakang tingin ni Mingyu ang katabi. Inaantay nitong pagsisihan ni Wonwoo ang desisyon na umupo sa likuran pero sa halip ang nakita niya ay kinang sa mata ng binata habang mahigpit na nakakapit sa hawakan.

“Ngalay ka na ba?” Hindi alam ni Mingyu kung anong sumanib sa kanya para tanungin si Wonwoo, pero lumabas na sa bibig niya, ano pa bang magagawa niya?

Mukha namang hindi pinag-isipan ni Wonwoo ng kung ano ang biglaang tanong ni Mingyu sa kanya dahil malawak itong ngumiti at umiling. “I’m okay lang! This is such an experience. Thank you, Mingyu!”

Tango lang ang naging tugon ni Mingyu bago muling tumingin nang derecho sa daan dahil ano naman ang isasagot niya ‘dun? Hay naku, Alabang boy talaga.

 

Naunang bumaba sina Mingyu at Wonwoo at sa may tawiran sa tapat ng city hall na lang sila nagpahinto.

“Huy, Gyu, magtino ka nasa city hall kayo. Baka mamaya niyan kasuhan ka na lang ni Wons sa inis sayo,” biro ni Seungcheol habang nagpapaalaman sila.

Mingyu scoffed at his friend. “Ikaw ang magtino dahil baka mamaya itanan mo ‘yang si Han. Ipapa-manhunt ka ng pamilya niyan.”

Pagkaalis ng tricycle ay naglakad ang dalawa sa may pedestrian lane. Habang nag-aantay ng pagkakataong tumawid ay nilingon muna ni Mingyu si Wonwoo.

“Marunong ka naman sigurong tumawid sa pedestrian lane, ‘no?”

Wonwoo looked at Mingyu sheepishly before letting out a little nervous laughter. “Sure, as long as may nakahawak sa arm ko.”

“Ano ka pre-school? Kahit mga bata sa’min marunong tumawid sa pedestrian lane, e.”

“I can try naman. Pero baka mag-cause ng delay because I chicken out ‘pag may nakikita akong approaching vehicle.”

Mingyu could only sigh at Wonwoo’s reasoning. “Mga mayayaman talaga. Kumapit ka na lang sa t-shirt ko,” utos niya at tiyaka naghanda para tumawid. This alerted Wonwoo who tightly gripped the hem of Mingyu’s shirt.

“Sabi ko lang kumapit ka, hindi punitin ang damit ko.”

Wonwoo eased his hold on Mingyu’s shirt a little. “Sorry, akala ko iiwan mo ko, e.”

“E, ‘di walang point ‘yung pagpapakapit ko sa’yo kung mauuna lang rin ako.”

Wonwoo laughed a little at that. “Right. So—”

Hindi na natuloy ni Wonwoo ang sasabihin dahil biglang hinawakan ni Mingyu ang kanyang palapulsuhan. “Tara na habang wala pang sasakyan,” ani Mingyu at tiyaka siya maingat na hinila para makatawid.

Sa entrance ng city hall na lang nila napansin na marahan pa ring nakapalibot ang kamay ni Mingyu sa palapulsuhan ni Wonwoo kaya agad itong napabitaw.

“Sorry, maluwag na kasi ‘yung daan. Napahigpit ba ‘yung hila ko?” Mingyu asked, subtly eyeing Wonwoo’s wrist that he held earlier.

“No naman. Thank you,” Wonwoo answered, resisting the urge to caress the spot Mingyu held on to in shyness.

“Mag-aral ka na kasi tumawid. Pa’no pag wala kang kasabay?”

“Magpapahila na lang ulit ako sa katabi ko,” Wonwoo teased, making Mingyu shake his head a little.

“Baliw. Lika na nga sa loob.”

 

Sa third floor pinaderecho ng guard sina Wonwoo at Mingyu dahil ‘dun nakalagak ang opisina ng mayor ng Delia.

The two were expecting to get an interview with the mayor since nakapag-send na sila ng request sa opisina nito a month ago pa. May dala rin silang physical copy ng letter na pirmado ng kanilang prof sa Broadcast Journalism at head ng Journalism Department, just in case.

Akala nila ay plantsado na ang lahat lalo na’t ayon sa huling response sa kanilang request ay kasado na ang interview. May kalakip pa ngang ”See you soon in Delia!” ang mensahe ng Office of the Mayor sa kanila. Kaya naman laking gulat nila nang sabihin ng secretary ng mayor na hindi raw sila makakapag-interview dahil out of office ito at kasalukuyang nagbabakasyon sa ibang bansa.

“Last month pa po kasi kami nagpa-schedule ng interview sa kanya. Wala naman pong nabanggit ‘yung kausap namin sa e-mail na naka-bakasyon po siya,” giit ni Mingyu.

“Kahapon lang umalis si mayor. Grumaduate kasi ‘yung panganay niyang anak kaya nag-celebrate sila sa ibang bansa,” sagot ng staff na busy sa pagtipa sa kanyang cellphone.

“Kailan po ang balik niya?” Wonwoo asked.

“Next week pa ‘yun. Pero mukhang mag-eextend pa kaya ‘di ko rin sigurado.”

“Ho? E, pa’no ho ‘yung interview namin sa kanya?” Tanong naman ni Mingyu.

The assistant briefly looked up from his phone before giving them a nonchalant shrug. “Iba na lang siguro interviewhin niyo.”

“Pero malinaw po kasi sa e-mail na mag-iinterview kami kay mayor ngayon. Nag-confirm pa nga po kami ‘nung isang araw. Siya po kasi ang kailangan namin para ‘dun sa docu."

Malakas na bumuntong hininga ang lalaki at sa wakas ay ni-lock ang kanyang cellphone. “Anong magagawa na’tin? E, sa nagbago nga ‘yung schedule ni mayor. Sana kahapon kayo nagpunta baka sakaling naabutan niyo. Pero baka ‘di rin magpa-interview ‘yun sa inyo. Mga legit media nga ‘di umuubra ‘dun, kayo pa kayang mga estudyante lang?”

Agad na nagpintig ang tenga ni Mingyu nang marinig ang katagang “legit media.” Tangina, mukha ba silang ‘di tunay? Mukha ba silang hologram?

Student journalists sila at parte pa ng university-recognized publications, at that. Not to mention na may interview request silang pirmadong ng mga prof nila. Hindi sila nanghihingi ng interview para manggulo lang.

Wonwoo noticed how Mingyu looked like he was ready to give a piece of his mind, kaya naman marahan niyang hinawakan ang tensed nitong balikat. Bahagya rin siyang humakbang paharap para maharangan ang view ni Mingyu sa assistant.

“Sino na lang po ang pwede naming makausap for the interview, sir?” Malumanay pero may diin na tanong ni Wonwoo.

“Tignan niyo ‘dun sa Information Office. Sila ang tanungin niyo. Pero kailangan niyo magpasa ng naka-print na request ‘dun. Hindi pwede ‘yang e-mail e-mail lang dito.”

“Ah, sure po. Nag-print naman po kami ng request letter. May sign din po ‘to from our professors,” sagot ni Wonwoo na may hilaw na ngiti.

Hindi naman ito pinansin ng secretary at tumuro lang sa may ibaba. “Nasa second floor ‘yung Information Office. Hanapin niyo na lang may reception ‘dun.”

 

“Tangina talaga ng gobyerno,” Mingyu muttered in irritation as soon as they were out of earshot.

Wonwoo sighed in frustration. “Tell me about it. How can they dismiss us just like that kahit may appointment tayo? Tapos ‘yung mayor nila nawawala na lang bigla to go on a vacation? The audacity.”

“Graduation daw ng anak. E, ano ngayon? ‘Yung mga taga-Delia nga ‘di agad makaluwas dahil walang maayos na transportasyon.”

Sa inis sa nangyari sa Mayor’s Office ay hindi na namalayan ng dalawa na nakarating na sila sa tapat ng Information Office. Pagkapasok ay agad nilang ipinrisenta ang request letter at inexplain ang kailangan pati na rin ang nangyari sa itaas.

“Out of office raw po kasi si mayor. Sino po kaya ang pwede naming ma-interview?” Tanong ni Mingyu.

“I-check namin ‘yung schedule ng mga officials, pero baka sa City Tourism Office kayo makahanap,” sagot ng information officer na kausap nila.

“Possible po ba na makapag-interview kami today?” Wonwoo asked, to which the officer shook her head ‘no’ in response.

“Kailangan pa ng approval nito sa head ng department namin. Tiyaka ko pa lang ‘to mafo-forward sa Tourism Office pag may pirma niya na.”

“Kahit po may original request na kami sa Mayor’s Office for interview na approved na po nila via e-mail?” Pagbabakasakaling tanong ni Mingyu.

“Iba kasi ‘yung sa Mayor’s Office, e. Hindi namin sakop ‘yung requests sa kanila.”

“Tomorrow po kaya makakapag-interview kami? Malapit na po kasi kami bumalik ng Manila,” saad naman ni Wonwoo.

“Ay, hindi ko masabi, e. Usually, two to three days ang processing nito. Lalo ngayon na medyo busy ang city hall. Mag-iwan na lang kayo ng contact number para matawagan ko kayo pag na-approve ‘yung request.”

Si Mingyu na ang naglista ng number at pangalan niya. Pagkatapos magsulat ay muli nitong kinausap ang information officer.

“Makikihingi rin po kami ng contact niyo para alam po namin sino ang hahanapin pagbalik. At tiyaka po pala, ma’am, dito rin po ba kami makakapagrequest ng tourism data ‘nung nakaraang taon?”

“Ha? Para saan?” Kunot noong tanong ng officer sa kanila.

“Para po masama namin sa docu ‘yung data. We need lang po ‘yung tourist arrivals and tourism plan ng Delia,” paliwanag ni Wonwoo.

“Kapag ganyan kailangan niyo magpasa ng separate request. Tiyaka matagal na proseso ‘yan kasi documents, e.”

“Hindi po ba ‘yun mga public document? Data lang naman po at mga projects and programs ang kailangan namin,” Mingyu said, starting to dread the conversation again.

“Hindi ‘yun basta-basta binibigay, e. Magpasa na lang muna kayo ng request letter tapos tignan natin kung ano ang mabibigay sa inyo.”

Mingyu muttered something unintelligible, making Wonwoo softly elbow his side. “Okay lang po ba if i-email namin ‘yung request?”

“Kailangan niyo i-print at pirmahan. Isabay niyo na lang pagbalik niyo para sa interview.”

Hindi na muling nagsalita si Mingyu at tumango na lamang, while Wonwoo thanked the officer with a tight smile dahil kahit siya ay naiinis sa kinahinatnan ng lakad nila ngayong araw.

 

Agad na naglabas ng saloobin si Mingyu pagkalayo nila sa city hall. “‘Nginang burukrasya ‘yan. Isang interview lang pero pinagpasa-pasahan pa tayo.”

“I can’t believe there’s so many things needed just to talk to one official. Our topic isn’t even controversial,” segunda naman ni Wonwoo.

“Nakakainis. Sayang ‘yung luwas na’tin. Sana pala nag-interview na lang tayo sa mga kasamahan nila Mang Danny,” Mingyu said with a huff.

Naglakad sila sa may gilid ng city hall at doon napansin ni Mingyu na may food park na nakaset-up sa hindi kalayuan. May katabi rin itong plaza na may mga lamesa at upuan na pwedeng tambayan.

“Balik na ba tayo sa resort?” Wonwoo asked.

Mingyu hesitated dahil parang ayaw muna niyang bumalik. Hindi pa tuluyang nababa ang yamot niya sa nangyari at naisip rin niyang sayang naman ang punta nila kung wala silang makuha pabalik.

“Gusto mo bang mag-ikot muna? May food park ‘dun oh. Baka pwede na rin nating isama sa docu,” Mingyu suggested.

Wonwoo was slightly taken aback that Mingyu was actually willing to spend more time with him. Alone. Even after the shitty encounter they just had. He felt a little flutter in his stomach at the thought.

“S-sure. Para ma-explore ‘rin natin ‘tong city part,” he answered in what he hoped to be a nonchalant manner.

“Okay, kumain na muna tayo bago maglibot-libot. Sila Cheol kaya?”

“I’ll message Hannie. Baka gusto rin nila mag-roam around.”

Inilabas ni Wonwoo ang kanyang cellphone at dahil naka-silent mode ay hindi niya napansin na nangamusta pala si Jeonghan kanina.

 

JH - Jeonghan; WW - Wonwoo

JH: Kamusta there? Baka nagpakasal na kayo kay mayor ha.

WW: Please stop projecting your fantasies on me.

Besides, the mayor is not even here. On vacation daw kasi grumaduate anak 🙄

JH: Huh?? Pero we scheduled with them, ‘di ba?

WW: Yes, and apparently it doesn’t matter.

First time ko rin makita si Min almost losing his cool kanina. It was that bad.

JH: “Min” ?!? 🫨

WW: That’s all that stuck with you? 😒

Also, it’s just a typo. Inis kasi me so much kaya I was typing quickly.

JH: Sure, Wons 😏

Pabalik na ba kayo? Or were you allowed to interview other officials?

WW: Nope and nope. I-update pa raw kami ng Information Office if may available for the interview in the next few days.

JH: Grabe. Hopefully they won’t make paasa lang sa interview.

E, bakit pala ‘di pa kayo uuwi?

WW: There’s a food park nearby and nagyaya mag-ikot si Mingyu baka pwede raw i-feature rin sa docu.

JH: Ah. So, date?

WW: You have low reading comprehension today, no?

Docu, Hannie. Do. Cu.

JH: Sure, sure we close our eyes 🙂‍↕️

WW: Ewan ko sa’yo. Are you guys done na with the interview? Why are you so active?

JH: Pinag-snack kasi muna kami, pero ito na. BRB will roll again, madam 🫡

Enjoy your food park date with “Min” 😚

WW: Shut up!?!

 

“They’re still interviewing daw. Pinag-snack daw kasi muna sila ‘nung owner,” Wonwoo told Mingyu as soon as he locked his phone.

“Ay wow, ‘yan ang sana all. Siya, kumain rin tayo. Anong gusto mo?”

Wonwoo scanned the food park and quickly spotted the stall selling different street food. “Kwek-kwek!” he said with a huge smile. Kung titignan sa malapitan ay parang nakinang pa ang mata nito sa thought of eating kwek-kwek.

“Wala kang kasawa-sawa sa kwek-kwek,” ani Mingyu pero nauna pa rin namang naglakad papunta sa nagtitinda ng street food.

Pagdating nila sa tapat ng stall ay walang pag-aalinlangang umorder si Wonwoo. Akala mo talaga ay street food connoisseur ang binata dahil walang kagatol-gatol itong nagturo ng fishball, squid ball, kwek-kweek, dynamite, at cheese stick.

Excited at malawak ang ngiti ni Wonwoo habang kinikilatis ang tinda sa harap kaya mahina na lang na napatawa si Mingyu. May shortage ba ng street food sa Alabang?

“Oh, right. May gusto ka pa ba, Gyu? Sorry, na-excite ako mag-order,” Wonwoo said, as if just remembering na may kasama nga pala siya.

“Okay na ‘yan parang balak mo na ubusin tinda nila, e. Padagdag na lang po ng isang gulaman tiyaka isang C2 na apple,” sabi ni Mingyu sa nagtitinda.

“Sa’yo ‘yung C2?” Wonwoo asked.

Mingyu shook his head. “Gulaman ‘yung sa’kin. Favorite mo ‘yang C2, ‘di ba?”

Now, Wonwoo is anything but a bare minimum enjoyer. He knows his worth and is not afraid to ask for what he deserves. Kaya hindi niya maarok kung bakit halos malagutan siya ng hininga dahil lang natandaan ni Mingyu ang favorite drink niya. He was 100-percent sure it meant nothing. Mingyu is observant, after all. Pero hindi kasi nakuha ng namumula niyang pisngi at kumakabog na dibdib ang memo na ‘yun.

“Ayaw mo ba? Papalitan na lang na’tin. Sorry, paladesisyon kasi ako,” sabi ni Mingyu nang hindi agad umimik si Wonwoo. He made a move to return the bottle of drink, when Wonwoo stopped him.

“G-gusto! I’ll drink that, wag mo ibalik kila ate.”

“Baka kasi hindi ka sanay sa gulaman kaya ‘di ko dinalawa.”

“Sa what? Sa gulaman?” Hindi makapaniwalang tanong ni Wonwoo.

“Oo, baka manibago ka. Kung gusto mo i-try ‘yang gulaman, magpatimpla ka na lang sa inyo.”

“What? Try? E, lagi namin inoorder ni Kuya Kaloy ‘yan sa food court whenever we eat siomai,” Wonwoo said as a matter of fact.

It was Mingyu’s turn to be shocked. “Weh? Nainom ka ng gulaman? Nakain ka sa food court? Ng siomai?”

Wonwoo scowled. “Of course naman! Medyo takot na ko to know the impression you have of me ha.”

“Sorry, sorry. Akala ko kasi pihikan ka sa pagkain. Ni hindi ka nga nakain ng seafood,” Mingyu pointed out in his defense.

“That’s literally the only food I don’t eat. Pine-praise pa nga ako dati ng teachers ko kasi ang galing ko raw kumain ng fruits and vegetables. I even request for monggo sa bahay pag Friday,” Wonwoo retorted with an eye roll.

Ba’t ba matic na pang-Friday ang monggo? Still, Mingyu couldn’t help but tease Wonwoo further. “Nakain ka ng monggo?”

Wonwoo glared at Mingyu’s playful face. “Annoying ka,” he said and turned away from the latter.

Mingyu chuckled softly. “Joke lang. Nagulat lang ako. Akala ko kasi maarte ka, lalo sa pagkain. Sorry na, libre ko na ‘to. Wag ka na magtampo,” he said, making Wonwoo’s head immediately snap to his direction.

“Uy, no need! ‘Di naman ako tampo, I’m also joking lang. Let me pay since ako ‘yung may pinakamaraming inorder.”

“Ako na. Ito lang afford kong ilibre sa’yo, e,” biro ni Mingyu.

“Sira. Pero thank you. I’ll treat you rin pagbalik na’tin sa Manila.”

“Ayaw naman magpatalo ni Alabang boy.”

Wonwoo groaned. “Sabing don’t call me Alabang boy, e.”

“Kapag ‘di ka na nakatira sa Alabang tiyaka ko titigilan ‘yang Alabang boy.”

Wonwoo tsked. “Whatever. I’ll call you QC boy na lang para fair.”

“Ang pangit, walang originality.”

“Fine. Minmin na lang. I’ll call you Minmin.”

Mingyu scoffed. “Minmin? Para naman akong alagang pusa niyan.”

“So arte. Ako nga, I didn’t have a say sa Alabang boy.”

“Hindi mo naman kasi need mag-nickname. Tama na ‘yung Gyu.”

“E, ayoko ‘nun. Everybody calls you that already. Dapat may equivalent ako sa Alabang boy for you,” Wonwoo insisted.

Saglit siyang natahimik para pag-isipang mabuti ang nickname niya kay Mingyu. After a couple of beats, Wonwoo excitedly exclaimed, “Ah! I know na. You’re Mr. Bugnutin.”

“Dapat ba kong ma-offend? Pero in fairness ha, alam mo ‘yung bugnutin at hindi ka nabulol sa pagbikas,” Mingyu said with a smirk, but Wonwoo chose to ignore his remark.

“Ikaw na si Mr. Bugnutin from now on.”

“Hindi naman ako bugnutin. Baka ikaw pa pag nauubusan ka ng cheese stick sa kiosk.”

Muling nakaramdam ng kalabog sa kanyang kaliwang dibdib si Wonwoo. Just how observant is Mingyu? And who would think he’s actually paying attention to Wonwoo?

Napailing na lang si Wonwoo bilang tugon kay Mingyu at para na rin subukang iwaksi ang mga pabugso-bugsong damdamin na kanina pa niya nararamdaman.

“I’m not like that kaya. Basta, you’re Mr. Bugnutin na. I’ll only stop calling you that once you stop calling me Alabang boy, or pag ‘di ka na sulky whenever you talk to me—whichever comes first.”

Mingyu could only shake his head in amusement. Kagaya nga ng sinabi ni Jeonghan, there’s no winning with Wonwoo. “Bahala ka sa buhay mo, Alabang boy.”

 

Pagkaluto ng sandamakmak nilang order ay napagdesisyunan nila Mingyu at Wonwoo na kumain sa plaza na katabi ng food park. Pumwesto silang dalawa sa isang lamesa na nasa ilalim ng mayabong na puno ng mangga.

Tahimik silang nakain pero dahil public enemy number one ng dead air si Wonwoo ay hindi ito nakatiis at nag-initiate rin agad ng conversation sa nakatulalang si Mingyu.

“Do you think makaka-interview tayo with the officials?”

“Sana. Pero sa postura ng mga tao kanina baka kahit documents lilimusin na’tin.”

Wonwoo sighed in slight defeat. “What are they so afraid of? Magtatanong lang naman tayo ng tourism initiatives nila. Some LGUs nga ‘yun lang ang plans na meron for the whole year.”

Nagkibit balikat si Mingyu bago tumusok ng isang fishball. “Who knows? Baka wala silang plano in the first place kaya takot sila na ma-report na’tin ‘yun.”

“Sus. They basically insinuated nga na we are not ‘legit media,’ e. I almost snapped ‘nung narinig ko ‘yun.”

“Ako rin. Sa lahat talaga ‘yun ang pinaka-ayaw kong tawag sa mga student journalists. Hindi raw tayo legit media, pero ‘yung mga basta na lang nagsulputan with their ‘news,’ legit and credible? Labo.”

Saglit na tinigil ni Mingyu ang pagkain para pukulan ng tingin si Wonwoo. “Thank you pala for stepping in earlier. Muntik na ko mapikon sa secretary ni mayor, e. Baka mas lalong wala tayong napala sa punta na’tin kung sakali.”

“You went from Mr. Bugnutin to Sir Anger nga kanina. I was a little shocked kasi you’re never the angry type.”

“Sorry, nakita mo pa ‘yun. Nakuha lang talaga nila ‘yung inis ko kanina.”

Wonwoo offered Mingyu an assuring smile. “It’s fine, Gyu. We all have our moments naman. Tiyaka, the most important thing is you didn’t let it consume you.”

Muli silang nabalot ng katahimikan, and it took a while for Wonwoo to break the silence because, admittedly, just sitting and eating with Mingyu was starting to get comforting enough.

“It must be nice to live somewhere far from the city, 'no? Away from the pollution and all the traffic,” Wonwoo said in musing after a while.

“Siguro kung accessible lahat ng pangangailangan mo kahit nasa malayong lugar ka. Ang dali kasing i-idealize ang pagtira sa probinsiya lalo sa ating mga lumaki sa siyudad. Pero ang daming mga nasa rural areas na halos hindi naabutan ng tulong at natutugunan ang basic needs,” sagot ni Mingyu.

“That's true. I can’t and don’t even want to imagine ang mangyayari kapag may emergencies. The people deserve so much more talaga.”

Mingyu nodded in agreement. Wonwoo seemed to think for a while before asking, “Ikaw ba, Gyu? Would you want to live somewhere far if given a chance?”

Mingyu quickly shook his head, as if it were a no-brainer question. “Hindi siguro kasi mahihirapan na mag-adjust sina mama at papa.”

“No, like alone? Ikaw lang. Hypothetical lang,” Wonwoo insisted, making Mingyu pause.

Manirahan sa malayo mag-isa? Nang walang iniintinding responsibilidad sa pamilya? Hindi alam ni Mingyu ang isasagot sa tanong ni Wonwoo dahil kailanman ay hindi niya naisip ang ganung sitwasyon.

Sa lahat ng ginagawa niya ay palaging una sa isip niya ang kanyang pamilya at magiging kinabukasan nila. It’s always study hard to make your parents proud, graduate on time para mapag-aral agad si bunso, find a decent job para matulungan si ate sa gastusin.

And don’t get him wrong, mahal ni Mingyu ang pamilya niya at bukal sa loob na gusto niyang makatulong sa kanila kaya naman hindi kailanman pumasok sa isip niya ang manirahan mag-isa at malayo sa mga ito.

“You’re taking too long naman to answer. What if lang naman, I’m not asking you to abandon your family,” Wonwoo teased.

Ngumiti na lamang nang tipid si Mingyu dahil napagtanto niya na kahit kailan ay hindi niya naisip ang buhay na walang naka-angklang responsibilidad sa kanyang pamilya. Kahit sa panaginip lang. Kahit na ‘what if’ lang. Mingyu realized he doesn’t even have the privilege to imagine a future that doesn’t come with fulfilling his filial responsibilities.

 

Mingyu and Wonwoo spent the rest of their afternoon exploring the nearby spots in the city, taking random insert clips for their docu, talking about the most random stuff (all thanks to Wonwoo na takot sa prolonged silence), and teasing each other (all thanks to Mingyu na ang role na ata sa buhay ni Wonwoo ay lowkey pikunin ito).

The two decided to return to the resort before the sun set. Dalawa lang silang babalik dahil nagpaalam sina Jeonghan at Seungcheol na sila naman ang mag-city date pagkatapos ng interview nila. At dahil dalawa na lang sila sa tricycle ay napagdesisyunan ni Mingyu na si Wonwoo na lang mag-isa sa loob at siya na lang ulit ang magba-back ride.

“Huh? Maluwag naman, we can fit here sa loob,” Wonwoo argued.

“Malubak na pabalik, magkakatamaan tayo mamaya. Dito na ko sa likod para maluwag ka diyan,” Mingyu said at agad na sumakay sa likod ng tricycle, leaving no room for arguments.

“Hold on tight, Mr. Bugnutin!” Mingyu heard Wonwoo shout as the tricycle made its way back to the resort.

“Ako pa talaga ang pinaalalahan,” Mingyu muttered in disbelief, a small smile playing at the corner of his lips.

 

Sakto ang pagkabalik nila sa resort para sa oras ng hapunan. Naabutan pa nila ang pamilya nina Gian at Natie na nagseset-up ng long table sa may dalampasigan para maihanda ang isa muling boodle-style na salo-salo.

“Uy, sakto ang dating niyo. Nagluto kami ng laing at seafood. Sinama na namin ‘yung binili ni Wonwoo ‘nung isang araw,” nakangiting bungad sa kanila ni Gian.

Agad namang napalingon si Mingyu sa katabing si Wonwoo nang marinig ang seafood. Nagulat siya nang magtama ang tingin nilang dalawa dahil nakatingin na rin pala ito sa kanya.

Akmang sasabihin na ni Mingyu kay Gian na hindi kumakain ng seafood si Wonwoo pero pinigilan siya nito sa pamamagitan ng isang iling.

“It’s fine, Gyu. Wag mo na sabihin. Nakakahiya sa kanila,” bulong ni Wonwoo nang magkatabi sila sa upuan.

“Ha? E, anong kakainin mo?” Mingyu asked in return.

"Food, duh. Ang daming pagkain, oh. There’s laing and ensalada pa," Wonwoo said with a laugh, gesturing to the spread in front of them.

Bahagyang napakamot na lang sa ulo si Mingyu sa naging sagot ni Wonwoo at hinayaan itong sumandok ng kakainin. Kung sabagay, kwento naman niya kanina ay good vegetable eater daw siya simula pagkabata kaya ‘di naman siguro siya magugutom dahil may—Bakit niya ba kasi iniintindi ‘tong si Alabang boy? Matanda naman na ‘yan. Kaya na niya busugin ang sarili niya.

Sa gitna ng pagkain nila ay biglang inabutan ni Natie ng malaking piraso ng laman ng bangus si Wonwoo.

“Tikman mo 'yang inihaw na bangus, Wonwoo. Masarap ang timpla ni Gian. Tinanggalan ko na rin ‘yan ng tinik,” nakangiting sambit ni Natie sa binata.

Napatingin si Mingyu kay Wonwoo, expecting him to refuse and finally come clean about his dislike for seafood, but was thoroughly surprised when Wonwoo simply smiled and thanked Natie in return.

“A—ah, thank you po, tita,” nakangiting sagot nito kahit mahihimigan mo ang pag-aalinlangan sa kanyang boses.

Wonwoo managed to maintain his smile while taking a bite of the fish. He even continued conversing with the family like nothing had happened, which baffled Mingyu even more. Ano bang pinapatunayan nitong si Alabang boy?

Kahit medyo lito sa mga pangyayari ay bumalik na rin sa pagkain si Mingyu at nagsimulang itabi ang mga piraso ng baboy na nakalahok sa laing.

Hindi rin niya alam kung anong pumasok sa isip niya (he’ll blame it on their long day), pero tahimik niyang inilipat sa side ng dahon ni Wonwoo ang naipon na karne.

“Huy, okay lang, Gyu,” Wonwoo said and attempted to return the pieces of meat to Mingyu.

But Mingyu stopped him with a little nudge on the side. “Kainin mo na ‘yan. Hindi ka naman nila tatantusan kung ‘di ka nakain ng isda.”

Wala naman nang nagawa si Wonwoo nang muli siyang bigyan ng ilan pang piraso ng karne ni Mingyu. “Thank you,” bulong na lamang nito sa binata.

Buti na lang nag-date sina Jeonghan at Seungcheol dahil siguradong hindi siya tatantanan ng mga ito kung sakali, isip ni Mingyu.

 

Nakatambay sina Mingyu at Wonwoo kasama ang mag-asawang Gian at Natie sa may buhanginan nang dumating sina Seungcheol at Jeonghan. Bitbit ng magkasintahan ang isang box ng cake kaya’t nagpatimpla ng kape si Gian sa anak na si Tata.

Habang nagkakape ay kinamusta ng mag-asawa ang naging lakad ng grupo sa siyudad.

“Maganda naman po ‘yung interview namin kanina sa may-ari ng resort, Tito Gi. Nabanggit niya nga na may tinatayong tulay para raw mas mabilis kayong makakarating sa city proper,” kwento ni Seungcheol.

“Hay naku, ilang taon nang ginagawa ‘yang tulay na ‘yan. Hindi naman matapos-tapos,” sambit ni Natie. “Pagka-laki na ng pondo na nailabas para diyan pero parang wala namang progress.”

“Baka nga grumaduate na si Clara ng college, e, binubuo pa rin ‘yan,” may iling na biro ni Gian.

Nabanggit rin nina Mingyu at Wonwoo ang naging eksena sa city hall kaya’t lalong napabuntong hininga ang mag-asawa.

“Ganyan talaga sila. Mga magagaling lang kapag eleksyon. Pagkatapos manalo, hindi mo na mahagilap. Parang kasalanan mo pa pag hinanapan mo ng proyekto,” ani Gian.

 

Naunang magpaalam na matutulog na ang mag-asawa kaya’t naiwan ang apat na nagkekwentuhan at nagmumuni-muni sa beach.

“So, how was your date?” Pilyong tanong ni Jeonghan kaya hinampas siya sa braso ni Wonwoo.

“That was not a date nga!” Wonwoo exclaimed at the same time Mingyu answered, “Date ka diyan. Nag-shoot lang kami ng b-rolls.”

Seungcheol couldn't help but fake clap at his friend's answer. “Wow. Sobrang dedicated mo naman pala, pre. Baka naman ipangalan na sa’yo ‘yung Maskom building niyan.”

Mingyu only raised his middle finger in response, making Seungcheol laugh.

 

Halos isang oras ring nagkwentuhan ang apat bago magpaalam sina Seungcheol at Jeonghan na matutulog na. Nagpaiwan naman sina Mingyu at Wonwoo dahil hindi pa raw sila inaantok pareho.

“Okay, gusto niyo pa ng alone time. Got it,” asar ni Jeonghan bago tumakbo palayo dahil inambahan ito ni Wonwoo na babatuhin ng isang dakot ng buhangin.

“Hannie talaga sobrang crazy. Kung ano-ano sinasabi.”

“Kaya nga sila bagay ni Cheol, e. Pareho silang baliw.”

Saglit silang nabalot ng katahimikan pero sa pagkakataong ito ay si Mingyu na ang bumasag dito para ibalik ang tanong ni Wonwoo sa kanya kanina sa plaza.

“Ikaw ba? Kakayanin mong tumira sa malayong lugar kagaya ng Delia?”

Wonwoo seemed to contemplate a bit before answering. “Honestly, hindi ko alam. From an outsider’s perspective, Delia seems like a paradise. It’s peaceful, away from the city, and there’s fresh air. It’s an escape of some sort. Pero at the same time, we only have the privilege to romanticize it kasi we are not here for a long time.”

“May choice tayo,” Mingyu offered in understanding.

Wonwoo nodded and continued, “Delia is something we can consider a temporary place. A breather. But how about the people who live here? Do you think they ever wish to escape the place we think of as ‘paradise’? Especially with the lack of public works, which heavily affects din their livelihood.”

Mingyu nodded at Wonwoo’s sentiments, kaparehas kasi ito ng mga nasa isip niya. “Sana may matulong ‘tong docu sa sitwasyon nila. Hindi naman ako naasa na parang magic na pagkalabas ay biglang yaman ng Delia at biglang okay na ang lahat, pero sana makapukaw man lang ng pansin.”

“I know. I’m wishing for that too. I genuinely want to help them, pero we can only do so much, right? I just hope this project sparks a little change, at least.”

Sabay sa pag-ihip ng malamig na hangin ang malumanay na tawag ni Mingyu kay Wonwoo.

“Hmm?” Wonwoo answered in an equally soft voice.

“May puso ka. You’re very empathetic and compassionate. Kailangan ng bansa na’tin ng maraming journalist na kagaya mo, Alabang boy.”

For the nth time that day, Wonwoo felt warmth spread throughout his body, particularly in the left part of his chest as his heart slammed wildly against it. That was the nicest compliment he has heard in his life, and the fact that it came from Mingyu

“Thank you, Min. That means a lot. Really.”

“Min?” Mingyu repeated with a hint of teasing in his voice.

“I-I mean Mingyu… sorry… ah, I just—”

“Relax, inaasar lang kita. Min na lang itawag mo sa’kin kesa naman sa Mr. Bugnutin.”

Mas intant naman sa instant noodles ang pag-pout ni Wonwoo sa narinig. “No way! Ikaw pa rin si Mr. Bugnutin. Or actually let me call you Min Bugnutin instead.”

“Mas lalong bumaho pakinggan, e,” Mingyu complained with a groan.

“Oh, shush. Sabi ko sa’yo, I’ll stop calling you that once you stop calling me Alabang boy.”

“At sinabi ko rin sa’yo, tatantanan ko lang ‘yung Alabang boy ‘pag di ka na ‘dun nakatira.”

“Whatever, Min Bugnutin,” Wonwoo weakly retorted with an eye roll, and Mingyu only laughed despite himself.

When Mingyu’s laughter died down, the two fell into comfortable silence, but this time, neither made a move to disrupt it. Instead, the two basked in the tranquility of the night as they sat on the sand side-by-side, the tips of their pinkies touching, and neither bothered to make a move to pull away.

Notes:

hello~! i am alive, alert, and awake. thank you so much sa pagbabasa at paghihintay huhu sana po ay may baon pa rin kayong pasensiya dahil nasa build up part pa rin po tayo hahahuhu anyway, let me know your thoughts hihi~ and see you sa next chapter (hopefully hindi na kasingtagal) mwa mwa <3